MARAMI ang natuwa sa Bureau of Customs, Manila International Container Port, sa pagkakatalaga ni District Coll. Arnoldo Famor, sa nasabing Aduana, dahil sa kanyang angking galing, talino, at kakayahan na mamuno.
Sa katunayan, ito’y sinigundahan ni Coll. Ricarte, nang siya’y ating makadaupang palad sa tanggapan ni Coll. Famor, nang tayo ay magawi sa MICP. Tama po ba ako Sir Jess?
Anila, maayos, at madaling kausap si Coll. Famor, na nagnanais lamang na tulongan at sundin ang diriktiba ni Comm. Yogi Ruiz na proteksyunan ang kapakanan ng pwerto, at ma reach ang target collection na naka-atang sa kanila.
Sa pahayag naman ng mga Principal Appraiser at Examiners, ukol kay Coll. Famor, “masayang kasama si Coll. Famor, at may peace of mind kami.” Dahil nakakapag trabaho sila ng maayos, sapagkat isang daang porsyento ang tiwala sa kanila.
Si Coll. Famor, ay mula sa BOC Port of NAIA, na hinasa ng panahon, bago makamit ang kanyang kasalukuyang posisyon. Ika nga nila HINOG na at angkop sa MICP, para ipakita ang kanyang natatanging galing na makakatulong sa ahensya.
Panawagan naman ni Comm. Yogi Ruiz, na suportahan ang mga taong kanyang itinalaga, at hayaan na ipakita ang kanilang kakayahan, na tiyak na magiging asset ng Bureau.
Samantala, ang pahayagan at pitak na ito ay sumusuporta sa adhikain ni Comm. Yogi Ruiz para sa BOC MICP sa pamamagitan ni Coll. Famor, na paigtingin ang kampanya laban sa ismagling at pataasin ang koleksyon ng ahensya. Mabuhay and may God bless us, all!
***
DOJ SEC. BOYING REMULLA, HINANGAAN!
WALANG PERPEKTONG TAO: Lahat tayo nagkakamali, at ang pagkakadapa natin, ang magsisilbing leksyon para itama natin ang kamaliang nagawa. Tama po ba ako mga Igan?
Ang ilan sa atin ay biktima ng panahon, at kinakailangan suportahan, unawain, at hangga’t maari kausapin para itama ang naliligaw nilang landas. Hindi po tao dapat mang alipusta. Tama po ba mga kabayan?
Sa ngayon po, ang ating kalihim ng Department of Justice, ay humaharap ng pagsubok, sapagkat ang kanyang panganay na anak ay nasangkot sa isang kontrobersiya, na agaran niyo namang hinugashan.
Hanga po tayo kay DOJ Sec. Boying Remulla, nilait, at hinusgahan niyo man ang kanyang pagkatao, naging mahinahon at propesyunal niya itong hinarap. Saludo din po tayo, dahil hindi siya nakiki alam sa anumang aksyon ng PDEA sa kanyang anak.
Sa nanawagan na siya ay mag RESIGN. Magdusa kayo. Dahil hindi nagbabago ang tingin ni Pang. Marcos kay DOJ Sec. Remulla, dahil nagagampanan naman nito ng maayos ang kanyang tungkulin.
Para sa ka-alaman po ng lahat si Sec. Remulla, ay sinusuportahan pa rin ng Mababang Kapulongan, gayundin ang Senado sapagkat maayos naman itong nagtatrabaho.
Paalala lang po. Ang pagkakamali ng anak, ay hindi kasalanan ng ama, vice versa. Kaya naman, huwag tayo manghusga sa kapawa, dahil hindi natin alam ang mga nasa likod ng katotohanan. Tama po ba ako Dep. Comm. Delight? Uy ambot!
***
Parting Shot:
Huli man makakahabol din! Nais po natin ipaabot sa ating mga ginigiliw na kaibigan at kumpare, ang ating taos pusong pagbati ng kanilang kaarawan.
Happy Birthday CIIS MICP IOIII Alvin Enciso, gayundin kay MICP Sec. 1A Principal Appraiser COO5 Charlon Tejada, nawa’y bigyan pa kayo ng mahabang buhay, malusog na pangangatawan, at mabuting pag iisip ng Poong May Kapal.
Panalangin ko din na iligtas kayo sa anumang kapahamakan, sapagkat ginagampanan  niyo lamang po ang inyong tungkulin. At sana’y makamit niyo rin ang nais niyo sa buhay, lalo na at kitang kita naman sa inyong perfoance na nararapat na kayo sa mataas na posisyon.
Konting pasensya, at pang unawa na lamang, at ibibigay din ng May Kapal ang nararapat para sa inyo. Mabuhay and God bless us, all!
Spread the news