Nitong buwan ng Oktubre, taong kasalukuyan, dumananas tayo ng delubyo, sapagkat ang Ilan sa atin ay nawalan ng buhay, tahanan, at hanapbuhay, mula Luzon, Visayas at Mindanao ay talagang niragasa ni bagyong Paeng.
Makikita naman natin na ilang bahay ang tinangay ng baha, at pagbulusok ng mga lupa mula sa kabundukan, sanhi ng wala ng kahoy na promoprotekta sa kalupaan sa bundok.
Sa anong dahilan? Hindi nga ba at marami parin ang mga illegal loggers, at mga minero. Tanong niyo pa sa Department of Environment and Natural Resources, (DENR). Uy ambot sa kambing na may bangs!
Hay naku! Kailan pa tayo matutoto? Kapag pamilya na natin ang mama-alam dahil sa sakuna, tiyak na iiyak din kayo. Nawa’y maparusahan din kayo ng kalikasan, lalo na ang ilang mga korap opisyal ng DENR.
Salamat na lang, at meron tayong Presidente na katulad ni Pangulong Bongbong Marcos na may malasakit sa mamamayang Pilipino, dahil to the rescue agad ito sa mga nasalanta.
Sa ginanap na pagpupulong, sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, agad nagbigay ng diriktiba si PBBM na magbigay ng relif goods sa mga biktima ng bagyo.
Diin pa ni PBBM, “huwag na magbigay ng ticket, ibigay na ang lahat. Just give everything, hindi nila iyayaman ang dobleng food pack. Huwag na intindihin ang bureaucracy, basta’t iparating Ang relief.”
“There is no such thing na sobra na relief. Kung anong meron tayo ibigay na natin kaagad. It doesn’t matter kung may papel o papirmahin, bigyan kaagad.”
Yan ang totoong lider na nagmamalasakit sa mamamayang Pilipino. Kaya Naman, tayong 31 milyong bumuto Kay PBBM, ay hindi tayo nagkamali sa ating naging pasya, na siya ang ating pinili.
Sa mamamayang Pilipino, at kababayan ko, huwag naman natin, abusuhin ang kabutihan, at sensirong paglilingkod ni PBBM, bagkus suportahan natin siya sa kanyang mga ginagawa.
***
PAGSALUDO KAY BOC COMM. YOGI, MICP COLL. FAMOR AT CIIS IOIII ENCISO
Nais ko pong papurihan ang pamunuan ng Bureau of Customs sa pamumuno ni Comm. Yogi Ruiz, Manila International Container Port District Collector Arnoldo Famor, at Customs Intelligence and Investigation Service MICP Head IOIII Alvin Enciso, sa kanilang makabuluhang pagsasanib pwersa.
Biruin mo, 288 milyong halaga ng imported asukal ang kanilang nasakote, mabuti na lang at maagap ang mga opisyal, kung kaya’t ang pagtatangkang pagpupuslit ay hindi naisagawa.
Sa pahayag ni Comm. Yogi, ang nasabing imported sugar ay mula sa Thailand, at lulan ng 76 container vans, na nadiskubreng misdeclared.
Kaya Naman, agaran itong kinumpiska, dahil walang maipakitang import clearance ang consignee mula sa SRA o Sugar Regulatory Administration, patunay na legal ang importasyon.
Kinasuhan naman ang importer dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act, Sections 113 at 117, at kasalukuyang nasa security warehouse ng Customs ang asukal bilang pag iingat.
Samantala, isang pagbati at papuri muli kay MICP Coll. Arnoldo Famor, dahil naka reach umano ito sa buwanang collection targert ng nasabing ahensya.
***
Parting shot: Taos pusong pasasalamat sa mga taong nagbibigay sa akin ng suporta, mula sa usaping espiritwal, moral, at financial, habang ang aking pinakamamahal na Tatay, ay nasa ospital dahil sa kanyang kumplikadong sakit.
Bahala na po ang Dios ang magbalik sa inyong kabutihan. Nawa’y puspusin po kayo ng biyaya ng Poong May Kapal.
***
BI PROBLEM, MAY SOLUSYON
Kung dual citizen na, kailangan ba kumuha ng Phil. Passport, maliban sa foreign passport na kasalukuyan mong hawak? Ano ang gagawin, at anong passport ang gagamitin mo pag aalis, o darating ka sa Pinas?
Muli po, para sa inyong katanungan mangyari lamang na makipag ugnayan sa aming patnugutan, o Dili kaya mag email sa iambernie32@gmail.com.
Spread the news