ISANG pagpupugay at pagsaludo kay Bureau of Customs Commissioner Bien Rubio, gayundin kay Deputy Commissioner for Intelligence Group Gen. Juvymax Uy, sa pagkakadiskubre sa modus operandi ng Golden Lucky Sun Ent., Consumer.
Opo mga Igan, ang mapanlinlang na gawain ng consignee na ito ay hindi nakaligtas sa mga kamay nina Dep. Comm. for IG Gen. Juvymax Uy, at Comm. Bien Rubio.
Biruin niyo taon na daw ang pagiging dorobo nito, puro misdeclaration ang mga kargamento, at nagdedeklarang Vietnamese white rice 5% broken lamang, taliwas sa katotohanan.
Sino kaya itong Broker na si Allan at player na si Ronald? Totoo bang sila ang nasa likod ng panlilinlang? Balita ko, magaling daw ito magpadulas? Ambot!
Sinubukan po natin hanapin ang kanilang pagkakakilanlan, at panig, ngunit mailap ito sapagkat ipinagmamalaki daw ng dalawang mama na malakas sila sa mga opisyal ng BOC at maging sa mga kapatid natin sa pamamahayag. Ambot sa kambing na may bangs!
Marahil, marapat lamang na kasuhan si Mr. Broker Allan at Mr. Player Ronald ng economic sabotage, at tax evasion. Naku po! Mag himas kayo ng rehas na bakal!
Bukas naman ang pitak na ito para sa inyong panig, komento, reaksyon, at konklusyon, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa inyong abang Lingkod, at mag email sa iambernie32@gmail.com.
Siya nga pala mga Igan, may alert order ang kontrabado este kargamento nina Allan at Ronald na CEB0001-02262024, nito lamang February 26, 2024, na nilagdaan ni Cebu Coll. Atty. Ricardo Morales II.
Ito po mga Igan, ang Entry No. C-8172-24, dumating ang kontrabado este kargamento nito lamang February 20, 2024, na may Vessel & Voyage No. MV Uni Adroit at Registry No. EGP0015-24, galing sa Vietnam at ang Port of Entry sa PO7 O Cebu.
May bonus po mga kababayan, ito ang kanilang Container Nos. BEAU2103812, CAAU2317734, EGHU337815, HMCU3097018, EITU0466841, MAGU2170269, TCKU1178826, at EITU0109736.
Nakakahiya naman kayong mga taga Port of Cebu, tingnan niyo ng maigi ang derogatory information, ay mula pa sa tanggapan ng Office of the Commissioner. Ambot sa kambing na may bangs!
Tila natutulog kayo sa kangkongan, at may piring ang inyong mga mata? Marahil namamantikaan kayo dyan, at sobrang dulas nitong Player at Broker na mala palos ang dating! Ambot sa kambing na may bangs!
Magkano? Este sino ang nakikinabang sa mga mekus-mekus ni Mr. Player at Broker? Taon na pala binibilang ng kanilang modus? Bakit ngayon lang nadiskubre? Naku po! Naamoy ko talaga na umaalingasaw! Di po ba BB Gandang Hari!
Humanda kayo, lahat ng opisyal diyan sa Cebu, huhubaran ko pagkatao niyo, sa permiso na rin ni Comm. Bien Rubio at Dep. Comm. For IG Gen. Juvymax Uy. Tama po ba ako CIIS Dir. Verne Enciso? May ganun!
Samantala, patuloy po natin susubaybayan, at makikipag ugnayan tayo sa National Bureau of Investigation na e under surveillance itong sino Mr. Ronald at Allan, dahil involved din daw ito sa mga ipinagbabawal na kontrabando?
Well, kayo na mag-isip, kung ano itong, ipinagbabawal. Uy ambot sa kambing na may bangs! Hahaha sabi ni Aling Marites, kayo na mag isip at assignment niyo yan! May susunod pa!
***
AGRICULTURAL PRODUCTS WALANG LUSOT KAY COMM. BIEN AT DEP. COMM. FOR IG GEN. UY
MABUHAY PO KAYO Comm. Bien at Dep. Comm. Gen. Juvymax Uy, sa inyong adbokasiya na sugpuin ang ismagling at paigtingin ang koleksyon para sa taong bayan.
Patunay na lamang po ang pagkakasakote ng mga agricultural products diyan sa Port of Cebu, ito’y ayon sa ating insider.
Bakit kaya walang nag iingay? Meron bang mekus-mekus na nagaganap? O sadyang tahimik lang ang mga opisyal diyan sa Port of Cebu! Naku po! Mukhang may mahuhukay tayo rito!
Anyway, bigyan po muna natin ng pagsaludo sina Comm. Bien, at Dep. Comm. Gen. Uy, sa kanilang pagsugpo sa ismagling ng agricultural products at pagprotekta sa mga maliliit natin na magsasaka.
Port of Coll. Atty. Morales, mabuhay po kayo, patuloy po naka antabay ang inyong Abang Lingkod diyan sa Port of Cebu. Ngayon pa may insider tayong magsisiwalat. Sa mga modus diyan.
Samantala, bigyan naman po natin ng pagpupugay si Port of Coll. Atty. Morales na katuwang ni Comm. Bien, sa pagsugpo sa ismagling at tumutulong para ma reach ang target collection ng BOC. Hindi po ba Dep. Comm. Atty. Dizon?
Yan, mga Igan si Dep. Comm. Atty. Clarence Dizon, ang nangngasiwa ng Revenue Collection and Monitoring Group. Kaya panigurado po tayo na mababantayan nito ng maayos ang collection ng BOC. Mabuhay po kayo and God bless you po, always!
Spread the news