DAPAT na sigurong ma-alarma si Pangulong Bongbong Marcos sa pagbaha ng shabu sa probinsya ng Cebu, kung saan kumakalat na ito sa karatig lugar at nagdiriwang naman ang mga parokyano dahil sa pagragasa ng supply. Uy ambot!
Ito umano ang dahilan kung bakit nagdeklara ng War on Drugs si Cebu Governor Gwen Garcia, base na rin umano sa mga datos at impormasyon na dumating sa kanyang tanggapan.
Gaano kaya katotoo na nakakalusot ito sa Bureau of Cutoms, partikular na sa X-ray Inspection Project? Pwede ba yun? Samantalang napaka high tech ng XIP ng BOC.
O baka naman namamantikaan ang ilang opisyal ng Bureau of Customs, at tila nagiging bulag, pipi, at bingi ang mga ito? Magkano kaya, este sino ang salarin sa karumaldumal na gawaing ito?
Totoo kayang may basbas ito kay DAGA? Sino siya? Ito ba yung stepson ni Dep. Comm, at dating kasama ni Comm. Lapena? Hala ka! Hindi nga ba at nalulusutan rin ang mga ito ng droga? Katulad ng magnitic lifter….
Teka, ito bang si DAGA na tinutukoy niyo ay SG 10 lang? Bakit ganito ito ka lakas, at kailangan maghasik sa isang napaka sensitibong posisyon? May sapat ba itong kaalaman? O baka naman magaling sa tarahan. Sa droga pa? Hala ka!
Kaya pala pinalulusot este nakakalusot, wala pala itong angking talino, eksperyensya, at hindi karapat-dapat sa posisyon. SG 10? Sa isang delikadong posisyon? Haitz! Baka magaling sa tarahan? Tama ba ako ate Marites? Uy ambot!
Hindi nga ba at napabalita itong si DAGA na sangkot din sa paglipana ng droga sa kabisayaan? Paano pa kaya ngayon na binigyan ng posisyon? Naku po! Sarap pala maging SG 10.
Kung hindi po ako nagkakamali ang marching order sa aking butihing kaibigan at kumisyuner, sawatain ang ismagling ng droga, baril, at agricultural products? Bakit kay DAGA, pwede? O baka naman malaki ang hatag?
Samantala, nais kong papurihan ang naging aksyon ni Cebu Gov. Gwen Garcia, dahil kitang-kita sa kanyang katauhan ang pagmamalasakit at pagmamahal sa bayan.
Hindi niya, hahayaan na malugmok sa bisyo ang kanyang kababayan, sanhi ng ipinagbabawal na gamot. Nawa’y makunsensya naman ang mga sangkot sa pagpupuslit sa droga. ( may susunod pa…)
***
Parting shot: Isang taos pusong pagbati sa araw ng kapanakan ni House of Representative Minority Leader 4PS Cong. Nonoy Libanan, nawa po bigyan ka pa ng malusog, at mahabang buhay ng Poong May Kapal.
Congratulations naman sa Chief of Staff ni Cong. Nonoy Libanan, na si Atty. Norman Tansingco, sa pagkakatalaga nito bilang Kumisyuner ng Bureau of Immigration.
Para po sa ka-alaman ng lahat si Cong. Nonoy Libanan po ang nagpa aral sa akin, at nakasama ko si BI Comm. Atty. Norman, sa tahanan ni Cong. Nonoy ng halos siyam na taon.
Samantala, pagsaludo po sa aking mga kamag anak, kaibigan, at kababayan sa National Bureau of Investigation, na sina Deputy Director for Administrative Service Atty. Tony Pagatpat, Regional Director for Region 8 Atty. Dongallo, at Assistant Regional Director Isaac Carpeso, sa inyong matagumpay na mga operasyon laban sa kriminalidad. Mabuhay po kayo, and may God bless you, always!