NAYANIG ang Bureau of Customs sa Alert Order No. CEB0001-02262024, kaugnay sa umano,y misdeclaration ng kargamentong bigas ng Golden Lucky Sun Ent. Consumer. Uy ambot!

Opo mga Igan, ang nasabing kontrabando este kargamento ay pag-aari umano ng isang player cum ismagler na si Mr. Ronald at Broker cum fixer na si Mr. Allan. Ambot sa kambing na may bangs!

Marahil, marapat din silipin ang Sanitary Permit at Import Permit nito, sa Bureau of Plant Industry, na batay sa ating nakalap na impormasyon may hukus pokus.

Biruin mo mga Igan, ang allowable sa kanilang timabang o metric tons, ay sobra sa kanilang ipinaparating, ngunit bawas din daw ang binabayarang duties and taxes? May ganun!

Mabuti na lamang at alerto ang tanggapan ni Comm. Bien Rubio, at sa pamamagitan ng Intelligence Group under ni Dep. Comm. Juvymax Uy, agaran silang nagpa labas ng ALERT ORDER! Buti nga!

Aksyon agad si Port of Cebu Collector Atty. Ricardo Morales, para lagdaan ang nasabing kalatas o AO, nito lamang February 26, 2024. Laban ka Meme Vice Ganda?

Nakakatakot nga lamang po mga Igan, dahil Manual lamang po ang ginawang Alert Order, maaring mabura ang nasabing dokumento o dili kaya maglaho. May naamoy po ba kayo?

Balita ko kasi, magaling na ismagler ester player itong si Mr. Ronald, at modus na daw kasi nito ang mga MISDECLARATION! Uy ambot sa kambing na may bangs!

Kaya pala magaling magpalusot este magparating ang nasabing Player, dahil marami umano itong kasabawat sa BOC Port of Cebu. Ang tanong magkano? Hahahaha!

Nag ugat ang nasabing Alert Order mga kababayan, dahil sa bigas na mula sa Vietnam na may derogatory o misdeclaration daw ito, na dumating nito lamang February 20, 2024. Hala ka!

Samantala, pagpupuri sa tanggapan ni Bureau of Customs Commissioner Bien Rubio, at Deputy Commissioner for Intelligence Group Gen. Juvymax Uy, sa kanilang marubdob na kampanya laban sa ismagling. Mabuhay po kayo at God bless you po, always! May susunod pa!

***

76 MILYONG KUSH, ITINANGKANG IPUSLIT

ITINANGKANG ipuslit ang aabot sa 63 kilong Kush o High Grade Marijuana, na nagkakahalagang 76 milyon, at itinatago pa sa balikbayan boxes, mula sa Thailand. Hala ka!

Mabuti na lamang at alerto ang mga ahente ng Bureau of Customs-Intelligence and Investigation Service o BOC-CIIS, at nabuking ang nasabing kontrabando. Mabuhay po kayo!

Limang balikbayan boxes na naglalaman ng dalawang mas maliit na kahon ay sumailalim sa 100% physical examination noon Martes, base sa alert order na inisyu ni District Collector Romeo Allan Rosales noong Pebrero 19, 2024. Isang pagsaludo at pagpupugay po kay MICP Collector Rosales!

Saad ng BOC, ang shipment ay naka consigned sa Marcelo D. Laylo Cargo Forwarders, at ipinadala ng isang Gerard Cruz, habang tatanggapin naman ng isang Erika Cruz, na residente ng Dasmarinas Cavite.

Ayon kay BOC-CIIS Director Verne Enciso, base sa impormasyon, may suspected presence of illegal drugs ang kargamento kung kaya’t agad itong nag request ng alert order. Natagpuan naman ang 12 kilos ng marijuana.

Ito mga Igan, sa pagtitiyak ni Dep. Comm. Gen. Uy, na hahanapin nila ang indibidwal, at inihahanda lamang ang mga kaukulang dokumento, at siguraduhing mapanagot ang nasa likod ng kontrabando.

Sa pahayag naman ni Comm. Bien Rubio, “the successful interdiction of illegal narcotics from entering our boarders wa possible because our officers continue to exhibit their experiences combined with technology we now have. This operation shows our commitment to keeping illegal drugs off our communities because protecting the people is our duty.”

Samantala, ayon sa BOC, ang mga consignees, senders, at recepients ng mga balikbayan boxes, ay maaring maharap sa kasong paglabag sa Customs Modernization Act at Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs of Act of 2002. Congratulations for the job well done!

Spread the news