DUMULOG sa tanggapan ni National Bureau of Investigation DDAS Deputy Chief of Staff Atty. Fem Martinez ang mag inang biktima ng SCAM (itago natin sa pangalan na) Ms. Teresa, at Ms. Annie, ng Las Pinas City, nito lamang March 10, taong kasalukuyan.

Hinihinalang ang buyer kuno ng kanilang lupain sa bayan ng Siaton, Negros Oriental, na sina Ms. Elizabeth, Joel Lim Ferrera at Michelle Garcia, Russel Verga inquiry sa kanilang cold storage, ay magkasabwat sa nasabing modus.

Ang kanilang pangguguyo ay nagsimula sa isang grupo ng buyer umano ng lupa, kung saan nagtungo ito sa tanggapan ng kanilang COMPANY, kasunod nito ang isa pang grupo na nagnanais na ilagay sa storage ang kanilang canned frozen goods nitong February 28, 2023.

Pagkaraan ng Isang Linggo ang unang grupo na nag-i inquire sa lupa ay humihingi ng dokumento at titulo sa lupa, samantalang ang pangalawang grupo na kinabibilangan pa ng isang banyaga ay nagnanais na matulongan sila sa kanilang import bussiness na canned goods at alcohol drinks.


Buwan ng Marso 7, 2023 ang buyer kuno ng lupa ay nagpunta sa tanggapan ng kanilang COMPANY, Las Pinas City, kasama ang banyaga para e finalized ang bilihan ng lupa, at pagkatapos nito binuksan nila ang usapin ukol sa kanilang negosyo na KAPUZE mula pa umano sa bansang GERMANY.

Pinalalabas ng mga suspek na sina Michelle Garcia, Russel Verga, at kasama ang isang banyaga, na mabili ang kanilang produkto, dahilan para makumbinsi ang mga biktima na makipagkita muli sa Ambers, Las Pinas City.

Nang tawagan nina Ms. Annie at Ms. Teresa, ang buyer kuno ng kanilang lupa, nagkunwaring nasa Clark Pampanga ito, at makakabalik lamang sila ng 4:30 pm na intrisado din umano sa KAPUZE, ngunit ang seller naman ng KAPUZE ay hanggang 12:30 pm lamang pwede umamo e reserve ang produkto.

Sinabi nang buyer ng lupa na kailangan nila e reserve ang produkto at hiningan ng tulong ang mga biktima, kung saan nag isyu naman agad ng 1.5 milyong piso sa pangalan ni Malla Ponce Uy, na agaran nag withdraw ng pera sa banko.

Samantala, patuloy pa rin ang pakikipag ugnayan ng mga suspek sa mga biktima na nagnanais pa maka SCAM, at sunod-sunod ang pananakot para hindi mag reklamo ang biktima sa awtoridad.

Lumapit ang mga biktima sa National Bureau of Investigation, at sa mga mamamahayag upang magbigay babala sa mamamayan na huwag magpaloko sa mga nagkukunwaring nagbebenta ng KAPUZE at sinasabing in demand sa merkado, sapagkat ito’y SCAM.

Handa naman, isapubliko nina Ms. Teresa, at Annie, ang mga larawan, at kuha ng CCTV footage, para mabigyan ng babala ang mamamayan, at hindi rin ma SCAM ng mga suspek.

Spread the news