Mabait at pinagpipitagang opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI). Isang low-key at humble person. A certified workaholic who inched his way to the top by his sheer determination, dedication and, hard work. Tunay at tapat na Public Servant.
Yan si Atty. Antonio Macabasag Pagatpat, ang kasalukuyang Deputy Director for Administration ng National Bureau of Investigation (NBI).
Sinubok ng maraming bagyo sa buhay si Tony (tawag sa kanya sa Bureau) na tubong Guiuan, Eastern Samar, ang probinsyang paboritong daanan ng mga bagyo. Isang literal na “promdi” na nagsumikap at matapang na nakipagsapalaran sa magulong Maynila.
Nagtapos ng Law sa Divine World University, Tacloban noong 1988 at pumasa sa Bar Exam ng nasabi ring taon na may gradong 80.02 percent. Pumasok sa government service nang mahalal bilang Kabataang Barangay Municipal Federation President ng Salcedo, Samar noong 1984 hanggang 1986.
Legal Officer III si Tony ng Department of Agrarian Reform (DAR) noong 1989-1990.
Mula sa DAR, umakyat bilang Investigation Agent I hanggang Agent IV ng Eastern Visayas Regional Office ng NBI sa loob ng limang taon noong 1990-1995.
Taong 2003 nang maitalaga siyang Assistant Regional Director ng naturang opisina.
Si Tony ay na-promote mula Director III hanggang Director V sa loob ng siyam na taon. March 7, 2022 sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, itinalaga si Atty.Pagatpat bilang Deputy Director for Administration ng NBI hanggang sa kasalukuyan.
Kung mayroon mang karapat-dapat na tunay na makapatupad ng mga direktiba ni Panglong Bongbong Marcos ito ay walang iba kundi si Atty Tony Pagatpat. He literally “rose from the ranks” and a “legitimate homegrown from the backyard of the NBI”.
Hindi matatawaran ang makabuluhang karanasan ni Tony bilang Imbestigador ng kagawaran, lalo na ang mahigit 30 years ng kanyang tapat at malinis na paglilingkod — dugo at pawis ang inihandog niya sa pagseserbisyo sa tao at sa bayan.
Dahil alam ni Atty Tony Pagatpat ang mga proseso at sistema ng NBI, tunay na maisasaayos niya ang loob at labas ng NBI. At base sa damdamin at sentimiyento ng mga Rank and File Employees ng Bureau, isang malaking morale booster kung isang mismong taga-loob ng NBI ang hihiranging NBI Director.
Marami ang mai-inspire at ibayong pagsisikap ang ipamamalas ng mga kawani ng gobyerno kung galing mismo sa loob ng ahensya, NBI man o ibang sangay ng Executive Department, ang mamumuno.
Nawa’y ang pinagsamang 33 taon ng operation at administration experience ni Atty Antonio Pagatpat ay siyang i-konsidera ni PBBM sa appointment ng bagong NBI Director.