KITANG-KITA ang emosyon, at hinanakit ni Suspended Bucor Director Gen. Bantag, kay Deparment of Justice Sec. Boying Remulla, kaugnay sa pahayag nito sa kanya na “FACE LIKE A MAN”, at tila hinusgahan na siya sa Percy Lapid Case. May ganun!
Sa panig naman ni Gen. Bantag, matapos siyang ituro na mastermind sa pagpatay sa beteranong broadcaster, hinamon naman nito si Secretary of Justice Remmulla na mag resign. Uy ambot!
Diin ni Gen. Bantag: ” Wala kang kuwentang Secretary. Step down kana! Mawalang galang… Wag mong sirain ang magandang pangalan ng Department of Justice, pati ng NBI.”
Dagdag pa ni Gen. Bantag, isang drug lord umano na nasa Witness Protection Program ng DOJ na si German Agoo, at tauhang sina Cristito Villamor Palana, na umano’y middleman sa pagpatay sa ating kapatid sa pamamahayag na si Ka Percy, at Joel Escorial ang nasa likod umano sa pamamaslang kay ka Percy. Ano ito, turuan na?
Ibinunyag din ni Gen. Bantag na involve din daw ang grupo ni Agoo sa pagpatay sa isang judge sa Tagaytay, na galit na galit daw sa kanya, kaya dinadawit siya sa pagpatay kay Ka Percy.
Paniwala ni Gen. Bantag, ang puno’t dulo nito, kung bakit nagkakaisa ang grupo ni Remulla na sirain siya at idiin sa kaso, nang ipa-pull out umano sa kanya ni Remulla ang dalawang drug lord na nasa WPP.
Bumuwelta naman si Gen. Bantag, dahil pinasusuko siya nito kahit wala pang, warrant of arrest, at hindi umano siya nagtatago.
Anya, “bakit, hindi ka rin magpa presscon sa naging kaso ng anak mo, na naaresto sa pagdadala ng illegal drugs sa Las Pinas.”
Ang naging aksyon ni Gen. Bantag, ay masasabi nating defence mechanism lamang, dahil kahit sino naman sa atin na sa ganung sitwasyon ay papalag tayo. Tama po ba?
Samantala, habang sinusulat natin ang pitak na ito mga kabayan, sinusubukan nating makuha ang panig ni SOJ Remulla, kaugnay sa pahayag ni Gen. Bantag na pinagbibitiw siya, gayunman ito’y nasa ibayong dagat para sa isang mahalagang pagpupulong.
***
LADY MAYOR SA METRO MANILA, NAIPUTAN?
MGA Igan, uspa-usapan ngayon sa bawat Bulwagan ng Lungsod, dito sa Metro Manila, na isang Lady Mayor umano ang naiputan. Gaano po kaya ito katotoo?
Well, sa ating pagtatanong sa ating mga Deep Penetrating Agent, sa isang malaking Lungsod, tila may katotohanan ang kumakalat na balita. Tanong niyo pa kay Aling Tess.
Ito umano ang dahilan, kung bakit delay ang kanilang suweldo, dahil masyadong naapektohan si Lady Mayor, kung kaya’t pati ang pipirmahan niyang mga payroll ay hindi niya maatupag.
Balik po tayo mga Igan sa naiputan este naisahan si Lady Mayor. Ang kanyang mister na mas makati pa sa kuneho, nagdala ng bayarang babae sa kanilang tahanan (pasintabi po sa mga kababaihan).
Habang tinotoknak niya ang kanyang kalaguyo, akala ng kanilang kasambahay inatake na sa puso ang kanyang amo. Yun pala nangangabayo. Dahil hindi ito sumasagot nang kinakatok ang kanyang kwarto. Kaya, dagliang tinawagan si Lady Mayor.
Ayon, huling-huli sa akto si Mister, at habang nagsusuot ng BRA ang pobreng babae na naghahanap buhay lamang, sinubunutan at nginudngod ang mukha nito sa sahig.
Payo lang po Lady Mayor, kung may obligasyon ka sa taong bayan, may obligasyon ka rin sa Mister mo. Baka nakakalimutan muna, kaya nagkamot sa iba. May ganun!
Clue: PM ko na lang sa inyo, baka magalit ang Honey ko. Sige ka baka masabunutan ka rin. Isipin pa ng Baby ko, na Marites ka at Marisol ng bayan. Uy ambot sa kambing na may bangs! Alam niyo na?
***
BALASAHAN NI COMM. YOGI, TAMA LANG!
PABOR ako sa ginagawang balasahan ni Bureau of Customs Comm. Yogi Ruiz sa kanyang hanay, para italaga ang mga taong kanyang pagkakatiwalaan, at iniisip niyang makakatulong sa kanya, tungo sa isang progresibong pamamahala.
Kaya naman, saludo po kami, at maging ang pahayagang aking sinusulatan, dahil kitang-kita naman na may magandang resulta ang ginagawa ni Comm. Yogi Ruiz.
Panawagan po natin sa mga kawani ng BOC, na makiisa, at suportahan natin si Comm. Yogi, para sa kanyang magandang mithiim sa bureau.
Sa ating mga kaibigan naman na nabigyan ng break, pagbutihan niyo ang inyong tungkulin, dahil patuloy po tayong magmamasid, at huwag niyong sirain ang tiwalang ibinigay sa inyo ni Comm. Yogi.
Samantala, nais po nating batiin, at papurihan ang mga kawani na tumutulong kay Comm. Yogi, para ma reach ang target collection ng BOC. Hayaan niyo at magagamtimpalaan din kayo. Again, congratulations!
Spread the news