MAY mga pagsubok tayong pinagdadaanan, minsan biglaan, na talaga namang hindi natin mawari kung bakit tayo ang dumadanas ng ganitong uri. Hindi kaya karma na ito?
Baka naman, sinusubok tayo ng panahon, at nang May Likha, para lalong patatagin, at sinusukat din kung hanggang saan tayo sumasampalataya sa kanya.
Ngunit, gumagawa din ang Panginoong Dios nang paraan, at may nilalang na ginagawang kasangkapan, para tayo ay matulongan. Tama po ba ako COS Atty. JC?
Kaya naman, nais ko pong kunin ang pagkakataong ito, at ang puwang ng pitak ko para pasalamatan ang mga taong tumulong sa akin at sa buong pamilya ANABO.
Taos pusong pasasalamat kay Dep. Comm. Gen. Juvymax Uy,  Dep. Comm. Atty. Vener Baquiran, at AssComm. Jet Maronilla, sa walang sawang pagsuporta sa akin.
Hindi lamang sa aking programa sa Brigada News Teleradyo, sa mga pahayagan aking sinusulatan, kundi sa buong pamilya, lalo kung sa usaping hospitalization or emergency.
Pasasalamat din sa mga Collectors ng Bureau of Customs, at syempre ang Kumisyuner ng ahensya na si Comm. Bien Rubio, na handang tumulong hindi lamang sa mga kawani ng BOC, kundi pati sa mga taong sumusuporta sa kanyang agenda sa BOC.
Sa isang Collector na ayaw magpa banggit ng pangalan, kahit sinubok ang aming pagkakaibigan, at nalihis ang aking landas, kahit napaka laki ng kasalanan ko, sinuklian pa rin ako ng kabutihan.
Kukunin ko din po itong pagkakataon, para humingi ng tawad. Collector, kung ano man po nagawa ko, mula sa kaibutoran ng puso ko, ang aking paghingi ng paumanhin.
Nakahanda po ako, upang paglingkuran ka, at babawi din po ako sa iyong ginintoang puso, na kahit na nasaling ko ang iyong pagkato. Nariyan pa rin kayo para ako ay tulongan. Dios mabalos!
***
Dapat bigyang pagkilala….
DEP. COMM. UY,  DIR. VERNE AT CIIS FO IO III ENCISO, STRIKES AGAIN!
Bilib din ako sa samahan nina Dep. Comm. Juvymax Uy, CIIS Dir. Verne Enciso, at MICP CIIS FO III Alvin Enciso, dahil timbog sa kanilang mga kamay ang 7.3 B fake products, sa Caloocan at Bulacan. Idol!
Salamat naman, at naiibsan na ang pagbaha sa merkado ng mga pekeng produkto. Hirap kaya mapeke! Lalo na at dugo’t pawis puhunan mo para kumita.
Isang pagsaludo sa grupo ng CIIS-MICP at ESS, sa matagumpay nilang operasyon, biruin niyo 7.3 bilyon lang naman ang nadale nila. Kaya niyo ba yan?
Dapat po magbunyi ang sambayanang Pilipino, dahil may natitira pang mga tao na seryoso sa kanilang sinumpaang tungkulin. Lalo na ang sugpuin ang ismagling. Tama po ba ako Sir Albert?
Ang nasabing pagsakote, ay lulan ng Letter of Authority nakaraang Abril 7, 2024 na nilagdaan ni BOC Commissioner Bien Rubio, at sinalakay ng mga ahente ng CIIS ang bodega.
Tumambad sa kanila ang smuggled goods, kung saan mga pekeng underwear, socks, at assorted merchandise sa Caloocan, at lalawigan ng Bulacan. Mabuhay po kayo!
Ang pagsalakay ng mga ahente ng CIIS sa pangunguna ni FO IO III Alvin Enciso, ay naging agresibo katuwang  ang PNP at lokal na opisyal ng nasabing lugar.
Sa nakuha po nating impormasyon sa CIIS, meron silang natanggap na derogatory report sa iligal na aktibidad na ito, kung kaya’t nagsagawa ng agarang pag aaral, at pagmamanman.
Dito na nadiskubre ang bulto ng smuggled at pekeng produkto, na nakitaan sa paglabag ng batas kaugnay sa Intellectual Property Rights. Naku po! Asunto ang inyong kakaharapin.
Samantala, ikinandado ang bodega para sa kaukulang pag iingat at imbentaryo, habang patuloy ang imbestigasyon. Muli, congratulations sa CIIS, lalo na kay Dir. Verne, at IO III Enciso, lalo na sa Dep. Comm. IG, Gen. Juvymax Uy!
***
Parting Shot: Pagbati ng Happy Birthday sa aking Kumpadre Ed, Ate Angel (Momay) at sa aking pamangkin na si Ate Ella. Mahabang buhay at malusog na pangangatawan ang aking hiling sa Poong May Kapal. Nawa, iligtas din kayo sa kapahamakan. God bless sa inyong lahat!
Spread the news