NAPAKAHUSAY ng pamamahala ni Bureau of Customs Deputy Commissioner for Intelligence Major General Juvymax Uy, sa direktiba naman ni Customs Intelligence and Investigation Director Verne Enciso, gayundin sa pagpapatupad ng Letter of Authority ni Manila International Container Port CIIS Head Alvin Enciso, kung kaya’t maraming accomplishment ang ahensya kontra sa ismagling.
Katunayan rito mga Igan, ang pagkakatimbog ng 900 milyong smuggled goods na nakaimbak sa bodega sa Plaridel Bulacan, nito lamang buwan ng Mayo.
Opo mga Igan, naging maaksyon ang operasyon sa pagkakasakote ng mga smuggled products nang makatanggap ng report ang ahensya, agaran itong nagsagawa ng surveilance, at nagpositibong merong mga smuggled products, dahilan para magpalabas ng Letter of Authority si BOC Commissioner Bien Rubio.
Iyon na nga po mga Igan, nang makapasok ang mga ahente ng BOC sa warehouse, bumulaga sa kanila ang iba’t-ibang uri ng sigarilyo, general merchandise, na hinihinalang mga puslit, o iligal na naipasok sa bansa.
Naging matagumpay naman ang nasabing operasyon, kaagapay ni CIIS IO3 Alvin Enciso ang MICP Enforcement Group, Philippine Coast Guard, PNP Officials, at representante mula sa barangay, Plaridel, Bulacan.
Pansamantala munang ipinasara ni MICP CIIS IO3 Alvin Enciso ang nasabing bodega para sa imbentaryo, at pag iingat, habang binigyan ng 15 days na palugit ang me ari ng warehouse na mag presenta ng kaukulang dokumento, at payment of duties and taxes patunay na legal ang kanilang pag aangkat ng mga produkto.
Muli, nais po nating ipaabot ang papuri kay BOC Comm. Rubio, Dep. Comm. MG Juvymax, CIIS Dir. Verne Enciso, at buong ahente ng BOC, mula sa CIIS at EG, sa patuloy na pagpapatupad ng agresibong kampanya laban sa ismagling at proteksyon sa interes ng gobyerno. Mabuhay po kayo!
***
BOC, NALAMPASAN ANG BUWANANG COLLECTION
Nalampasan ng Bureau of Customs ang revenue koleksyon target nito para sa buwan ng Mayo. Nakakolekta ang BOC ng P77.793 bilyon mula sa target nitong P72.350 bilyon.
Lumalabas na surpass nila ang target ng P5.443 bilyon o 7.52 percent. Ito’y nagpapakita na mas tumaas ang koleksyon ng ahensya kumpara sa nakaraang taon na may remarkable growth of P11.505 bilyon o 17.36 percent.
Base sa paunang report, ang total koleksyon ng BOC mula sa January 1 hanggang Mayo 31, 2023 ay umabot ng P359 bilyon, exceeding the target na P345 bilyon, lampas ito ng P13.232 bilyon o 3.82 percent.
Sa pananaw ng inyong Abang Lingkod, ang malakas na performance ng Bureau of Customs dahil sa five point priority programs ni Comm. Bien Rubio, na nakatutok sa digitalization ng mga proseso, pagpapasimple ng ng mga pamamaraan, pagsugpo sa smugglings,  at pagpapasigla sa kapakanan at pagpapa unlad ng mga kawani.
Kaya naman, lubos ang ating paghanga sa kasalukuyang Administrasyon ng BOC, sapagkat nasa mabuting kamay ito. Tama po ba ako Boss Charlon? Anyway congratulations sa lahat ng kawani ng BOC.
Spread the news