TINATAYANG 400 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng Bureau of Customs, makaraang mag inspeksyon sa loob ng isang Pair Cargo warehouse sa Pasay City nitong buwan ng Marso.
Mga Igan, napag alaman ng ahente ng ng Bureau of Customs na ang kargamento ay nagmula sa Guinea, Africa na idineklarang naglalaman umano ng spare parts.
Dahil sa alisto ang tauhan ni Dep. Coll. for Passenger at XIP Head Atty. Des Mangaoang, nadiskubre ng NAIA Customs X-Ray Examiner sa pamamagitan ng physical examination, ang 58.93 kilo ng shabu, na may street value na 400, 724,000.00 milyon.
Ito’y batay na rin sa pagkukumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency, na katuwang ng BOC XIP sa pagkakabisto ng ilegal na droga.
Nais naman nating papurihan si Customs Examiner Gary Burgos, sa kanyang isinagawang 100% percent physical examination sa kargamento, at nadiskubre nga ang ipinagbabawal na gamot.
Sa patuloy na imbestigasyon, natuklasan ang nagpadala ng shabu ay nakilalang si Diallo Sandaly ng Sonfonia Commune de Ratona Conarky, Guinea. At sinasabing ang consignee ay si Eduard Fajardo ng #149, Scout Limbaga Street Sacred Heart, Quezon City.
Arestado naman mga Igan, si Eduard Fajardo, consignee ng shabu shipment, ngunit sinasabing si Fajardo ay binayaran lang raw ng P5,000.00 upang magpanggap gamit ang pekeng Voter’s ID.  Haharap naman ang suspek sa paglabag ng RA9165 at RA10863 ng Customs Modernization Act.
Samantala, Congratulations kay Coll. Mimel Talusan, at Customs-XIP Head Atty. Des Mangaoang, sa patuloy na pagprotekra sa bawat hangganan ng puerto, lalo na sa BOC-NAIA.
***
120 MILYONG MARIJUANA, NAKUMPISKA NG BOC
NASA kamay na ng PDEA ang 120.185 milyong halaga ng marijuana, na nakumpiska ng Bureau of Customs, mula sa iba’t-ibang kargamento.
Mga Igan, nadiskubre ang marijuana, mula sa 10 shipment, kasama sa nakumpiska ang isang pakete ng Cannabidoil gummies, isang bote ng Beebe Terpene Tincture strawberry diesel, 11 piraso ng vape juice, siyam na piraso ng Dabwoods vape ng Terp Science labs, at 470 tableta na may codeine at acetaminophen.
Kabilang ito mga Igan sa listahan ng dangerous drugs sa ilalim ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive  Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang nasabing mga ilegal na droga ay nakumpiska pa mula Disyembre 2022 hanggang Enero 2023.
Saad ni Customs Commissioner Bien Rubio, na mayroong panuntunan na dapat sundin para ito makapasok sa bansa, lalo na sa PDEA at FDA, para sa tamang paggamit nito.
Sa panig naman ng BOC-Clark, sinabi ni Coll. John Simon na ipagpapatuloy ng kanyang tanggapan ang pagbabantay, upang matiyak na hindi makakalusot ang mga ganitong uri ng produkto.
***
DEP. COMM. FOR IG JUVYMAX AT CIIS DIR. ENCISO KAHANGA-HANGA!
Nais nating papurihan ang sanib pwersa ni Bureau of Customs Deputy Commissioner for Intellingence Group Juvymax Uy at Customs Intelligence and Investigation Service Director Verne Enciso.
Biruin mo mga Igan, sunod-sunod ang pagkasabat ng shabu, marijuana, agricultural products at pekeng mga produkto, dahil sa talas ng kanilang radar.
Patunay lamang ito na hindi natutulog ang dalawa sa kangkongan, at may symbiotic relations ang magka tandem, kung kaya’t walang palya at palpak sa kanilang mga operasyon.
Syempre sa tamang paggigiya naman ng ating butihing Kumisyuner na si Comm. Bien Rubio, dahilan upang magkaroon ng magandang accomplishment ang Intelligence Group.
Mabuhay po kayo, and Keep up the good work. Patuloy pong susuporta ang pitak na ito sa inyong magandang adhikain, lalo kung kapakanan ng mamayan at bansa ang pag uusapan. Again, congratulations!
Spread the news