HINDI pala ako updated sa Bureau of Customs, dahil may bagong plantilla na pala sa nasabing ahensya. Alam niyo ba ito mga igan? Maitanong nga sa HRMD ng BOC! Hahaha
Biruin niyo meron na palang COLLECTOR 7 sa katauhan ni PA MORE the COO3 cum adviser kuno! Alam niyo ba ito? Uy ambot sa kambing na may bangs! Hahaha
Bakit Collector 7 mga Igan? Ang Collector kasi sa Bureau of Customs hanggang Collector 6. At ito’y presidential appointee. Tama po ba ako BOC Human Resource and Management Division Head? Correct me if I am wrong! Ambot!
Ayon kasi sa aking mga spy sa BOC. Taga kolekta kasi si PA MORE the COO3 cum adviser kuno ng mga Collector. Eh d, mas mataas pa siya sa mga COLLECTO 1 to 6. Hahaha! COLLECTOR 7 PA MORE!
Balita ko Collector 7 Pa More the COO3 cum adviser kuno, nakolekta kana evey Friday? Gaano ito katotoo? Ginagamit mo ba ang pagiging KA BARILAN? Yan kasi ipinagyayabang mo. Ay naku!
Gaano kaya ka totoo na, kumukolekta ka daw per container, (d 20 at d 40), sa resins lahat ng klase 260k, fabrics 250k, plywood and phenolic board 220k, at lahat ng single ITEMS ng General Merchandise 250k?
All in daw po ito mga Igan! Kasama na daw po kasi dito ang singil ng duties ang taxes. Naku po! Hindi ka pala TARADOR Collector 7 Pa More the COO3 cum adviser kuno! Uy ambot!
Ibig sabihin lamang nito mga Igan si Collector 7 the COO3 cum adviser kuno, ay dakilang FIXER at broker na! Naku po! Hinakot mo na lahat ng trabaho! Hindi ka ba diyan tinatablan ng hiya? Sabagay ang balat mo kasing kapal na ng buwaya! May ganun!
Samantala, ipinagyayabang ni Collector 7 PA MORE cum adviser kuno na magiging COLLECTOR na daw ang kanyang malapit sa buhay. Take note sa MICP pa. Isang billionaires port. May balak ka ba? Baka lumagapak ang nasabing port at hindi na maka reach ng TARGET?
***
ILANG OPISYAL NG BOC, BOBO AT TANGA?
MUNTIK na ako mahulog sa bangko na aking inuupuan nang malaman ko na NA KURYENTE pala ang Bureau of Customs sa naging operasyon nila sa Port of Subic. May ganun!
May ulo daw na gugulong? Pwe! Paano ngayon yan? Genuine pala ang transaksyon na inyong hinuli? At nagbigay pa ng Certification ang Sugar Regulatory Administration na may permit ito mag import!
Sino ang dapat managot? Masyado kasing nagmamagaling at nagpapasikat. Ayon semplang! Nakakahiya kayo? Tila mga BOBO at TANGA ang ilang opisyal ng Bureau of Customs. Na wow mali kasi! Uy ambot
Nag ugat ang kanilang ka tangahan, dahil sa pagharang nila sa cargo vessel  na MV Bangpakaew matapos mag-diskarga ng sako-sakong refined sugar mula sa Thailand nito lamang August 18, 2022.
Lulan ng nasabing vessel ang 7,000 metric tons ( 140,000 sakong asukal), at ang kanilang ini report kay ES Rodriguez, recycle daw ang permit! Nagpapalapad ba ng papel? Uy ambot!
Biruin niyo Agust 5, lang na issue ang SRA clearance to release imported sugar. Recycle? Sino na wow mali? Sino naging BOBO at TANGA? FYI, bayad pala ito ng duties and taxes. Hala ka! Hahahha
Sa kalatas na ating nakalap, binigyan ng MISSION ORDER sina IA II Ma. Angela H. Angala ng CIIS, SA I Jerus Biancille M. Concepcion ng ESS, IA I Fidencio D. Pangilinan Jr ng CIIS, at SA I Jovert D. Andrade ng ESS, sa  Sugar Regulatory Administration, at Food and Drug Administration.
Ang naging misyon nila, para e verify ang authenticity ng SRA Clearance to Release of Imported Sugar ng CNB: CY 2022-148, CY 2022-149, FDA Certificate of Product Registration with Registration Number.: FR-400007723120, at FDA License to operate, License No. LTO-3000007499226.
Ang naging tugon ng SRA sa pamamagitan ng CERTIFICATION nito lamang August 19, 2022, na may lagda ni Deputy Administrator, Regulation Department Sugar Regulary Administration Atty. Guillermo C. Tejida, III, stated that,:
“This is to certify that the SRA Clearance for Release of Imported Sugar Covered by CNB: CY 2022-148, consigned to ORO-AGRI-AGRITRADE, INC. for the account of ARC Refreshment Corporation, with Bill of Lading # WOSI 41/22 and volume of 5,181.00 Metric Tons (103,620.00 Bags of 50Kg.) is certified true and correct and issued by the Regulatory Administration.”
Gayundin ang “CNB: CY 2022-149, consigned to ORO-AGRITRADE, INC., for the account of Zest-O Corporation, with Bill of Lading # WOS2 41/22 and volume of 1,819.00 Metric Tons (36,380.00 Bags of 50Kg.) is certified and correct  and is issued by the Sugar Regulatory Administration.”
Meaning, genuine talaga ang importation ng nasabing cosignee, at wala silang nilabag na batas. Sino ngayon ang may sala? Sino naging nagmukhang timawa? sa madaling salita KURYENTE. Uy ambot!
Spread the news