Sa nakaraang mga araw, naging malaking usapin sa Aduana ang isang pangyayari na sumira ng mga pagkatao at dignidad sa ilang kawani neto.

Isa ako sa nakuryente ng pekeng balita. Kaya ng nalaman ko na ang kinakalat na balita at pawang kasinulangin at walang basihan, di ako nag-atubiling tanggalin eto sa aking pahayagan at dagling huminghi ng tawad sa mga personalidad na nabanggit. Bilang isang manunulat, obligasyon ko na itama kung anu man ang pagkakamali sa aking mga nilalathala.

Dahil sa pangyayaring eto, sumagi sa aking isipan ang mas mahalagang pa-alala sa lahat, di lamang sa Aduana, patungkol sa pagpapalaganap ng di tamang impormasyon sa personal na buhay ng may buhay, at lalo na ang pagpapakalat ng mga larawan or video ng walang pahintulot sa taong nilalalaman neto.
Alam naman natin na isa sa pinagkaka-abalahan ng mga tao ay ang tsismisan or sa wikang english ay “Gossiping.” Cguro sa nakararami, ang alam nila ay walang kaparusahan ang pag-papapalaganap ng maling balita na ikakasira ng reputasyon ng ibang tao.
 Mga igan, pwede kayong makulong kung mapapatunayan na sinira ninyo ang isang tao sa pagtismis ng walang basihan. Eto ay nakapaloob sa Kodigo Penal ng Pilipinas, na may titulong “Intriguing against Honor”, sa ilalim ng Artikulo 364 neto.
 Eto ay may pagkabilango at pababayad ng pina. At dahil eto ay pasok bilang kaso na napapaloob sa depinisyon ng “Moral Turpitude”, ang isang kawani ng gobyerno ay pwedeng mawalan ng trabaho at patawan ng diskwalipikasyon na di na tanggapin sa gobyerno.
Kay ingat-ingat mga TSISMOSA, baka magsisi kayo na dahil sa katabilan ninyo masira din ang buhay at karera ninyo.
Taong 2009 pa nang maisabatas ang pagbabawal sa pagpapakalat ng mga pribado’t maseselang larawan o video ng isang indibidwal. Pinagbabawal din neto ang mismong pagkuha ng walang pahintulot.
 Ito ang Anti-Voyeurism Act Law. Marami ang hindi nakaaalam neto, kaya tahasang nag papalitan ng mga malalaswasang larawan at video kahit sa mga propesyonal na mga tao na parang walang mga ina, kapatid o anak na babae, at di manlang nererespeto ang pribadong buhay. Kaya nga ang bawat ahensiya ay pinapalakas ang GAD upang protektahan ang Karapatan ng kababaihan.
Tanung ko lang, anu ba ang ginawa ng mga opisyal ng Aduana ng kumalat ang nasabing tsismis na pinagfiestahan halos ng bawat isa? BOCEA, nasaan kayo ng patuloy na tsinitsismis ang mga kawani ng walang pakundangan?
Nakakagimbal na parang mga walang moralidad na hinahanap pa daw ang video at larawan kung meron. Para anu? Pagtawanan ang kapwa kawani, husgahan at ipahiya? Nasaan ang puso ninyo? Naturingan pa naman kayong taong gobyerno, pero tahasan ninyong niyuyurakan ang kapwa ninyo at dipa kayo nakuntento, ikinakalat niyo pa eto.
Kaya paulit-ulit nating babala, huwag pumayag magpakuha ng mga pribadong larawan o video. Hindi man mismong mga karelasyon n’yo ang magpakalat, sa bilis ng takbo ng teknolohiya sa panahon ngayon at kapag napunta ito sa mapagsamantalang kamay, siguradong magagamit ito sa krimen.
Sa pagsasabatas ng “Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act”, netong 2022, mas mapapadali ang pagtukoy kung saan at kanino nanggaling ang pribado’t maseselang larawan o video dahil matutukoy na ang numero ng cellphone ng ginamit dito.
Ingat mga taga Aduana, baka may makadinig sa tsismis ninyo at makitaan kayo ng mga larawan at video na di dapat nasa mga telepono ninyo. At oras na madakip kayo, pasensiyahan tayo.
Spread the news