NITONG June 21, nakatanggap tayo ng kalatas mula sa Malakanyang, kung saan muling itinalaga si Atty. Vener Sia Baquiran, bilang Deputy Commissioner, at nilagdaan ang kanyang appointment ni President Ferdinand “Bongbong,’ Marcos Jr.
Maraming natuwa, at nagpa abot ng pagbati sa kanyang re appointment sa Bureau of Customs. Sa katunayan, maraming mga nag mensahe sa akin ukol kay Dep. Comm. Atty. Vener.
Anila, “DESERVE,” talaga ni Dep. Comm. Atty. Vener na manatili sa BOC. Kung noon, meron MIRIAM SANTIAGO sa Senate, at may Lady Dragon Atty. Des Mangaoang sa BOC. Si Atty. Vener naman ang Mangaoang at Santiago na lalaki.
Opo mga Igan, kung kapasidad, integridad, kakayahan at talino ang pag uusapan patungkol kay Dep. Comm. for AOCG Atty. Vener, hindi ito matawaran, kung baga sinubok at dinalubhasa ng panahon.
Bakit ko po nasabi mga Igan? Kung inyo pong matatandaan si Dep. Comm. Atty. Peter Manzano ng RCMG, si Atty. Vener po ang Chief of Staff ng kanyang tanggapan.
Hanggang ito’y naging Collector ng Manila International Container Port, at naging Deputy Commissioner for RCMG nang panahon ni Comm. Guerrero, at Comm. Yogi Ruiz. Tama po ba ako mga Igan?
Nang maitalaga ni Pangulong Bongbong Marcos si Bureau of Customs Commissioner Bien Rubio, nagkaroon ng balasahan sa mga Dep. Comm., at naitalaga naman po si Atty. Vener, sa AOCG.
Kung susumahin mga Igan, ani ng aking source, kaya laging nakaka reach ng Monthly Revenue Target ang BOC, dahil ito sa estratihiya at plano ni Dep. Comm. Vener, kung kaya’t kung ano man ang suhestyon nito ay sinusunod ng mga Kumisyuner. Kaya niyo ba yan?
Well, gawin nating inspirasyon si Dep. Comm. Atty. Vener, nakakatiyak ako na nasa tamang landas kayo, at magiging maganda ang inyong kinabukasan. Tama po ba ako Office of the Commissioner Chief of Staff Atty. Marlon Agaceta, my idol? Mabuhay po kayo and again Congratulations Dep. Comm. Atty. Vener Baquiran!
***
PORT OF NAIA COLL. ATTY. YAS MAPA, PINURI
MARAMI ang natuwa nang si Bureau of Customs Port of NAIA Coll. Atty. Yas Mapa, ang naging District Collector ng nasabing pantalan. Ito’y base sa aking ginawang panayam sa mga kawani ng BOC.
Madaling kausap, masarap Kasama. Iyan Ang namumutawi sa bibig ng mga kawani. Bukod kasi sa matalino, at maganda. Alam niya ang kanyang ginagawa. Saad ni Charles. Sipsip! Hahhahaha
Anyway, totoo naman ang sambit ng mga kawani. Dahil meron din tayong mga nakapanayam sa sektor ng mga Importers at brokers na nagsasabi ng magaganda ukol kay Coll. Atty. Yas Mapa.
Anila nang nasa Legal Service si Atty. Yas Mapa bilang Director, kapag may problema sila sa kanilang accreditation ng kanilang negosyo sa importasyon, kaagad daw itong tumutulong para maresolba ang kanilang problema.
Maliban na lang kung kontrabando ang inyong problema. Talagang tutuluyan kang makulong at maisara ang inyong negosyo, dahil perwisyo ka. Uy ambot
Ilang buwan pa lang si Port of NAIA Coll. Atty. Yas Mapa, nagpakita na ito ng angking galing, sapagkat hindi nakakalusot sa kanya ang mga nagpupuslit ng droga. Ayon timbog at himas rehas bakal talaga.
Kaya naman, nais ko rin papurihan ang mapagpunyaging pagmamaneho ni District Coll. Atty. Yas Mapa, sa Port of NAIA, bukod sa performance level ito. Sadyang minamahal ito ng mga kawani, dahil sa kanyang busilak na puso. Mabuhay and keep up the good work!
***
ANACONDA O BAKA NAMAN ULOPONG SI COLLECTOR?
NANINIWALA na akong hindi lahat ng AHAS nasa gubat. Agree ba kayo diyan? Kung hindi bigyan ko kayo ng proof. May ganun!
Opo mga Igan, isang Collector ang nasibak, dahil natuklaw ng AHAS. As in inaruga, pinakain, at minahal ni Collector ang ANACONDA na ere.
Biruin mo, binitbit niya ito sa kanyang Port para maging Chief of Staff, at hindi naglaon dahil sa lakas ni Collector sa dating Presidente at kay Sen. Bong Go, ginawa niya itong Deputy Collector.
Sa kabila ng pagiging mapagmahal ni Collector. Inaahas at binubukulan pa rin siya nito. Hindi kaya may pangangailangan ito.
Naku po, kaya pala si ANACONDA de Collector VI ay naghahabol sa salapi. Nalalapit na pala mangitlog ang kanyang inahin. Naku po! Huluan niyo kung sino? Sa susunod ihahayag ko na… Uy ambot sa kambing na may bangs!
Abangan sa susunod nating paglilimbag. Ibubulgar natin ang baho este halimuyak ni Anaconda de Collector VI. Mason daw siya? At gumawa na ng listahan ng kanyang sisibakin dahil siya na daw ang uupong DISTRICT COLLECTOR? Ambot!
Spread the news