TILA walang takot ang Bureau of Customs Manila International Container Port Sec. 5, sa nangyayaring pananambang, at paglikida umano sa ilang mga korap na opisyal ng nasabing ahensya.
Opo mga Igan, sinabi nating mga sangkot umano sa anomalya, dahil napabilang umano ang pangalan nila sa mga inireklamo sa Philippine Anti-Crime and Corruption. Ito’y batay sa info ko mula sa ating INSIDER. Ambot sa kambing na may bangs!
Balita ko ang ilan sa kanila, kaya biglang naglaho ang pangalan sa listahan na sangkot umano sa anomalya, dahil nagbayad ng 300k. Totoo po ba ito Boss Ronald?
Gaano din po kaya ka totoo na ang Sec. 5 Chief o Principal Appraiser ay naka bulletproof na ng sasakyan? Bakit? Takot ba sila sa kanilang sariling multo? May ginawa ba sila? O baka naman, totoo ang nakarating sa akin na impormasyon? Anong say mo rito Boss Ronald?
Teka sino naman itong Jeff na siya umanong taga tanggap ng TARA. Balita ko HAO SIAO din ito.Bakit kaya ito pinapayagan ni Collector na may ganitong uri ng kawani kuno? Totoo kayang may parating din sa kanya? Nagtatanong lang ang pikon, talo!
Ano naman ang role ni Doray a.k.a. broker cum manipulador? Bakit ko ito nasabi? Nauuto daw kasi nito ang mga taga Sec. 5. Iba talaga ang nagagawa ng salapi. Baka totoo rin na mga peke ang mga isinusumite nitong mga dokumento para mailabas ang kanyang kargamento.
Hala ka! Galit diyan si Pangulong Digong, baka madurog ang mga luxury cars mo. Sige ka? Madada-anan yan ng pison. May ganun! Ambot sa kambing na may bangs! Iba talaga ang kinang ng salapi.
Haitz! Malalakas daw ang loob ng MICP Sec. 5. Paano malakas daw sila maghatag kay Dep. Comm., at kay Collector? Ano bang sasakyan ang inihahatag? Hahahhaa!
Comm. Jagger, pa show cause order nga po itong mga examiner at principal appraiser ng Sec. 5. Paano kinakaladkad ang pangalan ng ilang matataas na opisyal sa BOC, na kesyo may parating daw sila! O baka naman may katotohanan? May susunod pa!
***
PoS NG MICP PALDO-PALDO
May alam kaya si Port of Operations Director Rubio sa mga nangyayari sa Manila International Container Port District, na may per lata sila? Naku po!
Kasi masigasig daw itong si Juvy at Cathy sa panghihingi per container? Magkano kaya ang para sa Port of Operations MICP at sa Directors Office? Ito daw kasi ang ipinagmamalaki nila Juvy at Cathy.
Sabagay, hindi na po nakakapagtaka kung ang isang opisyal diyan ay masangkot ang pangalan. Kung matatandaan niyo may isang kawani ng CIIS na hinuli ng NBI. Dpo ba itinuro ang pangalan ng kanyang hepe, na siya umanong nag utos sa kanya.
Ano ang kinukuha ng suspek. Diba TARA? Para daw kay Sir R. At si Division Chief naman ay maghahatag kay Dep. Comm., na naging bosing niya noon. May ganun! Gusto niyo ng detalye at video ng entrapment operation? Bigay niyo sa akin messenger niyo at forward ko sa inyo ang VIDEO.
Balik tayo sa Port of Operations ng Manila International Container Port, na minamaniobra umano nina Juvy at Cathy. Bakit? Sila lang naman ang collector cum bagman sa nasabing tanggapan. Ambot sa kambing na may bangs!
Anyway, hindi daw sila matitinag. Paano, may share daw si Director, Collector, at Dep. Comm. Naku po? Sino kaya itong Dep. Comm., na ito? Tawagan ko nga silang lahat at matanong. Abangan may susunod pa!
Spread the news