Mga Igan, nais ko pong papurihan ang pamunuan ng Bureau of Customs sa pangunguna ni BOC Comm. Bien Rubio, sapagkat nalampasan ng ahensya, ang kanilang target collection para sa buwan ng Oktubre 2023.
Opo mga Igan, umabot sa halos P80 bilyon ang kanilang kabuuang koleksyon, patunay na may pagkakaisa ang ahensya. Tama po ba ako COS Atty. Marlon Agaceta?
Sa datos na ating nakalap, umabot sa P78.616 bilyon ang nakolekta ng BOC nitong Oktubre kung saan nasa 1.4 porsiyentong pagtaas o may katumbas na P1.084 bilyon ang kinita na higit pa sa target nilang koleksyon para sa nasabing buwan.
“For the ten-month period from January to October 2023, BOC revenues reached PhP739 billion, with 2.4 percent more or P17.287 billion higher than its P721.717 billion target collection for the period,” Saad ng BOC.
Ayon din sa BOC, tumaas din ng 3.57 porsiyento o P25.482 bilyon ang kita ngayong taon mula sa koleksyon noong nakaraang taon na P713.522 bilyon. Wow huh! Wala bang pa pansit diyan?
Kung inyo pong matatandaan nitong Oktubre 18, 2023, lalo pang pinalakas ng BOC ang mga pagsisikap nito sa trade facilitation sa pamamagitan ng paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang PHLPOST.
Ito’y sa paglalayong pabilisin ang mga clearances, pahusayin ang mga kontrol sa seguridad, at pasimplehin ang mga pamamaraan sa customs.
“Our relentless drive against smuggling and the implementation of trade efficiency measures significantly contributed to the increase in revenue collection. We are doubling our efforts to provide financial resources to support the government’s programs and projects,” ani Commissioner Bienvenido Y. Rubio.
Sa ngayon lalong pinapalakas ng BOC ang kanilang digitalization, sa pamamagitan ng pagbuo ng mga bagong sistema at modernong pasilidad upang higit pang i-streamline ang mga pamamaraan at bawasan ang mga oras ng pagproseso sa mga transaksyon sa pag-import at pag-export. Mabuhay po kayo and keep up the good work!
***
BSKE NAGING MATAGUMPAY
MARAMI ang nagulat sa nakaraang Barangay and SK Eleksyon, dahil sa mga pagbabagong ginawa ni Comelec Commissioner Garcia.
Katulad na lamang ng mga jingle, t-shirts, at kung ano-anu pang mga campaign materials na dagdag gastos sa mga tumatakbo.
Ngunit napagtanto rin ng mga tumakbo, na bihasa at dalubhasang election lawyer si Chairman Atty. Garcia, kung kaya’t mas marami ang sumang ayon sa kanyang mga ginawang pagbabago.
Kaya naman sumasaludo po tayo sa pamunuan ng COMELEC, lalo na sa Lungsod ng Pasay, dahil matiwasay at payapa ang nangyaring election sa Barangay.
Sabihan natin na meron mga minor na problema, natural lamang po yan, sapagkat wala namang perpekto dito sa mundo.
Samantala, nais ko po itong kunin na pagkakataon para magpasalamat sa mga taong nagtiwala at sumuporta sa inyong Abang Lingkod.
Hindi man tayo pinalad, masaya po tayo sa naging resulta at nakita ko po ang mga taong nagmamahal sa akin, at muntikan na tayong makapasok. Sa susunod na lang….
***
FEEDING PROGRAM, PA SOPAS, AT PA BIRTHDAY
MGA Igan, hindi man tayo pinalad sa nakaraang halalan, tuloy pa rin po ang ating programa na feeding program, pa sopas sa mga namatayan, at pa birthday sa mga ka barangay natin.
Nais ko din po dagdagan ang aking programa, sa Barangay, katulad na lamang ng medical and dental mission, kaagapay ang aking mga kaibigan mula sa WASALAK at TAU GAMMA.
Ika nga nila, ang paglilingkod, magagawa natin, wala man tayo sa posisyon, sapagkat ito ang nasa puso ko ang maglingkod sa aking mga ka barangay.
Sa mga kaibigan, kapuso, at kapamilya ko, hinihingi ko po ang inyong suporta at tiwala sa mga nahalal, sapagkat ito ang ginusto ng Dios.
Tanggapin natin anuman ang naging resulta, dahil may plano ang Dios sa atin. Again, congratulations sa mga nagwagi. Nawa’y paglingkuran niyo mga kabarangay natin na may puso, kasama ang Dios. Mabuhay and God bless us, all!