DAPAT bigyan ng pansin ang kalidad ng edukasyon ng bansa. Ang kalidad ng edukasyon ay may mahalagang parte para hubugin ang kinabukasan ng bansa. Subalit, ang bansa ay may pinagdadaanang pagsubok.
Ang nakikita nating problema, ang kulang na pondo sa edukasyon, trained and qualified teachers, outdated curriculum, kakulangan ng pasilidad, at mababang sweldo sa mga guro, kung kaya’t ang iba sa kanila ay pinagtutuunan kung papa-ano matutugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Wala tayong dapat sisihin sa gobyerno sa mga pagkukulang na ito, bagkos magka-isa para mabigyan ng solusyon ang problema sa KALIDAD ng EDUKASYON sa bansa. Tama po ba ko? Kung hindi man, baka ma-aari magbigay kayo ng mga suhestyon.
Bakit hindi natin tingnan ang University of the Philippines, Diliman, Quezon City. Anong meron sila na pang WORLD CLASS ang kanilang kalidad ng edukasyon? Hindi nga ba at ang kanilang mga estudyante ay nai-ilalaban pa natin sa ibang eskwelahan sa isang bansa, sa pamamagitan ng tagisan ng talino?
Kapag sinabi na graduate sa UP, Summa Cum Laude, Magna Cum Laude, at Cum Laude yan! Walang duda! Pero, kapag sinabi sa ganitong eskwelahan? Favoritism yan! O baka naman barkada yan ng mga guro! May ganun!
Kaya naman nais nating batiin ng CONGRATULATIONS itong si former Bureau of Customs Deputy Commissioner Reynaldo Nicolas, graduate ng UP College of Law, at BAR Top Notcher, sapagkat ang kanyang anak na si Jet Ryan Pecson Nicolas, ay nagtapos na may karangalan na CUM LAUDE.
Opo nitong August 3, 2024 ang University of the Philippines, College of Law, ay nagkaroon ng College Recognition Rites, sa University Theater Main Stage, Villamor Hall, UP Diliman, Quezon City, kung saan masayang tinanggap ni Jet Ryan ang kanyang karangalan. At syempre kasama ang kanyang proud na proud na ama.
Ika nga nila may pinagmanahan! Pabor po tayo diyan, dahil si Dep. Comm. Nicolas, ay isa sa mga nirerespeto na abogado, at dating kawani ng Bureau of Customs, hindi lamang sa kanyang katalinohan, kundi ang kanyang magandang ugali.
Mabuhay po kayo Dep. Comm. Atty. RN and Jet Ryan, nakakatiyak kami ang iyong magandang kinabukasan, at magkakaroon ng tagapag tanggol ang mga kababayan natin na biktima ng panahon. At maparuasahan ang totoong may sala! Muli CONGRATULATIONS and GOD BLESS!
***
Sa pagkapanalo ng GOLD MEDAL sa Olympic…
ANONG REWARDS NI IDOL CARLOS YULO?
SI Carlos Yulo ang ikalawang nakakuha ng OLYMPIC GOLD MEDALIST, sa kasay-sayan ng Pilipinas, pagkatapos niyang dominahin ang men’s floor exercise event, artistic gymnastics competition sa 2024 Paris Olympics.
Sa kanyang historic win, meron mga gantimpala ang naghihintay sa kanya sa bansa bilang pinaka bagong Olympic Hero. Ayon sa batas sa Republic Act 10699 na nilagdaan taong 2015, ang medalist ng bansa ay makakatanggap ng cash incentives, depende sa rankings.
Kapag nakakuha ng gold, meron 10 milyon, silver medal 5 milyon, at bronze naman ay makakatanggap ng 2 milyon. Sa bawat event pa ito. Sana all! Partida meron pa, kapag ang manlalaro na makakuha ng Olympic Gold ay makakatanggap din ng Medal of Valor mula sa Philippine Sports Commission.
Maganda pa kay Idol Carlos Yulo, ayon sa Philippine Olympic Committee, ay may pangako sa mga gold medalist na house and lot, katulad nang ginawa nila sa apat na medalist sa Tokyo Olympics, tatlong taon ang nakakalipas.
Samantala, ayon sa ulat isang property development company sa Bonifacio Global City, makakatanggap si Idol Carlos Yulo ng fully furnished condo unit, na nagkakahalaga ng 24 milyon. Aba! Napa sana all na lang ako!
Anyway, isang taos pusong pagbati kay Idol Carlos Yulo sa iyong pagkapanalo bilang GOLD MEDALIST sa Paris Olympic. Proud na proud ako sa iyong natanggap na karangalan bilang Pilipino! Nawa’y gawin kang ehemplo ng iba pang mga manlalaro at sa bagong henerasyon! God bless you always!
***
Parting shot: Taos pusong pasasalamat sa mga nagbigay kulay sa aking ka-arawan nitong August 5, 2024, hindi ko na po kayo iisa-isahin, Dios na po ang bahala sa inyong mga ginintoang puso. Dasal ko din po sa Dios ang kapayapaan sa buong mundo.