Isang pagpupugay sa National Bureau of Investigation-National Capital Region sa pagmamaneho ni NCR Dir. Atty. Emeterio Dongallo, sa isang matagumpay na operasyon. Sana all! Magandang accomplishment na naman ito.
Opo mga Igan, huli sa entrapment operation ang suspek na si Mary Ann Hermamdez,sa umano’y INVESTMENT SCAM, na ang kanyang modus gamit ang kanyang forwarding company at may pangakong sampung porsyentong tubo pero bogus pala. Ambot
Sa ulat, nakatangay na ang suspek ng labing anim na milyong piso (P16M), sa kanilang suma total. Naku po! Kawawa naman ang mga biktima. Hirap po kaya maghanap buhay.
Kaya naman nagsagawa ng entrapment operation ang mga ahente ng NBI, at narekober ang 450k na mark money, na sinasabing mula sa kanyang panghihikayat sa mga investor. Haitz!
Sa panayam kay NBI-NCR Dir. Atty. Dongallo, ito palang suspek na si Mary Ann Hernandez ay nagriribisa para sa nalalapit na BAR EXAM, subalit ginagamit lamang ang kanyang kaalaman sa hindi maganda, kaya naloko niya ang kanyang mga kaklase nung high school at sa law school.
Naghihimutok naman ang mga biktima, sapagkat anila ang kanilang pera ay pinaghirapan at hindi kinita sa isang araw lamang. Nahaharap naman ang suspek sa kasong estafa
Sa pahayag naman ni NBI Dir. Eric B. Distor, ginagawa ang lahat ng makakaya ng NBI para matuntunan kung saan napunta ang labing anim na milyon at matulongan ang mga biktima.
Samantala, nais kong paalalahanan ang ating mga kababayan na maging mapagmatyag at maging maingat sa INVESTMENT, sapagkat karamihan sa ngayon ay bogus, ar maglalahong na parang bula ang iyong pinaghirapan.
Muli, isa na namang pagsaludo at pagpupugay sa National Bureau of Inveatigation sa pamumuno ni Dir. Eric Distor, Deputy Director for Regional Operations Atty. Antonio Pagatpat, at NBI-NCR Dir. Atty. Emeterio Dongallo, sa matagumpay na operasyon laban sa kriminalidad sa bansa. Mabuhay and God bless us, all!
***
KUMISYUNER SA CUSTOMS, SINASALA
Mga Igan, maraming tumatawag sa akin, at nagtatanong. Sino ba ang magiging Kumisyuner sa Bureau of Customs, na isang ahensya na malaking tulong sa gobyerno sapagkag income genarating agency ito.
Well, ang sagot ko lang naman. HINTAYIN NATIN ang pag anunsyo ni President Elect Bongbong Marcos, dahil ito’y dumadaan sa masusing pagsasala. Tama po ba ako mga ka-BBM?
Sa mapipiling Kumisyuner. Good luck! Nag isip kayo ano? Good luck, dahil matinding pagsubok ang kakaharapin ng isang Kumisyuner kung ito’y mula sa labas.
Matinding pag aaral sa CMTA Law a g kanyang kakaharapin, kundi paglalaruan ka lang ng mga PLAYERS/ISMAGLERS ng Bureau of Customs. At magmumukha kang tanga at katatawanan.
Sa mga nag aaply maging Kumisyuner. Tingnan niyi muna mga sarili niyo. Nararapat ba kayo? O may personal interes lang. Balansehin niyo na lang. Maiintindihan ko kayo. At huwag maging ipokrito. Marami dyan. Ambot sa kambing na may bangs! Hahaha!
***
ENRILE, PINAKA MATANDANG MANUNUGKULAN SA GOBYERNO
Sa edad na 98, manunungkulan bilang Presidential Legal Councel si Senate President Juan Ponce Enrile, pinakamatandang manunungkulan sa gobyerno mas matanda pa kay Queen Elizabeth.
Opo mga Igan, nadagdag sa gabinete ni President Elect Bongbong Marcos si Enrilie, at ito’y kinumpirma ni Press Secretary-designate Atty. Trixie Cruz-Angeles. Wow! Ito ang Idol!
Kung inyo pong matatandaan, sinuportahan ni Enrile ang tambalan nina Marcos at Vice President-Elect Inday Sara nito lamang nakaraang halalang 2022.
Sino po ba si Enrile mga Igan? Ang 98 taong gulang na dating mambabatas ay nagsilbi sa iba’t ibang tungkulin sa nakalipas na 50 na taon. Kabilang sa kanyang mga posisyon bilang interim Secretary of Finance, Secretary of Justice, at Minister of National Defense.
At ang pinakahuli niyang paglilingkod sa bayan, ang pagiging Senador na apat na termino na naging Senate President nang 15th Congress. Sana all!
Kasabay nito mga Igan, nahirang din sila DOJ Secretary Guevarra bilang SocGen, at Former Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Jose Faustino Jr., bilang Undersecretary at OIC Sec ng Defense. Mabuhay and may God bless us, all!
Spread the news