Sa isinagawang PGS o Proficiency Stage Revalida sa Bureau of Customs, nanguna ang Port of NAIA, sa 17 Collection District, dahil na rin sa pagmamaneho ni District Collector Carmelita M. Talusan, kung saan nakapagtala ito ng 98. 30 na iskor.
Sa nasabing Revalida Gold Trailblazer Award ang nakamit ng nasabing Aduana, sa tulong na rin ng mga kawani sa mahusay at malinis nilang pamamalakad.
Matatandaan, ang Port of NAIA rin ay nakatanggap ng Gold Award, sa isinagawang Compliance Stage Revalida.
“The Performance Governance System (PGS) under the Institute for Solidarity (ISA) is a holistic framework for sustaining roadmaps to reform which provides for performance management and measurement tool that aims to transform organizational strategies into breakthrough results.”
Ang enrollment sa PGS ay isa lamang sa programa na ini-implementa ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero bilang kampanya sa kanyang pag reforma sa nasabing ahensya.
Sa pamumuno ni Bureau of Customs Commissioner Jagger Guerrero, at Port of NAIA District Collector Talusan, ang nasabing ahensya ay nakatuon sa pagbabago tungo sa pagpapaunlad at maging isa sa world’s best agency.
Samantala, tumanggap din ng kahalintulad na parangal ang Port of Manila, Subic, at MICP, kung saan naka gold din ito sa revalida ( Dr. Bernie R. Anabo Jr.)
Spread the news