HANGA po talaga tayo sa utak ni 4P’s Party List Representative and Minority Leader Atty. Marcelino “Nonoy,” Libanan, dahil sa pagpapatutok nito sa mastermind ng pagpatay sa kasama natin sa hanap buhay na si Ka Percy.
Patunay lamang ito na pinapahalagahan niya ang kaligtasan at kahalagahan ng idustriya ng pamamahayag sa lipunan. Hanga po talaga kami saiyo Cong. Atty. Nonoy.
Dagdag pa ni Cong. Atty. Nonoy, ang huhuli sa ulo ng kimen ay ang MONEY FLOW sa hired gunmen, at ito ang dapat sundan ng PNP, lalo na at ang money transfer  ay idinaan sa bangko, bilang bayad sa pagpatay kay Ka Percy.
Ani pa ni Cong. Atty. Nonoy, mati-trace kung sino ang may ari ng account na naghulog ng pera. “The authorities should follow the money. An examination of the money transfers may well lead to the mastermind.” Diin ng abugadong kongresista.
Matatandaan, sinabi na nang self-confessed gunman na si Joel na may “middleman,”  silang kausap sa loob ng Bilibib para patayin ang biktima. Inamin rin nito naP550,000 ang ibinayad sa kanila para patimbahin si Lapid.
Samantala, panawagan po natin sa kapwa natin mamahayag na mag ingat at magtiwala pa rin sa kapulisan, sapagkat sila pa rin ang katuwang natin sa paglutas ng krmimen.
Sa mastermind naman. Sumuko kana, dahil walang sikrektong hindi nabubulgar. Ika nga nila, ibaon mo man ang durian, aalingasaw pa rin ang amoy.
Kay Minority Leader Cong. Atty. Nonoy Libanan, taos pusong pasasalamat naman sa hanay ng mga mamamahayag, sa inyong paghimok sa mga kapulisan kung paano huhulihin ang mastermind. Mabuhay and God bless us, all!
***
CONGRATZ AND WELCOME SA BOC, DEP. COMM. FOR IG MGEN. JUVYMAX R. UY
ISANG pagbati at pagsaludo sa bagong Bureau of Customs Deputy Commissioner for Intelligence Group MGEN. JUVYMAX R. UY, na siguradong makakatuwang ni BOC Comm. Yogi Ruiz sa pagsugpo sa ismagling.
Sa kalatas mula sa Malakanyang, nito lamang Oct. 17, 2022, itinilaga si MGen. Uy, kapalit ni Dep. Comm. IG Raniel Ramiro, na nagsilbi sa panahon ni Pangulong Duterte, kasabay ni fomer Comm. Jagger Guerrero.
Nanumpa naman si Dep. Comm. MGen. Uy, kay Executive Secretary Lucas Bersamin, nito lamang October 19, at habang sinusulat po natin ang pitak na ito, hinihintay na lamang ma transmit ang kanyang appointment sa Department of Finance.
Si Dep. Comm. For IG MGen. Uy, ayon sa aking source, isang sundalo CLASS 89 MAKATAO, at mistah ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr.
Kaya sigurado tayo na malawak ang radar nito, para matugis ang mga ismagler, at nawa’y hindi malamon ng sistema ang heneral. Umasa Naman po kayo na ang pahayagang ito ay susuporta sa iyong magandang adhikain tungo sa ikabubuti ng ahensya.
***
Diin ng Bureau of Immigration…
DUAL CITIZENSHIP, HUWAG IKABAHALA
Maraming mga Pilipino, sa iba’t ibang panig ng mundo lalo na sa Japan at Germany, ay takot na magkaroon ng Dual Citizenship, sapagkat maari makansela ang kanilang foreign citizenship pag nalaman ng gobyerno kung saan sila ay citizen na. Bawal kasi sa Japan at Germany ang dual citizen na mamamayan nila.
Hindi niyo na po ito dapat ikabahala, dahil protektado kayo ng Rules on Philippine Dual Citizenship under R.A. 9225.
Ang nasabing mga dating Filipino ay protected dahil mayroon provision of  Confidentiality of Records ang batas. And, any application, document of Information given before the Bureau of Immigration or any Philippine Foreign Post shall not be divulged in any manner to any person or entity without the express written consent of the person to whom such application, record, or information belongs.
Bakit mo naman ipapaalam sa kanila na dual ka? Secret lang. Ginawa itong batas na ito para makapag enjoy muli ang mga dating kababayan natin ng full rights and privileges as a Filipino.
Pwede pala mga Igan, na kahit ang passport mo lang na ipapakita o gagamitin, ay halimbawa JAPANESE PASSPORT, or yong foreign passport mo, ngunit dual citizen ka. Pag nasita ka ng Phil. Immigration pag palabas ka ng bansa, ipapakita mo lang ang Dual Citizenship Certificate mo at okay na.
Samantala, anumang katanungan ukol sa Phil. Visa/s at immigration concern, mangyari lamang na mag email sa pahayagang ito o kaya naman sa iambernie32@gmail.com.
Spread the news