SUNOD-SUNOD na operasyon ang ikinasa nina Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax Uy, at Customs Intelligence and Investigation Service Director Verne Enciso, dahilan para umukit na naman ng kasaysayan ang nasabing tanggapan ng Bureau of Customs.
Kaya nito lamang Miyerkules, April 12, 2023, sa serye ng inspeksyon sa anim na bodega sa Metro Manila, tinatayang 150 milyong halaga ng mga agricultural products, frozen meats, and fresh fruits ang nadiskubre ng mga ahente ng Bureau of Customs.
Ipinatupad ng mga ahente ng Customs Intelligence and Investigation Service Manila International Container Port Head Alvin Enciso, Enforcement and Security Service-MICP, ESS Quick Reaction Team, ang mga Letter of Authority sa mga warehouses.
Ito’y alinsunod na rin nang pagpapaigting pa ng kanilang kampanya upang sugpuin ang agricultural smuggling sa bansa sa ilalim ng pamumuno ni BOC Commissioner Bien Rubio.
Saad pa ni Comm. Rubio, “Right now, our team is a well-oiled machine running after these smuggling groups. The operations showed how our officers work day and night to make sure these products will not make it to our local markets.”
Dagdag naman ni Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax Uy, ang taos pusong pasasalamat kay Comm. Rubio, sa pagbibigay ng LOAS, para bigyan ng agarang aksyon ang mg derogatory information na kanilang natatanggap.
Mga Igan, ang inventory ng goods ay gagawin ng assigned customs examiner at witnessed naman ang mga ahente ng CIIS at ESS QRT, kung saan ang me-ari ng naturang mga produkto ay inaasahang mag presenta ng importation documents at proof of payment.
Kung sakali man wala silang maipakitang kaukulang  dokumento, maaring ma isyuhan sila ng seizure and forfeiture proceedings sa mga produkto, at kakasuhan ng violation of Sec. 1400 in relation to 113 of Republic Act No. 10863, ayon sa Customs Modernization and Tariff Act.
Samantala, nais Naman ni Comm. Rubio at Dep. Comm. Uy, na personal nilang bisitahin ang mga pasilidad, kung saan naroon ang mga suspected smuggled products.
Pagwawakas ni Dep. Comm. Uy, “The BOC is sending a clear message to these groups that we will never tire in our efforts to prevent these products from entering our local markets. We commend our officers for their commitment to our mandate.”
***
BALASAHAN AT PAGLILINIS SA BOC, PINURI
PINURI ng mga kawani ng Bureau of Customs si Commissioner Bien Rubio, sa isinasagawang balasahan at paglilinis sa kanyang bakuran, sapagkat nabibigyan ng pagkakataon ang may alam sa Bureau of Customs.
Ang malawakang balasahan, ng mga kawani, at opisyales ng BOC, mula sa mga Aduana ng Luzon, Visayas at Mindanao, ang naging dahilan para ma reach nila ang revenue collection target.
Kapansin-pansin naman mga Igan, ang tila sinisilihang puwet, at karamihan sa mga taga BOC. Bakit kaya mga Igan? Mawawalan ba sila ng hanap buhay? Ambot sa kambing na may bangs!
Ang nasabing hakbang ni Comm. Rubio, ay naglalayun lamang na lalong mapaunlad, mapataas ang koleksyon, at malabanan ang smuggling sa BOC
Mabuhay po kayo Comm. Rubio, at ipagpatuloy niyo lang po ang magandang performance sa BOC. Tiyak na matutuwa saiyo si DOF Sec. Diokno, at maging si PBBM.
Nawa’y maki-isa naman ang lahat ng kawani ng BOC, sa magandang layunin ni Comm. Rubio, panigurado namang may reward sa inyo si Comm. Rubio. Tama po ba ako mga Igan?
***
TIGER LADY UMARANGKADA
Tinaguriang Tiger Lady, at Lady Dragon sa  Bureau of Customs si Atty. Des Mangaoang, at sa ikatlong pagkakataon naging BOC-XIP Head.
Sa ilang buwan na panunungkulan, marami na itong ipinakitang accomplishments isa na rito ang pagkakahuli ng kush o high grade marijuana na nagkakahalaga ng 3.9 milyon, na mula pa sa California, USA
Nakaraang buwan, kung Hindi po tayo nagkakamali, huli din ng XIP ang 400.72 milyong shabu na mula pa sa West Africa at declared as spare parts. Kala niyo makakalusot kayo! Ambot! Congratulations and mabuhay sa XIP!
Spread the news