ISANG pagpupugay sa pamunuan ng Bureau of Customs, Manila International Container Port sa pangunguna ni Coll. Boy Famor, dahil sa pagkaka diskubre ng puslit na asukal at sigarilyo na nagkakahala ng 90 milyon.
Pinangunahan ng mga opisyal ng BOC ang pagsasailalim ng physical examination sa limang container vans at natuklasan ang tinatayang 90,442,850 ng smuggled sugar at sigarilyo sa MICP.
Nabatid na inirekomenda ni Customs Intelligence and Investigation Service IO III Alvin Enciso ang pagpaplabas ng Alert Order, matapos na makatanggap ng derogatory information hinggil sa shipments, mula sa Hong Kong at China.
Dumating umano ang mga containers sa bansa sa pagitan ng Enero 5, 2023 at Pebrero 12, 2023, na naglalaman ng misdeclared at undeclared na asukal at sigarilyo.
Sinabi ni Dep. Comm. IG Juvymax Uy, na aktibong minomonitor ng ahensya ang mga impormasyon hinggil sa shipments na posibleng naglalaman ng mga smuggled goods
Isang papuri sa iyo Dep. Comm. Uy, at hindi mo pinababayaan ang trabaho mo, at lalo mo pina-iigting ang kampanya laban sa ismagling. Harinawa at tularan ka ng mga kawani ng BOC.
Samantala, agad isinagawa ang seizure at forfeiture proceedings laban sa subject shipments dahil sa paglabag ng Section 113, kaugnay na rin ng Section 117 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization Tariff Act at Republic Act 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act 2016, Sugar Regulatory Administration, at National Tobacco Administration rules and regulations.
***
24 BODEGA NADISKUBRE NG BOC MAY AGRI GOODS
DAHIL sa pagpapaigting at pagpapalawak ng kampanya ng Bureau of Customs, nadiskubre ang 150 milyong halaga ng agri products. Ito’y dahil sa isinagawang inspection sa 24 bodega sa Malabon.
Inimplementa nina CIIS-MICP Head IO III Alvin Enciso, kaagapay ang PNP-CIDG, at PCG ang mga Letters of Authority sa nasabing bodega at storage na pinaniniwalaang nag iingat ng 150 milyong halaga ng mga Agri products, gaya ng sibuyas at bawang.
Ayon kay Dep. Comm. Juvymax Uy, ang nasabing matagumpay na mga operasyon ay hindi magiging imposible kung walang pagkakaisa sa pamunuan ng BOC.
Mga Igan, ayon sa source ang mga bodegang naglalaman ng mga sibuyas, at bawang ay matatagpuan sa Tondo, Manila, Malabon, at Binondo.
Agad naman, umaksyon ang mga tauhan ng BOC, laban sa mga nasabing bodega nang matanggap ang derogatory information, at nakipag ugnayan naman ang mga ahente sa barangay opisyals at sa PNP.
Hinihingan umano ng mga ahente ang consignee ng importation documents habang ang mga produkto ay isasailalim sa imbentaryo, at kung matuklasang walang kaukulang dokumento, isasagawa ang seizure at forfeiture laban sa mga shipments dahil sa paglabag sa batas.
***
FYI SOJ ATTY. BOYING REMULLA
MISTULANG natutulog po ata sa pansitan itong National Bureau of Investigation-Anti Organized Crime and Transnational Division Senior Agent Darwin Francisco?
Biruin niyo nagsilbi ng Warrant of Arrest na dismissed na ang kaso. Anong nangyari, meron bang requesting body na hindi matanggihan, o namantikaan? Nagtatanong lang…
Saad pa nitong Senior Agent Francisco, dalawang buwan daw siyang nagsagawa ng pag-iimbestiga at pananaliksik ukol sa kanyang subject. LIBEL, pinag-aksayahan ng Oras.
Opo, as far as I know. LIBEL CASE IS NOT AN NBI CASE, AND NOT AN ORGANIZED CRIME! May na-amoy ba kayo? O baka naman parehas ang nasa isip natin.
Well, NBI Deputy Director for Operations Atty. Jose Yap, paki kastigo nga itong agent niyo. Naku po! Hihilahin ka nito pababa. Tingnan natin ang mga susunod pang mga surpresa with the help of Department of Justice Secretary Atty. Boying Remulla. Abangan!
Spread the news