KAHANGA-HANGA talaga si Bureau of Customs Commissioner Yogi Ruiz, sa natatangi nitong pagganap sa ahensya, bukod sa pag reach ng target collection, seryoso din ito sa pagsugpo sa iba’t-ibang uri ng ismagling.

Sa katunayan, nito lamang buwan nasabat ng operasyon ng Bureau of Customs, Port of NAIA, at Philippine Drug Enforcement Agency, (PDEA), sa Central Mail Exchange Center ang halos isang milyon ng ecstacy tablets, at cannabis.

Nabatid na ang nasabing kargamento ay nagmula sa Germany na naglalaman ng 394 pieces ng ecstacy tablets, at ang pangalawang shipments ay mula sa US na nadiskubreng cannabis na tinatayang 425 gramo.

Kaya naman, bukod kay Comm. Yogi, nais din natin papurihan ang mga ahente ng BOC Port of NAIA at gayundin kay District Collector Mimel Talusan, sa seryosong kampanya laban sa mga ma-anomalyang gawain sa nasabing ahensya.

****

CIIS DIR. TACIO AT ALVIN ENCISO, DAPAT BIGYANG PAGKILALA

DAHIL sa natatanging pagganap ng Bureau of Customs, partikular na ang Customs Inteligence and Investigation Service sa pamumuno ni Dir. Tacio at ni MICP IO III Alvin Enciso, maraming nasakoteng asukal, at agricultural products.

Patunay lamang ito na seryoso ang nasabing dibisyon sa programang ipinatutupad ni Comm. Yogi Ruiz na sugpuin ang ismagling sa bansa, hindi lamang sa mga agricultural products, gayundin sa ipinagbabawal na gamot.

Patunay na riyan ang pagiging aktibo ng CIIS Port of NAIA, kaya naman hindi nakakalusot ang mga party drugs, katulad na lamang ng ecstacy at cannabis oil.

Mga sibuyas naman na nagkakahalaga ng 30 milyong ang nakumpiska ng BOC sa pamamagitan ng CIIS at katuwang rito ang Department of Agriculture, na tinatayang nasa 100,000 kilos.

Kaya naman, iniimbestigahan ng kagawaran kung may kaugnayan ito sa kakulangan ng sibuyas ng bansa, dahil sa hoarding umanong nagaganap.

Nabatid ng ahensya na walang import documents ang nasabing shipment at hindi sumailalim sa kahit anong food safety regulations, kung kaya’t inirekomenda itong kasuhan.
***
PARANAQUE TRAFFIC CHIEF MURILLO, PINAPURIHAN
BINIGYAN ng pagkilala at papuri si Ret. Pulis at kasalukuyang Paranaque Traffic Chief Rey Murillo, dahil sa kanyang natatanging pagganap bilang hepe ng nasabing departamento.
Ang nasabing pagkilala o parangal ay iginawad ng Paranaque Net Radio, sa pamumuno ni Paranaque Press Club Director Gaspar Latam, at anya pa malaking na-iambag ni Chief Murillo sa maayos na pamamalakad ng trapiko sa nasabing Lungsod.
Si Chief Rey Murillo, ay kilala sa Philippine National Police, bilang Outstanding Police, dahil sa kanyang dignidad at integridad ay hindi nabahiran ng anumang anomalya, hanggang siya ay mag retiro.
Mabuting asawa, at tapat sa kanyang may bahay na si Deputy City Prosecutor Atty. Murillo, at mabuting ama sa kanyang anak, kaya pinagpapala ng Diyos.
Ani former City Administrator Ding Soriano, si Murillo ay mabuting kaibigan, masipag sa trabaho at mapagkakatiwalaan, kaya naman hindi nagkamali si Mayor Eric Olivarez na bigyan ito na pagkakataon na pamunuan ang Paranaque Traffic. Congratulations, and may God bless you, always Sir Boss Chief Murillo!
***
Parting Shots: Pagbati sa aking mga kaibigang Collector ng Bureau of Customs sa kanilang malaking ambag sa ahensya lalo na sa pag reach ng collection target.

Isang papuri at pagsaludo kay MICP Coll. Arnoldo Famor, POM Coll. Vargaz, Port of Subic Coll. Meeks Martin, at Port of NAIA Coll. Mimel Talusan. Mabuhay and may God bless you, always!

Spread the news