NATATAWA na lamang ang inyong abang lingkod sa isang demolition job laban sa Customs Intelligence and Investigation Service, kung saan ito’y pinamumunuan ni Director Verne Enciso.
Hindi naman po kaila sa atin, na maraming accomplisment si Dir. Verne Enciso, nang siya pa ay Field Officer sa bawat District ng Bureau of Customs.
Rose from the rank si Dir. Enciso, kaya naman samu’t saring pagsubok ang kanyang pinagdaanan, bago nahubog at naging dalubhasa sa larangan ng paniniktik, pag iimbestiga at panghuhuli  ng mga ismagler.
Kaya naman, marami ang nasaktang mga ismagler na gumagawa ng mga istoryang walang basehan, para sirain ang magandang reputasyon ng CIIS, sa ilalim ni Dir. Enciso.
Kung inyo pong lilimiin, ang CIIS ay under ni Deputy Commissioner for Intelligence Group Dep. Comm. Juvymax Uy, na masyadong mahigpit sa pag iimplementa ng batas.
Kaya nga ang NO TAKE POLICY ni Bureau of Customs Commissioner Bien Rubio, ay mahigpit na naipapatupad dahil ito sa IG, at CIIS. Tama ba ako mga Igan?
Mukhang na wow mali rito ang ilang indibibwal, na gumagawa ng mga paratang na nais lamang gibain, ang magandang pamamalakad ng CIIS, laban sa ismagling. Hahahaha
Baka, nasagasaan ani nang ating mga kaibigan sa loob. Pwes, magsitigil na kayo. Lalo na mga nagpaparating ng droga. May paglalagyan kayo. Uy ambot sa kambing na may bangs!
****
IN FAIRNESS SA MGA OPISYAL NG CIIS
BOBO at TANGA lang ang magsasabi na korporasyon na ng magkapatid, at mag pinsan ang CIIS. Tama po ba ako BB Gandang Hari? Uy ambot sa kambing na may bangs! Mag research muna kayo….
Si MICP Field Officer IO3 Alvin Enciso, ay isang batikang Intelligence Officer ng CIIS, maraming droga, ismagling ng agricultural products, at pekeng mga produkto ang nahuli, bago pa niya makuha ang kanyang plantilla na Intelligence Officer 3. Kaya niyo ba yan?
Marahil ang iba ay inggit, o may nasagasaan lang si IO3 Alvin Enciso, kung kaya’t ginigiba ang kanyang kredibilidad at integridad.
Well, hindi kayo magtatagumpay, dahil 100% ang tiwala ni Comm. Bien Rubio, kay IO3 Enciso. Isa pa nakuha, at nakamit nila ang kanilang tagumpay sa pamamagitan ng pagsisikap at accomplishment. Kaya, sorry kayo… hahahhaa
Gayundin kay BOC Cebu CIIS Field Officer Bautista, na puro trabaho, at accomplishment, lang ginagawa para sa kapakanan ng BOC. Kaya naman, humanda kayo, kapag may kontrabando kayo. Tiklo kayo sa magkapatid, at magpinsang nais lang ng serbisyong tapat sa BOC.
Kaya naman, Ito sa inyo mga Ogag, Uy ambot, manigas kayo sa inggit!
***
WELCOME BACK DR. REBONG, CHIEF ID!
Kung hindi po tayo nagkakamali, 13 years na nagtiis ang ating butihing kaibigan na si Inteliigence Officer V Dr. Rebong, para muli niyang makuha ang kanyang posisyon.
Matatandaang, dati nang Chief ng Intelligence Division ng Customs Intelligence and Investigation Service, Intelligence Group si Dr. Rebong.
Sa kasamaang palad, napasama siya sa nagkaroon ng CPO na itinapon sa BLGF, Department of Finance, sa kabila ng kanyang magandang reputasyon sa BOC.
Nang maupo si Comm. Lapena, na nalusutan ng bilyones na halaga ng shabu, masyadong giniba, ang pagkatao ni Dr. Rebong, ngunit nilabanan niya ito sa pamagitan ng legal na pamamaraan. At yun nga napagpunyagian ito ni Dr. Rebong.
Napatunayan niya na ang ipinupukol sa kanyang putik, ay bumalik sa kanilang mga pagmumukha. Anong nangyari? Well nasibak lang naman si Mr. Magnetic Lifter. Buti nga! Hahahhaha
Salamat at merong Comm. Bien Rubio na nagbigay ng katarungan kay Dr. Rebong, at muling pagbigyang patunayan ang kanyang mataas na antas ng paniniktik, at pag-iimbestiga laban sa mga ismagler.
Again, welcome back and good luck Dr. Rebong, isa kang alamat na gumawa ng legasiya sa BOC. Humanda kayo, may paglalagyan ang mga ismagler!
Spread the news