NAKURYENTE po tayo sa mga balitang kumalat sa Bureau of Customs, kaugnay sa TSUPAAN diumano ng mga kawani na naganap sa District II, Manila.
Opo mga Igan, meron lamang indibidwal na nagnanais sirain ang reputasyon ng ilang mga kawani sa Bureau of Customs, partikular na po kay Section Chief RR at Admin Clerk BdS.
Sa totoo lang po sa aking masusing imbestigasyon, pananaliksik, at panayam, si Chief RR ay nagta trabaho lang ng maayos gayundin si Admin Clerk BdS.
Pinagkakatiwalan at hinahangaan lamang si AC BdS ng mga BOSING sa Bureau of Customs, dahil sa taglay nitong pakikisama at talino na kanyang ipinamamalas sa nasabing ahensya.
Sa mga kawani ng Bureau of Customs na nagpapakalat ng balita laban Kay AC BdS at kay Chief RR, pairalin naman natin ang propesyunalismo.
Kay Bureau of Customs Commissioner Bien Rubio, Sir. Ako’y sumasamo na bigyan niyo ng parangal sina Chief RR at AC BdS, dahil nagtatrabaho lamang ito ng tama, kina inggitan lamang.
Kay Chief RR at AC BdS, ang inyong abang lingkod, ay handang maging panagga niyo, at sisiguraduhin ko na susuportahan ko ang inyong magandang layunin sa BOC.
Sa pamilya ni Chief RR at AC BdS, kung anuman ang inyong marinig laban sa kanila, huwag niyo paniwalaan, dahil may nagnanais lamang sumira sa kanilang KRIDIBILIDAD at integridad.
Ang tiwala niyo po sa kanila, ay hindi dapat mabahiran ng agam-agam, dahil wala palang ginagawang kabalastogan ang dalawang nilalang.
Kaugnay naman kay Dep. Comm. De Light at AC BdS, wala din itong basehan, masyado lamang pinalalaki ng mga taong nagnanais sirain si AC BdS.
Sa madaling salita mga kabayan BIKTIMA dito si AC BdS. In general, paumanhin po sa mga kababaihan, at umasa po kayo na kaisa niyo ako para maproteksyunan ang inyong kapakanan. God bless us, always!
***
HALALANG PANG BARANGAY
Umaarangkada na ang nalalapit na halalang Pang Barangay, nariyan na ang mga nagpapakilala at nagserbisyo na.
Sa aking mga kababayan, pumili kayo ng mga taong, totoong naglilingkod, at handa kayong tulongan sa anumang sakuna.
Katulad na lamang Kay Kap. Chona Navarro, malaking PAGBABAGO ang naganap sa Brgy. Don Bosco, bukod sa payapa at matiwasay ang Barangay pang world class pa.
Biruin niyo ang Barangay Hall lamang ni Kap. Chona, ay binigyan papuri ng ilang Senador at mga kilalang abugado, dahil sa taglay nitong ganda.
Ika nga ni Election Lawyer Atty. Macalintal, ang Barangay Don Bosco, ay Isa sa mga Barangay na maayos naipapamahagi at nagagawang proyekto ang mga buwis na inyong ibinabayad. Mabuhay and congratulations Kap. Chona Navarro.
***
Parting Shot: Nais ko po humingi ng paumanhin, at ipinag umanhin ng patnugutang ito ang misunderstanding sa aking artikulo na inilathala patungkol sa MARITESS na ang aking ibig sabihin lamang na TSIKA o TSISSMISS.
Unang-una po ang pagkakilala ko po Kay Coll. Martin ay  MEEKS, dko po hangad  na saktan si Coll. Martin. Labis po akong humahanga sa taong ito. Bukod sa busilak ang puso, performance level pa.
Kung nasaktan ko man ang damdamin niyo, ako’y humihingi ng patawad, alam niyo naman po yan kung paano ko kayo nire respeto at sinusuportahan. MULI PO PAUMANHIN
Spread the news