MARAMI ang natuwa, nang mahirang bilang Customs Commissioner si Dir. Bien Rubio, anila organic o taga loob, alam nito ang kanyang gagawin at kung papa-ano igigiya ang BOC. Tama po ba ako Chief of Staff Atty. Yas? Kaya naman nagkaroon ng balasahan, upang maiwasto, at mabigyan ng break ang may alam, lalo na at ang Aduana ay binigyan ng mataas na revenue collection target. Sa isang panayam, kay Lady Dragon anya mahusay ang ginawang Customs Personnel Order o CPO ni Comm. Bien, sapagkat puro competent ang binigyan ng puwesto. Lalo na ang pagpapalit ni Deputy Commissioner for Revenue Collection Monitoring Group Atty. Vener, patungong Assessment and Operations Coordination Group, at Deputy Commissioner for AOCG Atty. Dybuco, sa RCMG, na sadyang may alam sa naturang opisina. Si Dep. Comm. Atty. Vener, na sinasaludohan ni Lady Dragon, sa talino, at angking galing, na tiyak magiging ka-agapay ng Kumisyuner sa isang mabuting pamamahala. Kaya naman, nakakatiyak tayo na nasa mabuting kamay ang BOC, sapagkat karapat-dapat ang mga naipupuwesto, katulad na lamang ng pagbabalik ni Assistant Commissioner for Post Clearance Audit Group Atty. Maronilla, bilang spokesperson na may malawak na ka-alaman sa BOC. Mabuhay po kayo Comm. Bien, nawa’y makuha mo rin ang loob ng mga brokers, importers, at lahat ng kawani ng BOC, para sa isang progresibong pamamahala. * DIR. TIBAYAN SA ESS Tama lang ang pagkakatalaga ni Special Police Chief Col. Isabelo A. Tibayan III bilang Acting Director ng Enforcement and Security Service. Oh, di ba mga kabayan? Unang-una alam niya ang kanyang ginagawa, dahil well expeienced na ito sa Bureau of Customs, at alam niya rin ang kanyang tungkulin sa ESS. Sa pahayag pa ng isang abugado ng Bureau of Customs, si ESS Dir. Tibayan, ang pinaka SENIOR sa ESS, kaya naman, walang kokontra. Sumunod na lang kayo para sa ikabubuti ng ESS. Tama po ba ako mga Idol? Yes, sinang ayunan din ito ng lahat ng mga District Commander, kaya naman siguradong maganda ang working relations ng kapulisan sa BOC. * DIR. VERNE ENCISO SA CIIS Marami ang sumang-ayon sa pagkakatalaga ni Dir. Verne Enciso, sa Customs Intelligence and Investigation Service. Tama po ba ako former CIIS Dir. Tacio? Opo mga igan, mismong si Dir. Tacio, ang nagsabi na, very qualified si Dir. Verne sa CIIS, kaya naman hinihingi niya na suportahan si Dir. Enciso sa kanyang challenging and stressfull position. May ganun! Dagdag pa ni Dir. Tacio na maraming accomplishment si Dir. Enciso na hindi matawaran, na sinang ayunan naman ni Coll. Mimel Talusan ng Port of NAIA. Katunayan nito ang maraming huling droga, endangered species, at marami pang kontrabando ang hindi nakakalusot kay Dir. Tacio nang siya pa ang Hepe ng CIIS-NAIA. Mabuhay po kayo and God bless us, always! * BOC REVENUE COLLECTION TARGET, NAHIGITAN NALAGPASAN ng Bureau of Customs ang revenue collection sa buwan ng Pebrero, saad ni BOC Comm. Bien Rubio, kung saan P63.015 bilyong buwis ang nakolekta nakaraang buwan. Sa katunayan mga Igan, lagpas ito sa target na P61.827 bilyon, lumalabas na sa Pebrero mas mataas ito ng P3.583 bilyon ang nakolekta kumpara sa nakaraang Pebrero 2022 na pumalo lamang ng P59.433 bilyon. Tinatayang nasa P133.380 bilyon na ang nakolekta ng BOC sa unang dalawang buwan ng taon. “For this to be possible, we will also prioritize fostering a healthier trade environment through enhanced and modernized mechanisms for efficient trade facilitation and improved Customs operations for all our stakeholders,” saad ni Comm. Rubio Congratulations Comm. Bien Rubio, nawa’y ipagpatuloy niyo lang po ang magandang programa at reporma sa BOC, tungo sa maunlad na pamamahala, lalo na at suportada ka ng Department of Finance Sec. Diokno at maging ni PBBM. Mabuhay and may God bless you, always!
Spread the news