MAITUTURING na makasaysayan ang pagkapanalo ni Former Senator/President Elect Bongbong Marcos Jr., dahil nagkaisa na ang taong bayan para sa taong may bisyon at misyon sa isang bayang maunlad at matiwasay.
Biruin niyo mga Igan, lumabas ang mga botante, dahil naniniwala sila sa panawagan ni President Elect Ferdinand Marcos Jr na PAGKAKAISA, at isa na po tayo dun mga Igan.
Masasabi din natin na isang history, sapagkat ilang dekada na po ang nakakalipas na walang Presidente at Bise Presidente na magkaisang linya ang nagwawagi.
Binasag talaga ni President Elect Bongbong Marcos Jr at Vice President Sara Duterte ang nakagawian na sa Partido, kapag hindi Presidente, bise Presidente ang nananalo.
Ika nga sa mga naririnig ko, record breaker. At ang maganda sa dalawang opisyal nagsanib, hindi ito magawamg manira sa kanilang mga katunggali. Talagang pagkakaisa ang kanilang layunin.
Kaya sa ilang mga estudyante na sumasali sa rally. Pwede ba TUMIGIL na kayo! tanggapin niyo na lang ang katotohanan na si BBM na ang presidente natin.
ito ba ang PALN B niyo? Ang guluhin Ang gobyerno? Ang makiisa sa mga kumunista? O baka naman nagpapagamit lang kayo sa konting halaga! May ganun!
Naku po! Saan niyo inilagay mga utak niyo? Naturingan kayong iskolar ng bayan. BOBO NAMAN! Pinakitid mga utak niyo ng mga DILAWAN. Alam ba ng mga magulang niyo mga ginagawa niyo? Haitz! Sayang ginagastos sa inyo.
Payo ko lang mga Igan, mag isip, magmuni-muni, at tanggapin niyo ang katotohanan na ang resulta ay pabor sa nanalong Presidente at Bise Presidente.
Yung sinasabi niyong DAYA. Maghanap kayo ng ebidensya, at pormal niyong ihabla sa COMELEC. Para naman makuntento kayo at manahimik na. Ambot sa kambing na may bangs!
***
WORLD LEADERS, BINATI SI BBM
NAGPA ABOT ng pagbati si United States of America President Biden, gayundin ang kanyang top envoy ng Estados Unidos na si US State Secretary Antony Blinken sa mamamayan ng Pilipinas sa matagumpay na halalan, sa pagkapanalo ni President Elect Bongbong Marcos.
Sa kanyang statement, sinabi ni Blinken na bukas ang Amerika, na makipag trabaho sa bagong gobyerno at pahtibayin pa ang alyansa ng dalawang bansa.
Bumati din ang Ambassador of Japan, na nasaksihan din nila ang halalan ng ating bansa, at nakita na na-exercise talaga ang demokrasya.
Nagpa abot din ng pagbati ang Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kay President Elect Marcos, at Vice President Elect Duterte.
Anya pa “I have no doubt that under the next administration, our bilateral relations will only become stronger, our peoples closer and our cooperation deeper and wider.”
Ang pagpapa abot ng mga pagbati ng mga WORLD LEADERS sa ating bagong Presidente, ay indikasyon ng pakikiisa at magandang samahan ng bawat bansa. Mabuhay and God bless us, all!
Spread the news