BILIB din naman ako sa koneksyon ni Bureau of Customs Port of Aparri District Collector Arienito Claveria, sa kabila ng suspension order mula sa Ombudsman, hindi pa rin ito sinisibak. May ganun!
Bukod sa suspension order mula sa Ombudsman, kinasuhan rin ito ng kriminal at administratibo sa Regional Trial Court, kaya nagkaroon ito ng halos 20 Warrant of Arrest. Alam niyo na?
Sa bago nating info musa sa tanggapan ng Human Resource Division ng BOC, dumating na daw ang sulat mula COMELEC sa opisina ni BOC Commissioner Jagger Guerrero na nagsasaad na pwede nae implement ang suspension order.
Just imagine ang order ng ombudsman na immediate and executory humingi pa ng suspension mula sa COMELEC. Onli in the Philippines. May cash-sunduan ba? Again nagtatanong lang.
Balita ko, may kasong criminal and administrative itong si Coll. Claveria. Take note ang nagsampa, Office of the Ombudsman lang naman, kung kaya’t may 20 WARRANT OF ARREST si Coll. Claveria? Nakakahiya naman hindi pa rin ipinapatupad ang suspension order. Parang gusto ko na maniwalang naghahahatag ito! Ambot sa kambing na may bangs!
Samantala, bukas ang pahayagang ito para sa inyong panig, reaksyon at komento. Mangyari lamang na makipag ugnayan sa patnugutan at sa aming tagapaglimbag. May susunod pa….
***
FYI BAN ORDER SA BOC, COLLECTOR LANG MAY KARAPATAN
Meron talagang mga opisyal ng Bureau of Customs ang balat sibuyas. Biruin mo nagtatanong ka lang. Wagas ang reaksyon! Again nagtatanong lang po ako. Bakit ka naghurumintado? Baka totoo naman na tumatanggap ka. IPOKRITO
Sa Customs Modernization and Tarrif Act Law o CMTA, nagsasaad na ang may karapatan lang mag request ng BAN ORDER ang District Collector with valid reasons at approved ng BOC Commissioner. Tama po ba ako mga Igan?
Nitong nakaraang Linggo, nagulat ako, dahil ang ilang kaibigan ko sa ESS, CIIS, at ilang mga matataas na opisyal ng Bureau of Customs na nagmamalasakit sa akin ay may ipinakitang REQUEST mula sa messenger.
Opo mga Igan, request ng isang DIRECTOR na nagsasabing huwag ako papasukin sa bisinidad ng Port of Manila. Bakit? Masyado ba akong nakakasilaw? Sagabal ba ako sa iyong mga mata?
Dangan nga lamang at ang order ay sa messenger ko lang nakita. KENGKOY din naman ang mga lumagda. Dahil, nakita ko ang kanilang mga pangalan. May alam ba kayo sa CMTA?
Wait ang nasabing request ay itinawag ko kay BOC Assistant Commissioner Atty. Jet Maronilla. Ani AssComm. Atty. Jet, ipababawi niya sa nag request dahil wala naman basehan ay saysay. Salamat naman po kung ganun!
Huwag po kayo mag alala mga IGAN, kapag hindi po mabawi ang ORDER, huhubaran po natin ang DIRECTOR na ito. At ilalathala lang naman natin ang kanyang mga SOURCES OF INCOME. Sino nagpapadala, at sino ang tumatanggap. As in DETALYADO. May susunod pa…
***
ACTION MAN SI BOC DEP. COMM. GEN. RAMIRO
PINAHANGA ako ni Bureau of Customs Deputy Commissioner for Intelligence Group Gen. Ramiro, dahil binigyan niya ng agarang aksyon ang aking artikulo hinggil sa umano’y tara, pekeng dokumento, palundag sa isang Section sa MICP, at ilang matataas pang opisyal ay ginagasgas umano ang pangalan ng ilang kawani.
Nitong buwan ng  Marso 23, 22, nakatanggap ako ng kalatas na may petsang Marso 15, 2022, mula sa tanggapan ni Deputy Commissioner for IG Gen. Ramiro, kalakip ang kanyang lagda at nagsasaad ng kanyang isinagawang imbestigasyon.
Paglilinaw lang po, wala po talagang kinalaman si Dep. Comm. Ramiro sa mga nagaganap na kabulastogan sa ilang opisina sa Bureau of Customs, bagkus, ginagawa niya ang kanyang tungkulin ayon na rin sa diriktiba ni Comm. Jagger na supilin ang anomalya.
Kung babasahin at iintindihin ng maayos ang aking lathala, na nagsasaad sa pang anim na taludtud (saknong) sa artikulong MICP SEC. 2, MAY HATAG KAY DEP. COMM.? At ito ang nakasaad:
“Teka, mga Igan, bukod daw po sa palundag, karamihan daw po ng ipinapasa ritong mga dokumento. Peke daw? As in gawang recto? Hala ka! Paki imbestiga nga po Dep. Comm. Ramiro? Mukhang namimihasa na rito sina Jelyn at Luz.”
Malinaw pa sa sikat ng araw. Nag request po ako kay Dep. Comm. Ramiro na imbestigahan niya ang mga aligasyon. Dahil nga meron daw Dep. Comm., ang nakikinabang sa TARA SYSTEM.
Bilib po ako kay Dep. Comm. Ramiro, dahil nagsagawa nga sila ng imbestigasyon, sanhi na rin ng aking paki usap, at sa pamumuno ng MICP CIIS Head IO III Alvin Enciso, nabatid na sina Jelyn at Manang Luz, ay food server/provider and Contract of Sevice Personnel.
Pagtatama po mula sa inyong Abang Lingkod, base na rin sa kalatas na aking natanggap mula kay Deputy Comm., for IG Gen. Ramiro, hindi po HAO SIAO sina Jelyn at Manang Luz.
Muli po, ang pahayagang aking sinusulatan, ay bukas sa inyong panig, reaksyon, at komento, para sa patas at walang kinikilingang pamamamahayag.
Samantala, nais kong papurihan ang pagiging propesyunal ni Dep. Comm., for IG Gen. Ramiro, dahil sa kanyang liham ay naitatama natin ang ating inilalathala. Tunay kang ehemplo ng Bureau of Customs. Mabuhay and may God bless us, always!
Spread the news