Anim na opisyal ng Port of Subic, Bureau of Customs ang pansamantalang pinagre-report sa tanggapan ng Kumisyuner, habang isinasagawa ang imbestigasyon kaugnay sa ismagling ng asukal.
Ayon sa Press Office of the Secretary, dahil umano ito sa pitong libong metriko toneladang asukal, mula Thailand na naharang sa Port of Subic, nakaraang Linggo.
Tinangka umano itong ipuslit sa nasabing Port, gamit ang recycled permit mula sa Sugar Regulatory Administration.
Base sa Office Order na inilabas ni Acting BOC Commissioner Yogi Filemon C. Ruiz, pansamantala munang inilipat ang mga opisyal sa kanyang tanggapan, habang isinasagawa ang imbestigasyon at standard procedure umano ito.
Sa pahayag ni Press Secretary Atty. Trexie Angeles, kapag mapatunayan na may sangkot sa ismagling, tiniyak niyang mapapatawan ito ng karampatang parusa.
Sa isinagawa namang Senate Hearing at Kongreso lumalabas na ang nasabing importasyon ng asukal mula Thailand na hinuli ng Bureau of Customs ay legal.
Sa pahayag ni Deputy Administrator Atty. Tejida, CLEARED ang importation ng asukal sa Port of Subic under SO 3 nakaraang Duterte Administration na inabot na sa Marcos Aministration.
Ang SO 3 ay ipinaliwanag ni Atty. Tejida na ang asukal na inangkat ay exclusively for food manufacturer kagaya ng soda makers, coca cola etc.
Sa pagtatanong ni Senator Risa Hontiveros, kaugnay sa SO3 tinanong niya kung industrial use, at hayagang sinabi ng taga SRA na for food manufucture ito, at CLEARED ang importasyon sa Port of Subic gayundin sa Batangas.
Sa madaling salita ang sinasabi ni Atty. Tejida sa public hearing sa Senado, walang problema sa papeles ng importasyon ng asukal sa Batangas Port of Subic, alumalabas na nakuryente ang Bureau of Customs at maging si ES Rodriguez.
Ipinagmalaki pa ng Malakanyang na prevent ang smuggling ng asukal sa Subic, at sa kanilang ulat kay ES Rodriguez, na recycled umano ang import documents, ayon na rin sa report ng ilang Bureau of Customs Opisyal.
Sa tawag ng tungkulin, agad nagbigay ng mission order si Coll. Martin, nito lamang August 18, 2022, para alamin o eberipika ang aunthenticity ng SRA Clearance Importation of Sugar, at maging sa FDA, sa nasakoteng asukal sa nasabing Aduana.
Lumabas sa sertipikasyon ng SRA na may lagda ni Deputy Administrator Atty. Tejida nitong August 19, 2022, sa Oro Agri-Trade Inc/ Zest-O, 1,819 metric tons ay may clearance gayundin ang ARC Refreshment corporation na may 5,181 metric tons o 103 thousand bags, total of 7000 metric tons ay legal.
Malaking sampal sa Bureau of Customs ang kanilang pagkakamali, sapagkat nagsibak sila ng mga performing opisyal ng Port of Subic.
Ang tanong ng pahayagang ito, ibabalik
kaya ni Comm. Ruiz ang anim na opisyal, o baka naman gawin na lamang itong sakripisyo? At magtalaga na lamang ito ng bagong opisyal para pagtakpan ang kanilang pagkakamali.
Totoo kaya ang balitang nais maglagay ng bagong mga opisyal, upang maisagawa nila ang kanilang nais na magpalabas ng mga Agricultural Products sa naturang Port?
Handa naman ang pahayagang ito na bantayan, at ilathala ang mga kaganapan sa Bureau of Customs, lalo na at ayan ni Pangulong Marcos ng ismaling sa droga, gayundin ang Agricultural products. (May susunod pa…)
Spread the news