LEGASIYA na maiiwan ni Bureau of Customs Commissioner Jagger Guerrero ang kanyang inuukit na kasaysayan sa ahensya, katulad na lamang ng mga lampas na koleksyon sa bawat buwan.
Nitong buwan ng Mayo, sa pahayag ng Bureau of Customs, naka kolekta sila ng P68 bilyong halaga ng buwis, lampas ng higit sa 11 bilyong target sa nasabing buwan. Congratz mga Igan!
Opo mga Igan, ang P68.245 bilyong nakolekta ay katumbas ng 20.8% pagtaas mula sa paunang target na P56.478 bilyon.
Sa ating nakuhang ulat mula sa BOC-Financial Service, lumampas sa kanilang target ang 15 sa 17  district collections. Ito ang Port of San Fernando, Port of Manila, MICP, Ports of Batangas, Legaspi, Iloilo, Cebu, Tacloban, Cagayan de Oro, Zamboanga, Davao, Subic, Clark, Aparril, at Limay.
Saad pa ng BO, “Among the factors which contributed to the positive performance of the BOC since January this year include the improved valuation, intensified collection efforts, measures preventing revenue leakage, and the recovering economy of the country.”
Sa kagalalan ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang pagsisikap ng District Collectors at Customs personnel, ay pagpapakita ng kanilang commitment at dedikasyon sa serbisyo sa kabila ng panganib at pamdemyang kinakaharap ng bansa.
Samantala, dagdag ng ahensya, na nakakolekta na sila ng P322.472 bilyon mula noong Enero, kumakatawan sa 47.5% ng 2022 annual target collection na P679.226 bilyon. Mabuhay ang BOC, and may God bless us, all!
***
BBM PINA-ALALAHANAN UKOL SA BOC
NAGBABALA si Northern Samar Rep. Daza sa papasok na administrasyong Marcos, tungkol sa mga power player sa Bureau of Customs at maari umanong manabotahe.
Kung hindi po tayo nagkakamali ang tinutukoy rito ni Rep. Daza, ang mga ismagler. Tama po ba ako? Well, napaka imposibleng masawata ito. Pwede pang maibsan. Sistema na ito! Kaya good luck!
Sa pahayag pa ni Rep. Daza, ang mabuting pamamahala ay nagsisimula sa pagpili ng pinakamahusay at pinakamaliwanag-at kabilang dito ang pagpili ng tama para sa kritikal na ahensya gaya ng Bureau of Customs. May suhestyon ka po ba Cong. Daza? O may napipisil ka na pwede mamuno sa BOC? Pwede ka rin at nang masubukan!
Dagdag pa ni Rep. Daza, “ang Boc, patas man o hindi patas, ay palaging kinikilala bilang isa sa pinakatiwaling ahensya sa burukrasya. Hindi mahalaga kung aling administrasyon ang pag uusapan.
Diyan po ako hindi sang ayon kay Rep. Daza. Mag research ka muna. Hindi mo ba alam na tumatanggap ng karangalan ang Bureau of Customs dahil sa malinis at maayos na pamamahala. Hindi mo rin ba alam na lampas-lampas ang koleksyon ang kanilang natatamo sa target collection?
Baka naman intresado ka sa BOC? Huwag po tayo magmalinis at ipokrito. Dahil karamihan sa inyo na namamahala sa gobyerno ay tumatanggap ng porsyento mula sa inyong mga proyekto. Sino ang hindi korap?
Hindi makatarungan sa mga taga BOC ang iyong pahayag. Tama po ba ako BOC Comm. Jagger? Rep. Daza, baka intresado ka sa BOC? Wish ko lang at para mabantayan kita. At unang-una ako sa pupuna, kapag may makita akong mali sa iyong pamamahala. Ambot!
***
COMM. LAPENA, NAIS BUMALIK SA BOC?
UMUUGONG sa buong Bureau of Customs ang balitang nag apply daw si dating Comm. Lapena, at kasalukuyang Kalihim ng TESDA na bumalik sa nasabing ahensya? May ginto ba sa BOC? Ambot sa kambing na may bangs!
Anong meron sa nasabing ahensya Comm. Lapena, at masidhi ang iyong pagnanais na bumalik sa ahensya? May mina ba ng ginto? O nalasap mo ang mamantikaan? Nagtatanong lang?
Naku po! Good luck! Baka na naman bumaha ang ipinagbabawal na droga sa merkado. Tandaan niyo po mga Igan, ang Magnetic Lifter na naglalaman ng droga. Hindi po ba nakalusot yun sa panahon ni Comm. Lapena?
Well, hindi naman ganun si President Elect BBM na kukuha ng Kumisyuner na magbibigay sa kanya ng sakit ng ulo. Mahirap na maraming mapagsamantala, at walang alam para pamunuan ang ahensya.
Dapat ang makuha ni BBM bilang kumisyuner, ang taong may alam sa CMTA Law, walang bahid anomalya, matapang, at abogado o abogada para walang lusot sa batas. Tama po ba ako?
Hindi kailangan ng militar o pulis sa BOC. Hindi baril ang kailangan dyan. Tandaan Revenue Collection Agency ito. Hindi giyera ang alabanan natin, kundi ismagler na magaling lumusot sa batas. Ambot!
Spread the news