KAHANGA-hanga talaga ang Bureau of Customs sa pamumuno ni Comm. Yogi Ruiz, sapagkat nalampasan na ng ahensya ang 2022 target collection. Kaya ba yan ng iba? May ganun!
Sa pahayag ng BOC, nakaraang Nobyembre 11, ay naka kolekta na ito ng P745.50 bilyon, at naabot nito ang highest annual collection sa kasaysayan ng customs.
Ang amount na kanilang nakolekta noong November 11 ay  nasa 3.27 percent na o P23.98 billion sa target nila ngayong taon na P721.5 bilyon. Tunay na kahanga-hanga mga Igan!
Base sa reporr, lahat ng 17 collection districts ng bureau ay naabot na ang respective collection targets at naitala ang surplus na 16.8 percent o 103.29 bilyon noong October 31.
Kaya naman, nais kong ipaabot ang aking papuri kay BOC Manila International Container Port District Coll. Arnoldo “Boy,” Famor, sa katangi-tanging pagganap sa nasabing aduana. Ang hirap kaya maka reach ng target diyan. Tama po ba ako?
May angking galing at talino si Coll. Famor, kung kaya’t nagagawa nitong maka reach ng target collection sa MICP. Tama po ba ako Sir Neroh?  May ganun!
Samantala, pinangunahan naman ni Comm. Yogi Ruiz ang BOC sa pag abot  ng remarkable feat sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng kanilang priority programs.
Unan na rito ang pagsawata ng smuggling at korupsyon, para makuha ang revenue collection, maging digitalized, at ma enhance ang customs operations. Again, congratulations!
***
80 MILYONG GINTONG ALAHAS, NAHARANG SA BOC-NAIA
PAPURI din sa mga kawani ng Bureau of Customs Ninoy Aquino International Airport District Port, na pinangungunahan ni Coll. Talusan, dahil naharang nila ang tinatayang 80 milyon pisong halaga ng gintong alahas.
Naging alerto ang tauhan ni Coll. Talusan, dahil natagpuan nila ang nakatagong gintong alahas sa lavatory ng Philippine Airlines Flight PR 301 mula Hong Kong, patungong Manila na nauna nang  natuklasan sa boarding formalities na isinagawa ng Customs Boarding Inspector mula sa Aircraft Operations Division.
Kaya naman, agarang nagbigay ng diriktiba si BOC NAIA District Coll. Memil Talusan, ng isang masusing imbestigasyon at tukuyin ang mga taong responsable sa pagtatangkang pagpuslit ng mga naturang ginto.
Nakahanda naman ang pamuanun ng PAL, para makipag tulongan sa BOC sa isasagawang imbestigasyon hinggil sa natagpuang mga ginto sa NAIA.
***
Congratulations CIIS MICP Head Enciso
149 MILLION NA DROGA, HULI NG BOC!
Sa pinagsabib pwersa ng operatiba ng ahensya ng gobyerno, nasakote ang 22 kilos ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga umano ng 149.60 milyon, at lima rito ang naaresto sa Ayala-Alabang, Muntinlupa nito lamang Nobyembre 18, taong kasalukuyan.
Ang operasyon ay isinagawa ng BOC Customs Intelligence and Investigation Service, Manila International Container Port sa pangunguna ni CIIS Head IOIII Alvin Enciso, ESS, PDEA, PNP, AFP, at National Intelligence Coordinating Agency o NICA.
Nag ugat ang nasabing matagumpay na operasyon nang may magbigay ng impormasyon na may mga banyaga na nag e-export ng shabu at cociane patungong Australia.
Kaya naman ang BOC at PDEA ay nagsagawa ng palitan ng idea sa pamamagitan ng case conference, bago isagawa ang operasyon.
Sa nasabing aksyon, nakumpiska din ang iba’t ibang kemikal sa paggawa ng shabu, identification cards, mobile phones, at iba pang dokumento.
Ang mga nakuhang ebidensya ay e turn over sa PDEA Laboratory Service para sa qualitative and quantitative examinations para sa saktong pagkaso laban sa mga involve na personalidad.
Sa mantra ni PBBM ang BOC sa pamumuno ni Comm. Yogi Ruiz, ay mahigpit na ipinapapatupad ang border protection, at pakikiisa sa mga ahensya ng gobyerno para sugpuin ang ismagling sa droga. Again isang pagsaludo sa mga kawani ng BOC at PDEA.
Spread the news