SAMU’T saring mga survey firm ang naglabas ng kanilang mga pinakahuling resulta, kung sino ba talaga ang napupusuan ng mamamayan, at susunod na Presidente at Bise Presidente ng bansa.
Isa na rito ang Pulse Asia, na anila ngayon lang sa kasaysayan, ang malaking agwat  ng front runner na kandidato sa sumusunod sa kanya. Ano may laban pa ka? Baka umaaasa pa kayo. Mas maganda na siguro ang mag withdraw para hindi masayang ang inyong pera. May ganun!
Sa mariing pahayag ni Pulse Asia Research Director Ana Tabunda, sa nangyayari ngayon, magbago man ang ratings ng susunod na kandidato, mataas pa rin ang para kay presidential candidate Bongbong Marcos. Oh, di ba?
Para sa mga kakampink: Ayon kay Director Tabunda, mahirap na rin daw itong mahabol lalo pa’t tatlumput dalawang araw na lang ang natitira at eleksyon na.  Kaya payo ko na lang sa inyo para hindi masayang ang boto niyo. Sama na kayo sa UNITEAM.
Sa pinakahuling survey result ng Pulse Asia, nakakuha si Marcos ng score na 56%, kahit na bumababa ito ng 4% mula sa dating 60% nitong survey sa mga nakaraan, habang tumaas naman sa 24% ang ratings ni Vice President Leni Robrero  mula sa dating 15%.


Gayunman, panawagan ko sa aking mga ka UNITEAM, target natin ang 70% at yan din ang pahayag ni presidential candidate at former Senator Ferdinand “BONGBONG,” Marcos Jr. , kaya magkaisa tayo para sa ating minimithi.
Ani nga ni spokeperson ni BBM na si Atty. Vic Rodriguez, hindi tayo dapat magpakampante, at manatili tayo sa ating target na 70%, upang sa gayun ay hindi pa tayo madaya pa, katulad na lamang sa nakaraang halalang 2016.
Naniniwala naman po tayo maging ang kampo ni Presidential Candidate Bongbong Marcos at Atty. Rodriguez, na majority sa mamamayang Pilipino ang nagnanais na maging presidente si BBM at maipanalo ang buong team lalo na ang kanyang Bise Presidente na si Mayor Inday Sara.
Samantala, mariing pahayag naman ni Pulse Asia Research Director Ana Maria, maliit lamang ang binaba ng boto ni BBM at marami pa rin ang gustong bumoto sa kanya na first time lang nangyari sa bansa.
Kaya, ano pa ang hinihintay niyo mga KAKAMPINK, sama na kayo sa UNITEAM para sa pagbangon muli at pagkakaisa ng buong bayan. BBM na at Sara, tungo sa maunlad at mapayapang bansa. Mabuhay and may God bless us, all!
***
                                                              Gising mga opisyal….
                                  AMBUSH NA NAMAN SA ISANG KAWANI NG BOC!

Ilan pa bang mga kawani ng Bureau of Customs  ang dapat magbuwis ng buhay para matuldukan na itong pananambang? Kumikilos ba ang mga opisyal natin? Totoo bang may taga loob ang nagpapa patay? O dahil ang ilan sa kanila ay tiwali? Again nagtatatanonmg lang!

Nakakalungkot, sugatan ang isang abogado na nakatalaga sa Legal ng Bureau of Customs, matapos pagbabarilin  umano ng dalawang suspek na magka angkas sa motorsiklo sa Pasay City nakaraang Lunes, Abril 4, taong kasalukuyan.

Ayon sa Insider na aking nakausap, tila iisang baril lang umano ang ginagamit ng mga salarin. Mula sa mga nakaraang pananambang sa Bureau of Customs batay na rin sa mga paghahambing ng mga awtoridad.

Maswerte naman ang biktimang si Atty. Joseph Samuel Zapata, nasa hustong gulang at may asawa, at residente ng Brgy. San Isidro, Paranaque City, at agad na nadala sa Manila Doctors Hospital at ligtas ito sa bingit ng kamatayan, dangan lamang at mahirap umano tanggalin ang bala sa kanyang ulo.

Same scenario, mabilis na naman nakatakas ang suspek patungong Manila area. Muli gamit na naman ang motorsiko. Haitz! May araw din kayo. Tandaan niyo lahat ng ginagawa niyo ay alam ng Diyos. Hindi na kayo naawa sa pamilya ng mga biktima. Kung may atraso man kasuhan. Hindi yung kikitilin niyo ang buhay.

Sa aking pagsisiyasat, itong si Atty. Zapata, ay isang mabuting abugado, at walang bahid anomalya. Take note, tinutulongan pa niya ang kanyang kapwa kawani na nagkakaroon ng problema sa trabaho. Bakit gusto niyo ipapaslang? May nasagasaan ba? Ambot!

Anyway, umaasa pa rin tayo na mareresobla ang kasong pananambang sa Bureau of Customs. Nais ko na tuloy maniwala na taga loob lang ang nasa likod ng lahat ng ito. Totoo nga ba? Muli nagtatanong lang. Huwag naman kayong pikon! Pustahan tayo may complain na naman, kuno! Ambot sa kambing na may bangs!

Spread the news