Nitong Feb. 7, 2023 nagdiwang ang Bureau of Customs ng 121st Anibersaryo ng pagkakatatag ng nasabing ahensya, kung saan dinaluhan ito ng iba’t ibang pahayagan, radyo, at telebisyon.
Sa naturang pagdiriwang isa po tayo sa naimbitahan, at accridited media to cover the said event. At isa po itong malaking karangalan, sapagkat makakapanayam po natin ang mga opisyal ng nasabing ahensya.
Ngunit bago pa man nagsimula ang nasabing pagtitipon, may mga dumating na ahente ng National Bureau of Investigation partikular na sa Anti-Organized and Transnational Crime Division, na pinangunahan ni Senior Agent Francisco “D’Boy” Darwin.
Bitbit ang isang warrant of arrest, with Criminal Case No. 10-280271, Libel, sa Branch 07, RTC Manila sa sala ni Judge Ma. Theresa Dolores C. Gomez-Estoesta.
Ang nasabing kasong libelo ay 13 years ago pa po. At ako’y naka provissionally dismissed nung 2017 pa sa ilalim ng acting judge, na si Judge Acerey C. Pacheco.
Tanong lang po Dep. Dir. Atty. Yap, hindi po ba at SOP yan sa mga ahente ng NBI lalo na sa ilalim mo ang AOTCD na e verify muna ang Warrant of Arrest bago e silbi?
At ang libel case po ba, NBI case? Totoo po bang bayad ang nasabing operasyon? Magkano? Nakakahiya naman, nagsilbi ng warrant, paso na! Yan ang tinatawag na WOW MALI.
Parang, natutulog naman sa kangkongan ang mga ahente mo. Dahil ba sa may requesting party na hindi matanggihan? O totoo ang aking naamoy na balita? Magkano?
Well, ipaparating ko na lang ito kay Department of Justice Secretary Atty. Boying Remulla, ang pagkakamali ng mga ahente mo. Nakakalungkot lang, sa parte ng buhay ko, at parang ang sama ng pagkatao ko, dahil nagkalat pa ang mug shot sa social media sa kabila ng pagkakamali ng AOTCD.
NBI Dir. Atty. Medardo de Lemos, Sir! request lang po, baka pwede naman bigyan mo ng leksyon itong si AOTCD Senior Agent Francisco “D’Boy” Darwin. Paki tapon muna ito sa dulo ng Pilipinas. May susunod pa….
***
COMM. RUBIO NA, SA BOC!
Marami ang nabigla, sa pagpapalit ng liderato sa Bureau of Customs, kung saan si Comm. Yogi Ruiz, pinalitan ni Comm. Bien Rubio, na isa rin na organic employee ng nasabing ahensya.
Nakita natin ang performance ni Comm. Yogi Ruiz na hindi talaga matawaran, sa kabila ng dami ng huli ng mga agricultural products at droga, nare reach pa rin nito ang revenue collection target.
Saludo po kami sa iyo Comm. Yogi Ruiz, gumawa ka ng legasiya sa Bureau of Customs at minahal ka ng mga kawani sa iyong pagiging down to earth. Mabuhay po kayo, natitiyak po ako na bibigyan ka pa ng posisyon ni PBBM.
Bago pa man maitalaga si Comm. Bien Rubio, alam na ng inyong Lingkod na mahihirang si Boss Bien bilang Commissioner. Tama po ba ako House Speaker Martin Romualdez?
Sino nga ba si Comm. Bien Rubio? Rose from the rank.  Mula sa pagiging special investigator, Officer-In-Charge ng Intelligence Division, at naging Director ng Port Operation Service.
Mula si Comm. Bien Rubio sa Batac, Ilocos Norte, na kababayan naman ng ating Presidente na si Bongbong Marcos. Nagtapos bilang Validectorian sa Secondary,  nag aral ng Political Science sa Ateneo de Manila, kumuha ng Juris Doctor Degree sa San Beda, at nag patuloy ng Bachelor of Laws sa San Sebastian.
Sa ngayon, kung sino man ang manungkulan sa Customs, suportahan na lang po natin katulad ng ginawa natin kay Bureau of Customs Comm. Yogi Ruiz, sapagkat parehas lang naman ang kanilang layunin.
Ang protektahan ang bawat hangganan ng bansa mula sa lahat ng uri ng smuggling, at pataasin ang revenue collection target para makatulong sa mga programa ni Pangulong Bongbong Marcos. Mabuhay and God bless us, all!
Spread the news