NAGKAROON po tayo ng pagkakataon na makasalamuha ang ilang mga taga Brgy. Don Bosco, Paranaque City, at napag usapan namin ang nalalapit na halalang Pambarangay.
Hindi na po ako nagtataka, kung bakit si Kap. Chona Navarro, at maging ang buong TEAM NAVARRO panrin, ang isinisigaw ng mga taga Brgy. Don Bosco.
Champion ba naman si Kap. Chonna Navarro sa usaping serbisyo, ka-agapay ang kanyang mga kagawad, lalo na si Boss Mark Navarro, na halos walang pahinga, para lang maihatid ang SERBISYONG NAVARRO.
Opo, tumatak talaga ang SERBISYONG NAVARRO, lalo na sa panahon ng pandemya sapagkat hindi ito nagpabaya, sa usaping AYUDA. Tama po ba ako Treas. Mintch?
Gayundin sa mga nasusunogan, aksyon agad si Kap. Chona Navarro, kung saan binibigyan ito ng ayudang pinansyal, at mga kagamitan para sa kanilang panimula habang inaayos pa ang kanilang bawat tahanan.
Sa usaping medikal naman, at nutrisyon may programa si Kap. Chona, kung saan binigyan niya ito ng prayoridad, lalo na at dumaan tayo sa pandemya na sinubok ang ating kakayanan sa usaping medikal.
kung pananalapi naman ang pag-uusapan, higit na hinangaan dito si Kap. Chona, sapagkat maayos na naiimplementa ang mga proyekto sa buong barangay mula sa pondo.
Higit sa lahat, ang barangay Don Bosco, sa lahat ng barangay ang pang world class ang Barangay Hall, kung saan hinangaan ito ng mga Senador, katulad nina Sen. Bong Go, at Sen. Pimentel. Kaya ba nila yun?
Samantala, suportado pa rin ng iba’t ibang asosasyon ng Brgy. Don Bosco at Homeowners Associations si Kap. Chona, dahil ramdam nila ang totoong serbisyo na walang pagbabago simula noon magpahanggang ngayon. Kaya Kap. Chona Navarro pa rin!
***
SINO SI KGWD. MARK SHERWIN NAVARRO?
MARAMI ang nagtatanong, kung sino daw po si Mark Sherwin S. Navarro, sapagkat nakikita nilang napakasipag, at halos ilaan ang lahat ng oras sa Barangay, para makapag serbisyo sa mamamayan.
Si Kagawad Mark Navarro, ay isang appointed kagawad, taong 2021, naatasan ng iba’t ibang tungkulin sa Health and Nutrition, Risk and Disaster, Peace and Order, at sa Traffic na kanya namang maayos na nagampanan.
Ani ng mga taga Barangay Don Bosco, safe sila sapagkat halos mapuno ng CCTV ang Buong Dona Soledad, at iba pang lokasyon ng barangay. Ito’y dahil sa inisyatibo ni Kag. Mark.
Naging aktibo din ito sa usaping Nutrisyon, at sa kauna-unahang pagkakataon ay kinilala ang Barangay Don Bosco sa kagawaran ng pangkalusugan.
Sa panunungkulan din po ni Kagawad Mark Navarro, naging kumpleto ang kagamitang pangkaligtasan, nagbigay ng mga solar lights sa iba’t ibang asosasyon at homeowners’s Association, para lumiwanag ang madidilim na lugar. Di ba Tita Julie?
Para naman mabawasan ang trapik sa kahabaan ng Dona Soledad at Better living, nagdagdag ng mga traffic enforcers si Kagawad Mark at nag-donate pa ng mga motorcycle unit, para magamit ng roving team.
Higit sa lahat, maayos na pakikipag ugnayan niya sa Paranaque Traffic at Skyway, upang masulosyunan ang araw-araw na daloy trapiko ng Brgy. Don Bosco.
Yan mga kabarangay, ilan lamang yan sa donasyon, at programa na isinakatuparan ni Kagawad Mark Navarro. Ano pa ang hinihintay niyo, samahan natin siya sa kanyang mabuting adhikain. Mabuhay and God bless us, all!
Spread the news