Nais nating papurihan ang pamunuan ng Bureau of Customs sa pagmamaneho ni Comm. Yogi Filemon Ruiz, kasangga ang X-ray Inspection Project, at Customs Intelligence and Investigation Service,  sa pagsugpo sa droga, ayon na rin sa marching order ni Pangulong Bongbong Marcos.
Sa katunayan, nasakote ng Bureau of Customs-Port of Clark, Philippine Drug Enforcement Agency, katuwang ang XIP at CIIS ang isang uri ng party drugs o ecstacy na nagkakahalaga ng P858,500.
Sa datos, may kabuuang 505 piraso ng methylenedioxy methamphetamine ang nasamsam, at na tiklo naman ang claimant ng party drugs sa pinagsanib pwersa ng BOC-Port of Clark at PDEA sa pamamagitan ng controlled delivery operation.
Pahayag naman ni Comm. Yogi Ruiz dumating ang iligal na droga sa bansa nito lamang September 30, at nakalagay sa tatlong plastic jars, na nagmula pa sa Hoofddorp, The Netherlands na idineklarang  beads.
Dahil sa kahina-hinalang package, agad itong isina-ilalim sa field testing, at nagpositibo ng presensya ng Mixture of MDMA (Ecstasy) Cotton, o isang controlled substance Amphetamine.
Napagpasyahan naman ng Bureau of Customs na kumuha at magsumite ng samples sa PDEA  para sa chemical laboratory analysis upang kumpirmahin ang laman ng pakete, ay isang illegal drugs sa ilalim ng Republic Act No. 9165.
Mabuhay po, ang BOC-Port of Clark, PDEA, XIP, at CIIS, sa seryosong pagsugpo sa droga. At nawa’y hindi lamang illegal drugs, hulihin niyo rin ang mga ismaglers na nanabotahe sa ekonomiya ng bansa.
***
Ayon kay BOC CIIS Dir. Tacio…
SERYOSO ANG CIIS LABAN SA DROGA
Hindi kaila sa atin na bumabaha ang droga sa merkado, dahil na rin sa ilang tiwaling opisyal ng gobyerno, ito ang naging hudyat para mag deklara ng all out war against drugs si Cebu Gov. Gwen Garcia. Idol!
Gayunman, hanga po tayo sa Bureau of Customs, lalo na ang Customs Intelligence and Investigation Service sa ilalim ng pamumuno ni Dir. Tacio, sapagkat nakikipagtulongan ang nasabing dibisyon sa PNP, PDEA, PCG, at AFP para sa border protection at sugpuin ang droga.
“Series of anti drug operations and interdictions were conducted jointly with other agencies especially with PDEA and PNP DEG.”
“Billions of worth of drugs has been seized, high value target individuals were arrested and unfortunately some were killed when they shoot it out with our operatings teams.” Mariing pahayag ni Dir. Tacio.
Naku po! Wag na kayo manglaban, dahil tigok kayo sa mga ahente ni Dir. Tacio. Diyan ako hanga sa inyo, kaya naman marapat lang na bigyan kayo  ng parangal, at nawa’y gawin kayong ehemplo ng mga kapwa niyo kawani sa BOC. Tama po ba ako Comm. Yogi, my idol!
***
BOC MICP DC ARNOLDO FAMOR, HINASA NG PANAHON
MARAMI ang tumawag sa akin, mula sa BOC Port of NAIA, na nagsasabing hinasa ng panahon, mabuting nilalang at nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa bagong talagang Manila International Container Port District Collector Arnoldo Famor.
Well, sumang ayon po tayo dyan, ito’y batay na rin sa ating pananliksik, at panayam sa isang batikang abugado ng Burea of Customs, at sinegundahan naman ng isang Deputy Commissioner.
Kaya naman, umasa po kayo na si MICP Coll. Famor, ay ating susuportahan sa kanyang magandang layunin, lalo na at nais niyang ibahagi ang kanyang angking talino at kakayahan sa usaping koleksyon ng buwis.
Para sa kaalaman ng lahat si Coll. Famor, ay dating hepe ng Cargohaus Assessment Composite Division sa BOC-Port of NAIA, na bihasa sa pamamahala, at pagkolekta ng buwis.
Kaya naman, hindi nagkamali si Comm. Yogi Ruiz, na italaga ito sa billionaires port dahil sa taglay nitong talino, at kakayahan na paigtingin ang kampanya laban sa ismagling at pataasin ang koleksyon ng nasabing aduana.
Muli, congratulations at makakaasa po kayo na ang pahayagang ito, ay handang suportahan ang iyong magandang adhikain. Mabuhay and may God bless you, always!
Spread the news