PATULOY ang nagaganap na balasahan sa buong Bureau of Customs, mula sa deputy collectors, division chief, section chief, principal appraisers, at examiners.
Na-alala ko tuloy ang katagang “There is nothing permanent except change,” kaya naman, marapat lang na maging handa tayo, at ipakita ang inyong natatanging pagganap.
Marami ang natuwa at medyo nasaling ang damdamin sa ginagawa ni Comm. Rubio. Anila, makatarungan ba ang rigodon? Well, hindi nagkakamali si Comm. Rubio.
Lahat ng hakbang ni Comm. Rubio, ay na-ayon sa batas, at saklaw sa kanilang mga plantilla. Kaya naman, huwag nang mag inarte at sumunod na lang sa nakakataas.
Tandaan niyo. Ani dating presidente Erap. Weather, weather lang yan. Ang importante, hindi kayo naka floating, at nasa kahon ng Customs Monitoring Unit? Tama po ba mga Igan?
Ang abangan niyo na lang mga Igan, ang rigodon de pataranta na magaganap sa mga District Collectors. Masuwerte ang magagawi sa mga billionaires port. Tuloy ang hanap buhay. Joke!
Subalit, very challenging ang pagtatalaga ng mga District Collectors, alam niyo naman kapag may koneksyon, mahirap galawin. Baka, ikaw ang masibak. Alam niyo na? Hahaha
Anyway, naniniwala at malaking tiwala natin kay Comm. Rubio. Nais niya lamang paigtingin at palakasin ang laban kontra ismagling at lalong pata-asin ang revenue collection target ng nasabing ahensya. Good luck and mabuhay sa lahat!
Parting shot: Congratulations sa ating kaibigan na examiner at promoted bilang COO V, Maam Athena ng MICP Section 1A. Deserving po talaga si Maam Athena sa kanyang nakamit na tagumpay. Hindi maglalaon, magiging ATTY din ito. Tama po ba ako Boss Charlon?
***
BOC NANGUNA SA INTER-AGENCY INTELLIGENCE SUMMIT
Para sugpuin ang smuggling sa bansa, pinangunahan ng Bureau of Customs ang isinagawang Inter-Agency Intelligence Summit, ito’y tugon na rin sa diriktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pigilan ang lahat ng uri ng smuggling.
Layunin din ng nasabing Summit, na palakasin ang kooperasyon ng mga National Law Enforcement Agencies at pagtibayin ang mga border protection measures laban sa smuggling.
Dumalo ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya, kabilang na ang National Security Council, National Intelligence Coordinating Agency, at Philippine Drug Enforcement Agency.
Napag-alaman natin na sumentro ang talakayan sa intelligence gathering, processing, at sharing para kontrahin ang paglaganap ng illegal na droga, at mga hamon ng agricultural smuggling sa teritoryo ng Pilipinas.
Ibinahagi rin ng mga delegado sa naturang pagtitipon ang kani-kanilang best practices at expertise na nagpapakilala sa mga innovations at initiatives pagdating sa mga intelligence operation at pagpapatupad ng batas sa bawat ahensya.
Samantala, kung pagpapatupad at intelligence operation ang pag-uusapan, hindi talaga pahuhuli ang BOC lalo na at andyan si Deputy Commissioner for Intelligence Juvymax Uy, at katuwang niya si Customs Intelligence and Investigation Service Director Verne Enciso.
Sa katunayan, hindi matawaran ang accomplishment nina Dep. Comm. Juvymax at Dir. Enciso, kung kaya’t binabalaan natin ang mga ismagler na umiwas na sa mga kontrabando, sapagkat tiyak na sablay ang inyong operasyon.
Bukod sa daang milyones ang lugi niyo mga Igan, makakasuhan pa kayo sa DOJ. Tama po ba ako mga taga BATAS? Umayos kayo….
***
Parting shot: Congratulations po sa ating kaibigan na si NBI Director IV Noel Cruz Bocaling, from Assistant Regional Director. Iba talaga kapag performance level. Mabilis ang promosyon. Well, deserving po talaga si Boss Noel, kaya huwag konkontra. Magsikap na lang din kayo. Ang inggit talo…Uy ambot…
Spread the news