Nais po natin papurihan ang pamunuan ng Bureau of Customs, partikular na ang Manila International Container Port, sa pagkasabat ng bilyong halaga ng shabu.
Opo mga Igan, ito’y sa pinagsamang pwersa ng Philippine Drug Enforcement Angency, PNP-Drug Enforcement Agency, Customs Intelligence and Investigation Service, sa pangunguna ni Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax Uy, at CIIS IOIII Alvin Enciso.
Saludo din po tayo kay District Collector Romeo Rosales, sa kanyang pina igting na kampanya laban sa mga kontrabando, lalo na sa droga, walang nakakalusot sa kanyang area of responsibility. Tama po ba ako Sir Ken?
Sa ginawang press briefing nito lamang October 6, sa Manila International Port, dumalo sina PNP Chief Gen. Acorda, NCRPO Chief Gen. Nartatez Jr., PDEA NCR Director Rosales, BOC Dep. Comm. Juvymax Uy, at CIIS MICP Field Officer IOIII Alvin Enciso.
Pinahanga po tayo ni Dep. Comm. Juvymax sa kanyang mga sagot sa mga mamamahayag, sapagkat alam na alam niya po ang Customs Law, gayundin po si Chief Alvin Enciso. Mabuhay po kayo!
Sa naturang press briefing, nitong October 6, 2023, tinatayang P2.1 bilyon ang suspected shabu ang nasakote ng mga awtoridad sa Manila International Container Port.
Ayon sa inisyal na report, 1,109 piraso ng plastic packs na naglalaman ng white crystalline substance na pinapaniwalaang methamphetamine hydrochloride o shabu, and dumating sa MICP laman ng isang container, mula sa Mexico.
Kasalukuyang inaalam ng PNP-PDEG, at PDEA, kung sino ang sender, broker, at consignee ng nasabing kontrabando, upang mapanagot sa batas.
Kinumpirma ni Col. Fajardo, na ang ilegal na droga ay nagmula sa Mexico, habang ina-alam kung ito’y may kaugnayan sa nadiskubreng 560 kilo ng Shabu sa Pampanga na tinatayang nagkakahalaga ng 3.6 bilyon, na idiniklarang agricultural products.
Muli, isang papuri sa mga awtoridad ng PNP, PDEA, at BOC sa kanilang matagumpay na operasyon laban sa droga, nawa’y mapanagot ang nasa likod ng importasyon ng ipinagbabawal na gamot.
Kay BOC Dep. Comm. Juvymax, Coll. Rosales, at CIIS Field Officer IOIII Alvin Encico, congratulations and keep up the good work. Umasa po kaya ang inyong Abang Lingkod ay handang sumuporta sa inyong masugid na programa laban sa ismagling. Again mabuhay and may God bless us, all!
***
Parting Shot: Isang pagbati at pagpupugay sa kaarawan ni MICP Section IA Chief COOV Charlon Tejada, nawa’y puspusin ka po ng biyaya, at mahabang buhay ng May Kapal.
Panalangin din po ng inyong Abang Lingkod, na ilayo ka po sa anumang kapahamakan. Again, Happy Natal Day!
***
TARGET COLLECTION NG BOC, NALAMPASAN
PAPURI kay Comm. Bien Rubio, ng Bureau of Customs, sapagkat nalampasan ng ahensya ang target collection nito sa buwan ng Setyembre ng 3.64 percent.
Sa inilabas na pahayag ng Bureau of Customs, umabot sa P79.225 billion ang koleksyon noong Setyembre. Mas malaki ito ng 2.7 bilyon kumpara sa target na 76.44 bilyon.
Nalagpasan din ng BOC ang target collection nito sa unang siyam na buwan ng taon, o mula sa Enero hanggang Setyembre.
Nakapagtala ang ahensya ng P660.716 bilyon na koleksyon, habang ang target collection ay hanggang P664.185 bilyon lamang.
Ito ay lumalabas na katumbas 2.57% na pagtaas o kabuuang P16.531 bilyon. Ang pangunahing dahilan dito, ayon sa BOC, ay ang maayos na customs operation, mas agresibong revenue, at iba pang pagpapatupaf ng programa ng ahensya. Mabuhay and congratulations!
Spread the news