MARAMI ang nagdiwang sa pagkakatalaga kay Bureau of Customs for Revenue Collection and Monitoring Group Atty. Clarence Dizon, sapagkat may mataas na kaisipan ito, at walang bahid anomalya.
Iyan po ang tinuran ng mga kawani ng BOC, kung kaya’t marapat lamang natin itong papurihan, dahil tanggap siya at nararapat talaga sa nasabing posisyon.
Sino po ba si Atty. Clarence Sayas Dizon, kung hindi po tayo nagkakamali, naging Chief of Staff ito ni Dep. Comm. For AOCG Atty. Vener Baquiran, at naging Director ng Port of Operations, under AOCG.
Matagal ko na po siyang kilala bilang kawani ng BOC, simple, at matalinong abogada. Higit sa lahat rose from the ranks.
Na promote dahil sa kanyang angking kakayahan. Hanggang sa matalaga ni Pangulong Bongbong Marcos nito lamang January 22, 2024, bilang Dep. Comm., for RCMG.
Nakasalubong ko po si Dep. Comm. Atty. Clarence sa Office of the Commissioner, lahat kaming mga naroon, maging ang mga security guard nagsabing ANG GANDA NI DEP. COMM. ATTY. CLARENCE.
HIgit po siyang gumanda sa aking paningin, sapagkat magiliw itong kausap. Napaka down to earth na nilalang. Kaya masasabi nating masuwerte ang BOC at may ganitong kawani.
Masasabi din po natin na malaking pagbabago sa BOC na magkaroon ng katulad ni Atty. Clarence na may mataas na kaisipan at kakayahan na kailangan sa BOC.
Madam Dep. Comm. for RCMG Atty. Clarence Dizon, congratulations po! Karapat-dapat po kayo sa posisyon at nakahanda po ang inyong abang lingkod na suportahan po kayo. God bless you po, always!
***
SNAPPY SALUTE KAY DEP. COMM. FOR IG GEN. UY
WALA na po ako masabi sa Customs Intelligence and Investigation Service under ni Dep. Comm., for Intelligence Group Gen. Juvymax Uy, CIIS Director Verne Enciso and MICP CIIS Head IO III Alvin Enciso, sa kanilang mga accomplishment, kundi pagsaludo, at pagbati.
Opo mga Igan, dahil nakasamsam po sila ng 10.5 milyong halaga ng ismagel na gasolina sa isang compound ng lalawigan ng Bataan.
Sa ulat po ng Bureau of Customs, dahil sa pinagsanib pwersa ng CIIS-Manila International Container Port, ESS, at NBI-AOTCD, nasabat po ang kontrabandong gasolina ng V Fuel Gasoline Station, at Compund sa Roman Super Highway, Barangay Matabang sa bayan ng Abucay noong Enero 30.
Sa pahayag ni BOC CIIS Director Verne Enciso na nadiskubre nila ang nabanggit na kontrabando, makaraan na magsagawa sila ng inspeksyon sa 2,587 liters ng diesel fuel, 3,134 liters ng unleaded gasoline, at 5,342 liters ng premium gasoline.
Dagdag pa ni Director Enciso, pumasok sila sa compound kung saan natagpuan nila ang 3100 litro ng mga unmarked fuels na naka imbak sa apat na tangke ng Intermediate Bulk Container o IBC.
Makaraang isailalim ito sa fuel mark test na isinagawa ng SGS Mobile Laboratory-Limay at ng ESS Fuel Marking Team, ang mga krudong nabigo sa resulta ay dinala sa SGS Subic para sa confirmatory testing.
Subalit mga Igan, yung mga pumasa sa SGS Laboratory marking test ay kinakailangan pa rin na magpakita ng proof of payment, katibayang bayad ito sa duties and taxes, kung hindi haharap ito sa samut saring kaso sa paglabag sa Sections 1401 at 1430 ng Customs Modernization Tariff Act.
Paalala ng mga opisyal sumunod na lang kayo sa batas at umiwas na mag ismagel para walang problemang kakaharapin. Again congratulations po sa men and women ng IG, CIIS at ESS sa inyong accomplishment.
***
Parting Shot: Nais ko pong anyayahan ang mga kaibigan natin sa Bureau of Customs na manood at makinig sa programang ANABO’S OPINION, sapagkat marami po tayong mga expose.
Ang aking programa po ay mapapakinggan at mapapanood sa FB Page na Peoples Brigada News Manila, tuwing 10 am hanggang 11 am, araw araw po ito.
Kung meron po kayong komento, reaksyon, at konklusyon sa aking pagpapahayag. Bukas po ang aking pitak sa mga pahayagan at sa aking programa.
Spread the news