Isang pagsaludo at papuri sa ating Kumisyuner ng Bureau of Customs na si Comm. Yogi Ruiz, gayundin ang buong kawani ng ahensya, sa kanilang hindi matawarang performance. Congratulations po mga Igan!
Biruin niyo, dahil sa pinagsama-samang angking galing at talento ng mga kawani ng BOC, nalampasan nito ang kanilang target collections nitong buwan ng oktubre.
Ayon sa Bureau of Customs, mayroon P75.5 billion kabuuang collections ang ahensya, na 19 percent na mas mataas sa target nilang 63.7 billion o mas mataas ng 35 percent sa 56 billion na nakulekta noong Oktubre 2021.
Lumalabas na aabot na sa P714.3 bilyon ang kabuuang koleksyon ng ahensya mula Enero hanggang Oktubre na mas mataas sa target na P602.8 bilyon. Pa cantoon naman kayo diyan! May ganun!
Patunay lamang ito na ang Bureau of Customs, sa pamumuno ni Comm. Yogi Ruiz, at ang mga kawanito nito ay magkabalikat sa pina-igting na kampanya laban sa smuggling, revenue leakages, at kurapsyon. Mabuhay po kayo, and God bless you po, always!
***
REGODON SA BOC, TAMA LANG
Bago magtapos ang taong 2022, maraming magaganap sa Bureau of Customs, nariyan na ang balasahan ng mga Collectors at Deputy Collectors, Directors, at Deputy Commissioners.
Marami ang naniniwala na ilan lang sa kanila ang mare retain sa kanilang mga posisyon, dahil kita naman sa kanilang performance na malaking ambag talaga sa nasabing ahensya.
Balik po tayo sa regodon, nakakuha po tayo ng kalatas o isang Customs Order na nagsasaad ng palitan ng posisyon sa Manila International Container Port, kung saan si Coll. Alexander Go, ay Deputy Collector for Operations na sa MICP, Atty. Roland F. Bergado naman ay nalipat sa Informal Enrtry at si Boss Ben Entico, ay nalipat naman sa Formal Entry Divison, bilang Acting Chief.
Congratulations din sa ating kaibigan, na si Coll. Florante Ricarte, natalaga bilang Deputy Collector ng Assessment ng Manila International Container Port. Ika nga ng isa kung kaibigan na iginagalang sa BOC. Nararapat lamang si Coll. Ricarte sa assessment, dahil nahasa na ito ng panahon, at subok na sa performance.
Nang nilagdaan ni BOC MICP Coll. Arnoldo Famor ang kanilang assumption paper, kasalukuyang nasa tanggapan ako ng nasabing Collector. Pinuri po natin ang hakbang ni Comm. Yogi, at Coll. Famor, dahil nakakatiyak tayo na nasa mabuting kamay ang BOC.
Muli, congratz and good luck sa inyong mga posisyon. Umasa po kayo na ang pahayagang ito at ang inyong abang Linkod ay handang sumuporta sa inyong magandang mithiin sa BOC.
***
HUSTISYA PARA KAY KA PERCY
MARAMI ang tumawag sa inyong Abang Lingkod, at nagtatanong. Ano ba ang ginagawa ng Presidential Task Force for Media Security, ukol sa isyo ng pagkamatay ni Ka Percy Lapid.
Ano daw po ang ginagawa ni Usec. Egco sa nangyaring pagkakapaslang sa ating kasama sa hanap bubay na si Ka Percy. Bakit tahimik daw ito, at nakikipag coordinate din ba ito sa awtoridad?
Well, ang nasabi ko na lang, mga kapatid, nagbigay naman ng statement ang ating butihing kaibigan na si Usec. Egco na kumokondena sa nangyayaring pamamaslang sa ating mga kapwa mamamahayag. At nakikipag coordinate na rin ito sa mga awtoridad para sa legal na mga hakbang.
Anyway, andyan naman ang DOJ sa pamumuno ni Sec. Remulla, na hindi tinitigilan ang nasabing kaso para matukoy at makasuhan na ang mga nasa likod ng pamamaslang sa ating kapatid sa pamamahayag na si Ka Percy.
Lahat po tayo ay sumisigaw ng Hustisya kay Ka Percy, at hindi maglalaon sa ngalan ng batas at ng Dios, mananagot na totoong salarin. Manalangin na lang po tayo, na bawat isa sa atin ay maging ligtas sa ating tungkulin bilang isang mamamahayag.
Spread the news