MGA igan, meron po tayong nakuhang impormasyon, itong si Bureau of Customs Port of Aparri District Collector Arnienito Claveria, ay sinuspende ng Ombudsman, ng anim na buwan.
Opo mga Igan, na suspende ang nasabing Collector, dahil umano sa hindi pagdedeklara ng tama sa kanyang SALN. Baka over stated or under stated. May ganun!
Ang tanong may itinatago ba si Coll. Claveria na ari-arian o may unexplained wealth? O baka naman takot ka sa sarili mong multo Coll. Claveria? Ambot sa kambing na may bangs!
Ipinagtataka lang po natin, at maging ng mga taga Bureau of Customs. Bakit hindi ipinapatupad ang SUSPENSION ORDER NG OMBUDSMAN? Hindi po ba at ito ay EXECUTORY? Ibig sabihin nito hindi na kailangan ng COMELEC EXEMPTION.
Tila totoo ang balitang may parating daw si Coll. Claveria kay Human Resource Director Fermin? Gaano po ito ka tototo? Parang nais ko maniwala. Paano hindi gumagawa ng ORDER ang HR? Naku po! Magkano? este anong dahilan?
Dito na po tayo tumakbo kay BOC Comm. Jagger, at na ka text ko po siya hinggil sa sitwasyon ni Port of Aparri Coll. Arienito Claveria. Bakit, hindi pa ito sinususpende? Diin ni Comm. Jagger, tumutulong lang daw po muna si Coll. Claveria sa TRANSITION. Tingnan natin….
Samantala, naka antabay tayo, kung talagang ipapatupad ang suspension order ng ombudsman. Kung hindi maniniwala na ako na MALAKI MAGHATAG si Coll. Claveria. Kanino at magkano? Naku po! Huwag kayong mag alala. Huhukayin po natin ang katotohanan. Tandaan, walang baho na hindi nabubunyag! Tama po ba ako Dir. Fermin?
Spread the news