PINAHANGA ako ni Bureau of Customs Deputy Commissioner for Intelligence Group Gen. Ramiro, dahil binigyan niya ng agarang aksyon ang aking artikulo hinggil sa umano’y tara, pekeng dokumento, palundag sa isang Section sa MICP, at ilang matataas pang opisyal ay ginagasgas umano ang pangalan ng ilang kawani.
Nitong buwan ng Marso 23, 22, nakatanggap ako ng kalatas na may petsang Marso 15, 2022, mula sa tanggapan ni Deputy Commissioner for IG Gen. Ramiro, kalakip ang kanyang lagda at nagsasaad ng kanyang isinagawang imbestigasyon.
Paglilinaw lang po, wala po talagang kinalaman si Dep. Comm. Ramiro sa mga nagaganap na kabulastogan sa ilang opisina sa Bureau of Customs, bagkus, ginagawa niya ang kanyang tungkulin ayon na rin sa diriktiba ni Comm. Jagger na supilin ang anomalya.
Kung babasahin at iintindihin ng maayos ang aking lathala, na nagsasaad sa pang anim na taludtud (saknong) sa artikulong MICP SEC. 2, MAY HATAG KAY DEP. COMM.? At ito ang nakasaad:
“Teka, mga Igan, bukod daw po sa palundag, karamihan daw po ng ipinapasa ritong mga dokumento. Peke daw? As in gawang recto? Hala ka! Paki imbestiga nga po Dep. Comm. Ramiro? Mukhang namimihasa na rito sina Jelyn at Luz.”
Malinaw pa sa sikat ng araw. Nag request po ako kay Dep. Comm. Ramiro na imbestigahan niya ang mga aligasyon. Dahil nga meron daw Dep. Comm., ang nakikinabang sa TARA SYSTEM.
Bilib po ako kay Dep. Comm. Ramiro, dahil nagsagawa nga sila ng imbestigasyon, sanhi na rin ng aking paki usap, at sa pamumuno ng MICP CIIS Head IO III Alvin Enciso, nabatid na sina Jelyn at Manang Luz, ay food server/provider and Contract of Sevice Personnel.
Pagtatama po mula sa inyong Abang Lingkod, base na rin sa kalatas na aking natanggap mula kay Deputy Comm., for IG Gen. Ramiro, hindi po HAO SIAO sina Jelyn at Manang Luz.
Muli po, ang pahayagang aking sinusulatan, ay bukas sa inyong panig, reaksyon, at komento, para sa patas at walang kinikilingang pamamamahayag.
Samantala, nais kong papurihan ang pagiging propesyunal ni Dep. Comm., for IG Gen. Ramiro, dahil sa kanyang liham ay naitatama natin ang ating inilalathala. Tunay kang ehemplo ng Bureau of Customs. Mabuhay and may God bless us, always!
Spread the news