MADAMI ang natuwa sa Bureau of Customs, lalo na ang mga kapatid nating mga MUSLIM, sa pagkakatapon ng isang kawani ng Public Information Administration Division. Sino siya? Hulaan niyo!
Hindi lang pala ito mahilig mang bukol, pati ang kanyang junior pinabubukol, kung kaya’t nagawang manghipo ng isang kawani ng BOC. Uy ambot!
Yung kanyang pahimas-himas kuno sa mga kababaihan na pakiwari niyo ay pabiro niya lamang. May kasama na pala itong pagnanasa? Hala ka!
Sino kaya ito? May idea ba kayo? May katotohanan ba ito? Sabagay hindi naman lumalabas ang usok kapag walang sunog! Alam niyo na? Uy ambot sa kambing na may bangs!
Haitz! Ito ba yung sinasabi nilang, bagyo na kung umasta. Yolanda ang hangin sa katawan. At higit po sa lahat magaling daw bumulong. Giba ka talaga kapag, magsulsol ito. Anila….
Teka, marami po tayong mga kapatid sa pamamahayag, ang nagdidiwang, nang malaman nila na itinapon ito. May ganun!
Paano, mahilig daw itong mangbukol. Hindi lang pala junior ang pinabubukol. Nambubukol din pala ito. As in KOLEKTOR cum BUKOL. Aguy….
Alam niyo na kung sino ang tinutukoy ko? Isang mangingiyot este maniniyot. May magarang kotse, at sariling driver. Saan ka pa niyan?
Samantala, sa ating kapatid na MUSLIM, kung hindi niyo po maidedemanda si MANINIYOT, ipagdasal na lang po natin, para maibsan ang kanyang pagiging mahilig. Haitz! Gamitin mo na lang si MARIA, de roskas pa… Uy ambot!
Kaibigan, payo lang. Pahinga ka Muna diyan sa NORTE, magpalamig ka. Baka hindi palampasin ng ating mga kapatid ang ginawa mo.
***
4Ps PARTYLIST BOSES NG MASA
ISANG HUWARAN ng mga kapwa mababatas si Minority Leader 4Ps Partylist Cong. Nonoy Libanan, dahil sa ipinakikita nitong angking talino at kakayahan. Sabagay, abugado ba naman. Tama po ba Ako?
Nasasala, itinatama, at dinadagdagan ni Minority Leader ang pondo ng bawat ahensya ng gobyerno, sa isinasagawang budget hearing.
Ang labis ko na ikinakatuwa, ang hindi niya pagpapabaya sa ating Lupang Sinilangan. Ang Samar, kung saan kanyang binigyang diin ang pagbibigay ng pondo sa MATNOG-ALLEN BRIDGE.
Hinimok din ni Cong. Nonoy Libanan, ang DPWH sa pangunguna ni Sec. Bonoan na dagdagan ng pondo ang rehabilitation ng Maharlika Highway.
Humingi din ng karagdagang pondo si Cong. Nonoy kay Sec. Bautista, ng Department of Transportation para sa Borongan Airport.
Kaya naman, saludo po tayo. Dahil siya lang ang naging Congressman ng Samar ang hindi member ng SILENT COMMITTEE. Ibig sabihin may boses po talaga tayo sa Konggreso sa pamamahitan ni Cong. Nonoy Libanan.
Samantala, nais ko pong papurihan si Cong. Nonoy Libanan, sa pagbibigay niya ng pondo sa Can-avid Municipal Building, at gayundin sa Taft.
Hindi lamang kalsada, eskwelahan, buildings, at airport ng Samar ang kanyang prayoridad kundi kalidad din ng edukasyon.
Isang patunay ang legasiya niya nang maging State University ang Eastern Samar College of Agriculture, kung saan ipinagmamalaki ito ngayon ng Samar, dahil mga board passers ang mga nag aaral rito. Muli saludo po ako saiyo Cong. Nonoy.
Spread the news