MAGANDA ang pagtatapos ng 2023 ng Bureau of Customs, kung saan na reach nila ang bilyong target, ka-agapay ang BOC Intelligence Group sa pamumuno ni Dep. Comm. Gen. Juvymax Uy. Tama po ba Dir. Verne Enciso?
Naging epektibo ang 5 point priority programs ni Comm. Bien Rubio, na Digitalization of Customs Processes, Hit and Surpass the target, Simplify procedures, facilitate secured trade, curb smuggling in all forms, at uplift employee welfare, and development.
Sa darating na 122 Years Anniversary ng Bureau of Customs sa February, sakto naman na mag iisang taon na si Comm Bien Rubio, sa pamumuno ng BOC. Congratulations! Tuloy-tuloy na yan.
Katulad rin ni Comm. Bien Rubio, si Dep. Comm. Gen. Juvymax Uy, ay may programa para sugpuin ang smuggling at tulongan ang BOC na maka reach ng target.
Nang maupo si Pangulong Bongbong Marcos, kaagad naitalaga si Dep. Comm. Uy, para pangunahan ang BOC for Intelligence Group, at nakita naman natin ang kanyang performance.
Mula sa grupo ng mga sundalo, desiplinado, may kakayahan sa paniniktik, at sestimatiko sa pamamahala, kung kaya’t walang bulilyaso sa kanyang hanay. Tama po ba ako CIIS IO 3 Alvin Enciso?
May kanya-kanyang taglay na kakayahan ang mga taong nakapaligid kay BOC Comm. Bien Rubio, katulad ni Dep. Comm., for AOCG Atty. Vener Baquiran, sa Assessment naman ito.
Dep. Comm. For RCMG Atty. Dybuco, sa Revenue Monitoring, Dep. Comm. For EG Atty. Raval, sa boarder protection, AssComm. For PCAG Atty. Maronilla, Dep. Comm. for MISTG Atty. Kriden Balgomera at Dep. Comm. Mike Fermin naman sa Administration.
Saludo po tayo sa mga Dep. Comm ng BOC, dahil performing naman ang mga ito. Katulad na lamang ni Dep. Comm. Fermin, na naisa ayos ang mga kawani ng BOC.
Kung sino mga deserving sa posisyon ay talaga naman naitalaga sa tamang puwesto. At na promote ang dapat maka akyat sa bagong bahagdan. Tama po ba ako mga Igan?
Kaya naman, kahit isang trilyon ang TARGET ng BOC, tiyak po tayo mare reach nila, sapagkat mataas ang antas ng kaisipan ng mga Dep. Comm natin. Tama po ba ako Atty. JC, my idol!
Sa madalit salita mga Igan! Nasa tamang direksyon ang BOC sapagkat nasa mabuti itong kamay, lalo na at andyan si BOC Comm. Rubio at mga Dep. Comms. Mabuhay and God bless us, always!
***
EXPOSE SA RPN RADIO
LAUNCHING po natin ng ating progaramang EXPOSE NI KA BERNIE sa Rektang Puna Network ni Ka Roger, nitong Sabado, kung saan magtatalakay tayo ng mahahalagang balita sa gobyerno.
Nariyan na ang expose ng magandang balita, at mga pahapyaw sa mga abusado sa gobyerno. Pwede din po natin tumbukin, kapag may sapat na tayong basehan sa ating mga EXPOSE.
Katulad na lamang sa mga nangyari sa BPLO Caloocan, kung saan nagsagawa pa po tayo ng imbestigasyon sa mga taong involved kuno sa isang anomalya.
Nakakalungkot lang po ang mga SG at kapulisan ng Caloocan City ay nagpapagamit sa ilang mga opisyal na may itinatagong karumaldumal sa gobyerno.
Mga Igan, wag niyo naman sikilin ang malayang pamamahayag. Biruin mo, pati taga hatid ng dyaryo namin na hold niyo at nagbanta pa kayong ipapakulong.
Naku po! Illegal detention yan mga Igan. Walang pyansa. Paalala lang po. Sige ka, baka mag himas kayo ng bakal. Ewan ko na lang at malasap niyo ang romansa ng BJMP.
Caloocan BPLO Chief Atty. Diaz, bukas po ang aking pitak at ang aking pahayagang sinusulatan, para sa iyong panig. Muli po akong pumunta sa inyong tanggapan, para kunin ang side niyo ngunit may HARANG. Hay naku!
***
Parting shot: Salamat po sa mga nag sponsosor sa aking RADIO PROGRAM, website, at dyaryo ko. Umasa po kayo ng magseserbisyo po tayo ayon sa inyong adbokasiya.  God bless us, all!
Spread the news