MASASABI natin na isang malaking accomplishment ng Bureau of Customs sa pamamagitan nina Deputy Commissioner for Intelligence Group Gen. Juvymax Uy, at nang magakapatid na Enciso ang pagkakabalik ng isang sports car.
Opo mga Igan, dahil sa pagsisikap ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port sa pamumuno ni MICP CIIS IO 3 Alvin Enciso, isinuko ang pulang Bugatti Chiron Sports Car.
Biruin mo, nag operate ang nasabing ahensya  ng halos isang Linggo, matapos umapela ang bureau sa publiko ukol sa impormasyon sa dalawang smuggled luxury cars na nakita na nagbe byahe sa mga lansangan ng Pasay, Pasig, Muntinlupa, at Cavite.
Sa nasabing hot pursuit, ay pinuri ni Comm. Rubio, ang agarang pagkaka recover o resulta ng pag-surrender sa isa sa mga sasakyan, na walang import documents. Mabuhay po kayo!
Sa pahayag naman ni Deputy Comm. For IG Gen. Juvymax Uy, ang pulang Bugatti ay isinuko sa joint BOC Team sa isang bahay sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City, kung saan ito nakatago. Congratulations Dep. Comm. For IG Gen Uy, maging nang team CIIS.
Para sa kaalaman ng lahat, ang registered owners ng dalawang units ng 2023 model sports car-isang kulay asul na may plate number na NIM 5450-ay sina Menguin Zhu at Thu Thrang Nguyen. Sana all!
Dagdag namn ni BOC-CIIS Director Verne Enciso, pina-imbestigahan na nila sa Land Transportation Office, kung paano nabigyan ng registration papers ang mga sasakyan nang wala itong kaukulang importation documents.
Samantala ang mga sasakyan, na nagkakahalaga ng P165 milyon bawat isa  ay ini-imbestigahan ng BOC, kung nagbayad ito ng duties and taxes na sinusubaybayan simula pa nung Nobyembre 2023 matapos makatanggap ng “derogatory information, hinggil dito.
Umaasa naman ang inyong abang lingkod na kasuhan ang mga nasa likod ng ismagling, at maging ang me ari sa paglabag ng CMTA Law. At nang mag himas ng rehas na bakal! Ambot sa kambing na may bangs!
Spread the news