MASAYA at dinagsa pa rin ng mga loyal Olivarez ang team BAGONG PARANAQUE para sa paghahain ng Certificate of Candidacy nitong Lunes, October 7, 2024 sa Paranaque City Hall at sa San Juan City para sa mga konggresista.
Sa pagka-alkalde muling babalik si Cong. Kuya Edwin, at sa Unang Distrito ng Paranaque naman si Mayor Kuya Eric Olivarez, bilang kinatawan na parehong subok na sa panahon sa pagseserbisyo.
Ang nasabing paghahain ng COC ay nagsimula muna ng isang pagpupugay sa panginoon Dios, upang basbasan ang TEAM BAGONG PARANAQUE sa San Antonio de Padua Church, San Antonio Valley 1, Barangay San Antonio Paranaque.
Sa panayam kay Ate Vergie, residente ng Baclaran, Paranaque City, na wala nang ELEKSYON sa Paranaque dahil nakita naman ang serbisyo ng magkapatid mula sa Medikal, Edukasyon, Imprastaktura, Scholarship Program at iba’t iba pang ayuda na kapaki-pakinabang sa mga mamamayan.
Sinigundahan naman ni Kuya Leo nang Brgy. San Isidro, ang naging pahayag ni Ate Vergie, ika pa nito ACTION SPEAKS LOUDER THAN WORDS., sapagkat tinamasa nila ang kaginhawaan at kapayapaan ng Lungsod simula nang pamunuan ito nang kanilang Ama na si Mayor Kap. Pablo Olivarez.
Tumatak, at gumawa nang Legasiya si Mayor Cong. Kuya Edwin, nang panahon nang pandemya, kung saan isa ang Lungsod sa unang tumugon sa nasabing pagsubok sa buong mundo.
Gayundin ang pag-alagwa ng Paranaque mula sa pagkakautang, kung saan sa panahon ni Kuya Edwin Olivarez, nawalan ng utang ang Lungsod at binusog pa ang mamayan ng mga proyekto.
Si Cong. Mayor Eric Olivarez naman, napagtuunan naman niya ang programa na may kahalagahan sa Edukasyon at Pangkalusugan, lalo na sa mga Senior Citizens.
Samantala, sumusunod naman sa yapak ni Cong. Mayor Kuya Edwin Olivarez, si Konsi Engr. Paulo Olivarez, na nag file ng kanyang CO bilang konsehal ng District 1 sa ikalawang termino.
Saad ni Ate Cathy, kung ano ang puno siya rin ang bunga, ang naging pahayag ni Ate Cathy, ay nagsasabing kung anong serbisyo ibinibigay ng magkapatid na Olivarez, gayun din sa anak at pamangkin. Nasa dugo na talaga nila ang pagsesrbisyo. Dagdag nito.
***
VICE MAYOR JOAN VILLAFUERTE PA RIN SA PUSO NG KABABAIHAN AT KABATAAN
NAGING City Councilor nang tatlong termino, bago naging Vice Mayor si Manay Joan, kung tawagin ng mga mamamayan ng Lungsod ng Paranaque, at tumatak sa lahat ang kanyang pagprotekta sa kabataan.
Maayos na Vice Mayor, handang tumugon sa mga nangangailangan at isinasa-alang alang ang mga kababayan sa pagpasa ng batas, o ordinansa, kung kaya’t maayos itong nailalatag sa taong bayan.
Panalo sa puso ng mga kababaihan, kabataan, matatanda o Senior Citizen, at maging sa mga kalalakihan, sapagkat pantay-pantay ang tingin niya sa kanyang mga nasasakupan.
Hinubog nang panahon sa ka-alaman at may puso mag serbisyo, yan ang tumamatak sa isipan ng mga Paranaqueno kapag sinabing Vice Mayor Manay Joan Villaguerte. Saad ni Ate Jet.
Samantala, binuo ang TEAM BAGONG PARANAQUE, nina Cong. Gus Tambunting ng District 2, na kilala naman sa pagiging LINGKOD BAYAN, at tumataktak ang kanyang serbisyong pa birthday kay lolo at lola, p wedding, TUPAD, pabinyag, medical assistance, scholarhip at iba pa.
Ang mga konsehal ng TEAM BAGONG PARANAQUE, sa District 1 ay sina Coun. Marquez Charles Yoej, Olivarez Pablo II, Gabriel Carina, Viduya Maria Isabel, Inciong Brillante, at Maria Guadalupe Golez, sa District 2 naman ay sina Coun. Enrico Golez, Benzon Shella, Amurao Florencia, Yllana John Ryan, Sotto Wahoo Dabarkads, Esplana Kristine, Frias Jerome Bart, at Dela Pena Rafael Lito.