KASABWAT umano ang Principal Appraiser at Examiner ng Bureau of Customs Manila International Container Port Sec. 5, tuloy tuloy daw ang ligaya ni Doray sa pagpapalabas ng mga misdeclared o kontrabando. Gaano po ito katotoo?
Haitz! Ang lakas naman ng loob ni Doray! Paano may pa ALL IN daw siya. Ito ang kanyang ipinagmamalaki. Na kesyo, meron para kay Dep. Comm., Dir. CIIS, ESS, Coll., Principal Appraiser, at Examiner. Naku po! Dami pa lang binibigyan itong si Doray!
Ang siste, itong pag name dropping ni Doray. Alam ba ito ng mga nabanggit na nilalang. Mukhang ginagasgas nito ang pangalan ni IG, CIIS, ESS, COLLECTOR, PRINCIPAL APPRAISER at EXAMINER. Putek! Lugi sa inyo ang gobyerno.
Dapat kayong kasuhan ng Economic Sabotage. Hahaha! May ganun! Bukod sa hindi pagbabayad ng tamang tax at Misdeclaration. Mga peke pa daw mga sinusumete nitong mga dokumento. Paging Dep. Comm., for IG Gen. Ramiro. Bigyan ng sample si Doray! Hulihin at sibakin mga kasbawat nito sa Sec. 5.
Sino naman itong Jeff ng Sec. 5? Hao Siao din ba ito? Ito lang naman ang kanilang kolektor cum bagman ng Sec. 5. Kapag hindi nagbibigay si Importer/Broker. Gasgas na gasgas dito ang CIIS, ESS, at si COLL. Galing ba naman mag name dropping. Uy ambot!
Haitz! Tandaan niyo. Hindi pa nahuhuli ang totoong suspek sa nangyayaring pananambang diyan sa inyong bakuran. Mahirap na baka sumunod kayo. Sabagay naka bulletproof na daw kasi ang sasakyan ni Chief. Ambot sa kambing na may bangs! May susunod pa…
***
MULTO SI COL. VICENTE
MGA Igan, nitong huli na ating mga lathala ukol sa mga nangyayari sa Bureau of Customs, may isang Col. Vicente, na nakipagkita sa akin na kesyo ipinadala daw siya ni Comm. Jagger at Dep. Comm., for IG Gen. Ramiro.
Anya, kapag may info daw ako sa mga sutil at sangkot sa mga ma-anomalyang gawain sa Bureau of Customs. Agad ko daw ipabatid sa kanya. Anytime pwede siyang kontakin.
Abay, gagawin pa akong taga tsu tsu o taga turo. Sa madaling salita asset. Haitz! Naturingang mga taga IG, dispalinghado naman. Hina ng mga RADAR. Harap-harapan na ang TARAHAN o HATAGAN. Hindi niyo pa nakikita? Mga ipokrito!
Sabi niyo, anytime pwede kayong kausapin. Naku po! Kundi ba naman mga gago, at mga bobo. Sinusubok ko ang pagiging totoo ng mga kausap ko.
Ayon pinuntahan ko sa kanilang lungga. Sabihin ba naman. Wala si Col. Vicente. Nasa labas. May kausap. Sino nakita ko? Sino yung nakaupo? Sino naka simangot at nabigla dahil kitang kita ko siya na tila nagpapalaki lang ng tiyan. Ambot sa kambing na may bangs!
Multo ka ba Col. Vicente? Wala daw siya sa kanyang tanggapan. Nasa labas daw siya. Huling huli kana. Magdadahilan ka pa. Wala kayong isang salita. Wala kayong bayag. Sayang sini sweldo sa inyo ng gobyerno. Layas….
Spread the news