IKINAGALAK po natin ang pagkilala ni President Ferdinand Romualdez Marcos Jr., sa Bureau of Customs sa larangan ng koleksyon, trade facilitation, at boarder proteksyon, sa kanyang ikatlong SONA o State of the Nation Address, nito lamang July 22, 2024.
Ang Bureau of Customs ay pinangungunahan ni Commissioner Bien Rubio, at namaneho niya nang ma-ayos ang nasabing ahensya sa tulong na rin ng mga kawani at syempre ng kanyang mga Deputy Commissioners na sina AOCG Dep. Comm. Atty. Vener Baquiran, RCMG Dep. Comm. Atty. Clarence Dizon, IG Dep. Comm. Gen. Juvymax Uy, EG Dep. Comm. Atty. Teddy Raval, MISTG Dep. Comm. Mike Fermin, Assistant Comm. Atty. Jet Maronilla, at IAG Dep. Comm. Atty. Erwin Mendoza.
Kung inyo pong lilimiin ang Bureau of Customs ay pangalawa sa income generating agency ng bansa, kasunod ng Bureau of Internal Revenue, na kinilala ni PBBM ang monumental feast nito, dahil sa mabuting pagganap sa duties and responsibilities.
Ayon sa ahensya, ang patuloy na pagkakasakote ng BOC ng mga puslit na agri-fisheries products, ay nagpapatunay ng “unwavering commitment in safeguarding the nation’s borders,” sa pamamagitan ng modernized customs procedures, at stringent enforcement efforts.
Ang mga nasakoteng bigas naman ay agarang ipinamahagi ng Bureau of Customs sa mga mahihirap nating mga kababayan, sa iba’t-ibang parte ng bansa, ang ibang podukto ay sinira, at sinunog ng ahensya.
Ito ang maganda pa mga kabayan, ang mga suspek ay kinasuhan para hindi na rin pamarisan, nang iba pang mga nagbabalak ng karumaldumal sa BOC, katulad na lamang ng ismagling ng ipinagbabawal na gamot, at sigarilyo.
Pinapurihan din ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, ang implementasyon ng eTravel system, na sa pamamagitan ng Sistema “air transport and tourism have been made more convenient because of the shift to a paperless immigration and customs forms.”
Saad naman ni BOC Comm. Bien Rubio, para suportahan ang gobyerno, at mapondohan ang mga proyekto’t programa ng Administrasyon, “The BOC continues to stive for robust collection performance.” Mabuhay ang BOC at ang administrasyong Marcos!

*Parting shot: Isang taos pusong pagbati sa mga nagdiwang ng kanilang mga ka-arawan nitong buwan ng Hulyo, lalo na kay Atty. Wally Bayola, at Port of NAIA District Collector Atty. Yas Mapa, nawa bigyan pa po kayo ng malusog, at mahabang buhay. God bless sa inyong dalawa!

###

                                                    Congratulations Mayor Olivarez
INTERNATIONAL POLL, PERFORMANCE NG NCR MAYOR’S SINURI
LUBOS ang kagalakan ng mga taga Paranaque sa inilabas ng HKPH Public Opinion and Research Center, sa pakikipag tulongan sa Hong Kong-base Asia Research Center (ARC), ang detalyadong pagsusuri ng mga performance ng mga lokal na punong ehukutibo ng National Capital Region.

Saad ni Survey Director Steven Su, ang survey ay ginawa mula Hunyo 10-18, 2024, na sumusuri sa performance ng mga alcalde sa iba’t-ibang metrics, kabilang na ang kahusayan sa pamamahala, paghahatid ng serbisyong pampubliko, pagiging bukas, at transparency, at kasiyahan ng mga mamamayan.

Nanguna sa listahan sina Mayor Jeannie Sandoval ng Malabon, Mayor Joy Belmonte ng Quezon City, Mayor Eric Olivarez ng Paranaque, at Mayor John Rey Tiangco ng Navotas City, na may job performance ratings na 88.9%, 88.6%, 88.4%, at 88.2 %, ayon sa pagkakasunod.

Ang nasabing apat na Mayor’s ay nakakuha ng top-tier scores at nagbahagi ng unang ranggo dahil sa statistical tie, nasa ika 2 pwesto naman si Mayor Along Malapitan ng Caloocan City, 86.8%, habang si Mayor Wes Gatchalian ng Valenzuela Ciity ay pumangatlo na may 85.6%.

Nasa ika-apat naman sina Mayor Vico Sotto ng Pasig City, at Mayor Marcy Teodoro ng Marikina City, na may 83.1 % at 82.5%, ayon sa pagkakasunod.

Ika-5 si Mayor Abby Binay ng Makati City, 81.2%, Mayor Emi Calixto-Rubiano ng Pasay sa Ika-anim, 78.8%. Nasa ika-7 si Mayor Honey Lacuna ng Maynila, 76.5%, Mayor Ben Abalos Sr, ng Mandaluyong City ikawalo, 75.35%, Mayor Lani Cayetano ng Taguig City ika siyam, 73.7%, at Mayor Ruffy Biazon ng Muntinlupa City sa ika-10, 72.1%.

Sina Mayor Ike Ponce III ng Pateros at Imelda Aguilar ng Las Pinas City ay kapwa nasa ika 11 na may 70.4 %, ayon sa pagkakasunod. Nasa huli sa listahan si Mayor Francis Zamora ng San Juan City na may 68.6%.

Hindi nakakapagtaka kung si Mayor Eric Olivarez, ay nakakuha nang ganung puntos, sapagkat talaga namang ramdam ng mamamayan ng Paranaque ang serbisyong nararapat para sa kanila lalo na at katuwang niya si Cong. Edwin Olivarez.

Gayunman, pinupuri natin lahat ng alaklde ng Lungsod National Capital Region, dahil ginagampanan naman talaga nila ang kanilang mga trabaho, at tiyak kong hindi nila pinababayaan ang kanilang nasasakupan. Tama po ba ako mga kabayan?

Spread the news