Mgq Igan, nahaharap ng reklamo ang Philippine-Sanjia Steel Corporation sa tanggapan ni Bureau of Customs Commissioner Jagger Guererro, dahil sa undervalued steel scrap na kanila umanong pinapalusot sa Cagayan Ports, sangkot ang ilang tiwaling opisyal.
Sa kalatas na nakuha ng inyong Abang Lingkod, na may petsang December 16, 2021, at may lagda ni Philippine Iron & Steel Institute President Ronald Magsajo, inilahad nito ang pinagdadaanan ng nasabing asosasyon.
Ani ni Pres. Magsajo, sa limampung buwan (20), lubhang naapektohan ang steel industry ng pandemyang ating pinagdadaanan, dahilan para tumaas ang presyo ng lahat ng mga commodity na ini-imports.
Subalit meron ilang mga importers ang nagta-take advantage umano, at ang sitwasyon ay nagiging daan nila para maisagawa ang kanilang smuggling activities katulad ng undervaluing.
Sa naturang liham kanilang binigyang diin na ang Philippine-Sanjia Steel Corporation, ay nag iimport ng steel scrap na may average value na $110/MT declared value, samantalang ang international scrap prices ay lumalaro sa $450-$550/MT.
Lumalabas na halos 80% ang under declared ng Philippine-Sanjia Steel Corporation, at lumalabas na 20% lamang ang pumapasok sa gobyerno, na malinaw na pumapatay sa ekonomiya ng bansa at maging sa asosasyon ng steel industry.
Sa pagsisiyasat po natin, lumalabas na may ilang tiwaling opisyal ng Port of Cagayan, at ilan rito ay deputy collectors, appraiser, at examiner, na binubusog lang ang kanilang bulsa imbes sa ahensya dagdag sa target koleksyon.
Hiniling ni Philippine Iron & Steel Institute o PISI President Ronald Magsajo, na imbestigahan ang nasabing importers at makasuhan kung mapatunayan na lumabag ito sa customs and tariff laws, at gayundin ang iba pang mga importers na hayagang nag-a-undervalue ng steel, lalo na sa mga outports.
Sa ating pagsisiyasat, at masusing imbestigasyon, ang Philipppine-Sanjia Steel Corporation, ay may pribadong pantalan na malayang ginagamit nila sa kanilang operation na matatagpuan sa Tagoloan, Misamis Oriental, Northern, Mindanao.
Nakahanda naman ang asosasyon ng PISI, sa pamumuno ng kanilang presidente na si Mr. Ronald C. Magsajo, na makaharap at makausap ng personal si Commissioner Jagger para bigyang linaw ang nasabing reklamo.
Samanatala mga Igan, tinatawagan din ng pansin sina Deputy Commissioner for AOCG Atty. Edward Dy Buco at Deputy Commissioner for RCMG Atty. Vener Baquiran na magsagawa ng malalimang imbestigasyon, dahil ilang mga opisyal umano ng CDO ay sangkot sa smuggling. May susunod pa…
***
Sa instruksyon ni Comm. Jagger….
BAN ORDER KAY DEQUICO, IPINATUPAD
Isang memorandum ang lumabas mula kay Deputy Director for IG Raniel Ramiro, nito lamang January 6, na nag uutos para e ban si Jay Anthony A. Dequico sa lahat ng XIP Offices and Premises. Tama po ba ako XIP OIC Rommel K. Kubiales?
Ang naturang kalatas ay may references na, administrative case no. 20-15, notice of dismissal dated February 02, 2021, Derogatory Information Received, and instruction of the commissioner. Yan mganda, may aksyon si Comm. Jagger. Idol, talaga!
Sa naturang references, ito’y dahilan para mag order ang IG na ikaw Mr. Jay Anthony A. Dequico ay pinagbabawalan na pumasok sa lahat ng opisina at premises ng XIP. Yan malinaw, mga Igan? Kasi bagman cum kolektor daw ito? Hahahha
Dadag pa sa nasabing kautosan na si Dequico, ay sinibak na sa serbisyo nung March 2021. Ngunit isang impormasyon ang natanggap ng IG na patuloy itong pakalat kalat sa customs premises lalo na sa XIP. Anong dahilan? Syempre sa TARA pa rin. Hahaha
Mabuhay ka Dep. Comm. For IG Ranniel Ramiro, at naniniwala ako na hindi ka kunsintidor sa mga tiwaling opisyal. Yan gusto ko sau aksyon agad. Sana naman, sibakin mo rin ang isang opisyal na ginagasgas ang panagalan mo. Sabihin ko saiyo ng personal para maniwala ka. ambot sa kambing na may bangs!
Spread the news