MARAMI ang natuwa sa nangyaring reshuffle sa National Bureau of Investigation na pinamumunuan ni Retired Judge Director Atty. Jaimie Santiago, kung saan pinalitan ang ilang pinuno ng mga departamento ng ahensya.
Isinagawa ni NBI Dir. Santiago ang balasahan, pagkatapos ng isang buwan na pagkakatalaga sa kanya ni Pangulong Bongbong Marcos. Saludo po tayo diyan Director.
Ang kapuri-pui na ginawa ni Dir. Santiago, nang ibalik niya si Dep. Director for Operations Atty. Antonio Pagatpat, buhay na naman ang BUREAU, panigurado ako. Dahil aksyon man si Dep. Pagatpat.
Sa text message ni Dep. Atty. Pagatpat, sinabi nitong SUPORTADO KO SI DIRECTOR, sa lahat ng kanyang magandang ginagawa sa BUREAU. Yan ang magandang sundalo! Marunong sumunod.
Mabuhay po kayo Dir. Santiago, hindi po kayo nagkamali sa pagpili kay Dep. Dir. Atty. Pagatpat bilang Deputy Director for Operations. Maganda ang track record at may mataas na kaisipan sa larangan ng operations.
Samantala, napunta naman si Dep. Jose Yap naman ay pumalit bilang Deputy Director for Administrations, na nagpalit lang sila ni Dep. Atty. Pagatpat.
Si Atty. Angelito Magno naman na head ng Information and Communication Technology Service, ICTS ay na appoint naman bilang deputy director for Investigative Service.
Ang COS ni Dir. Santiago naman na si Joel Tovera will serve as Officer in Charge of the Assistant Directors for Legal Service. Mabuhay po kayo and good luck sa inyong mga assignment!
***
ISANG PAGSALUDO KAY CG CDR ANTHONY CUEVAS
TAHIMIK at pulido ang tanggapan ng Philippine Coast Guard, kung mag trabaho, kaya naman wala tayong marinig na anomalya o kurapsyon sa ahensyang ito.
Kaya naman, natuwa ako nang ang isa kong kaibigan ay ayain ako para mag interview hinggil sa isang problema ng kanyang pamangkin na candidate sana para magtapos bilang trainee sa PCG.
Nagalak po tayo, sapagkat na estima tayo ng maayos ng mga opisyal, lalo na ni CG DCR Anthony Cuevas, napaka professional kung makipag usap, kita mo naman sa kanyang mga kilos, at higit sa lahat ramdam mo ang respeto ng isang tunay na lalaki.
Kaya naman, saludo po ako saiyo Sir Cuevas, napag-alaman ko ang inyong integridad at kridibilidad ay walang mantsa. Nawa’y gawin kang ehemplo ng mga susunod pang henerasyon.
Mabuhay po kayo Admiral Ronnie Gil Latorilla Gavan, dahil meron po kayong mga ka-agapay sa ahensya na hindi matawaran ang antas ng ka-isipan at reputasyon, katulad ni CG CDR Anthony C. Cuevas. Congratulations!
***
PCG WELCOMED THE US CONGRESSIONAL DELEGATIONS
Malugod na tinanggap ng Philippine Coast Guard ang US Congressional Delegations na pinangunahan ni Congressman Michael Mccaul, sa National Headquarters, Port Area Manila, nitong August 9, 2024.
Ang nasabing pagbisita ay ang pagpapalakas ng alyansa sa pagitan ng PH-US at palawakin ang kooperasyon ng PCG at nang US, gayundin para sa magandang koordinasyon at collaboration.
Sa nasabing pagpupulong, napag-usapan ang siywasyon sa West Philippine Sea, kasunod nito kung paano makakatulong ang US at suporta na kailangan ng bansa.
Ibinahagi naman ni Commandant CG Admiral Ronnie Gil L. Gavan, ang kahalagahan ng “provision of USD 500 million FMF supplemental budget from the US to enhance the PCG capabilities as one of the recipient.”
The possible acquisition of BELL 412 helicopters, Reliance Class vessels, and the acquisition of underwater surveillance drones was tackeld.”
Dagdag pa ni CG Admiral Gavan, “that the PCG will remain brand-agnostic, focusing on çapability and interoperability first and foremost.”
Samantala, si Rep. Michael McCaul, ang tumatayong Chairperson ng House Committee on Foreign Affairs and Chairman Emeritus ng House Committee on Homeland Security.
Spread the news