MARUBDOB ang kampanya ng Bureau of Customs Intelligence Group sa pagmamaneho ni Deputy Commissioner Gen. Juvymax Uy, kung kaya’t walang lusot ang oil smuggling under his watch.
Sa katunayan po, batay sa report ng Bureau of Customs. “ on 2023, the BOC was apprehended 740 milyon of smuggled fuel, comparing to previous years, 2022 160 milyon, and for 2021, 6 milyon,”
“We could say that Bureau of Customs, is doing its efforts curtailing this modus operandi, with the help of Philippine Coast Guard, Philippine Navy and other government agencies.” mariing pahayag ni Customs Intelligence and Investigation Service Dir. Verne Enciso.
Patunay lamang nito na hindi natutulog sa pansitan ang mga kawani ng Bureau of Customs, partikular na ang IG/CIIS na pinangungunahan ni Dep. Comm. Juvymax Uy.
At kung inyong susumahin, sunod-sunod po ang huli ng mga Smuggled Oil, katulad na lamang sa Port of Limay, may 40,000 liters  na may estimated value of 2.4 milyon.
Sa Port of Zamboanga naman, habang nagdidiskarga sila ng fuel, ay hinuli ito at hinanapan ng kaukulang dokumento, ngunit wala itong maipakita dahilan ng kanilang pagkakahuli.
Kaya naman nais po nating papurihan ang BOC lalo na ang Intelligence Group sa pagmamaneho ni Dep. Comm. Juvymax Uy, dahil walang lusot ang mga kontrabado sa BOC.
Samantala, ang  BOC ay nakakumpisa ng 42 bilyon smuggled goods as of early November, at ito’y ipinahayag sa forum ng European Chamber of Commerce. Mabuhay po kayo and God bless us, always!
***
COO V ATHENA’S CHARM AT BOC
IBA talaga ang karisma ni COO V Maam Athena Lajom, ng Section 1A ng Manila International Container Port, Bureau of Customs, dahil pranka, at malinis magtrabaho sa kanyang tungkulin. ito’y pahayag ng mga brokers at importers. Walang kokontra!
Sa ating ginawang pananaliksik at panayam sa mga importers sa Section 1A, wala naman daw po silang problema parte sa kanilang mga importation, lalo na at si Maam Athena daw ang kanilang kausap.
Natural lamang na medyo napagsasabihan sila sa kanilang mga dokumento, para naman iyon sa manilinis na importasyon, at pagbabayad ng tamang buwis.
Nangangahulogan lamang ito na may symbiotic relations between Maam Athena and brokers/importers, dahil wala namang modus na nangyayari.
Siya nga pala, nais nating papurihan si Maam Athena, dahil kailan lamang po ay na promote itong COO V. Naku po! Kapag maging ganap itong abugada, marani pa itong matutulongan at tiyak malayo ang mararating nito.
Sa mga inggit kay Maam Athena, dumiskarte na lang kayo, at mag trabaho ng maayos para magkaroon din kayo ng magandang bukas. Tama po ba ako Ate Evelyn? Mabuhay po and God bless us, all!
***
E-TRAVEL NG BOC INILUNSAD
INILUNSAD ng Bureau of Customs ang e-travel sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 na layong pasemplehin ang proseso ng mga pasahero sa paliparan.
Katuwang nito mga Igan ang makabagong sistema ng BOC ang Immigration, Banko Sentral, Anti-Money Laundering Council at Department of Information and Technology.
Ang pagsasama ng Electronic Baggage Declaration form at Electronic Currencies Form sa E-Travel system ng BI ay kumakatawan sa isang mahalagang hakbang sa pag digitize ng mga proseso ng pangongolekta ng data para sa mga manlalakbay.
At ito pa mga Igan ang maganda, nilalayon ng collaborative na inisyatiba na ito ang i optimize ang kontrol sa hangganan.
At paghusayin ang pagsubaybay sa kalusugan, at pangasiwaan ang pagsusuri ng economic data analysis. Mabuhay and congratulations sa BOC.
Spread the news